Bilang Mayaman, Kinuha naming Guest si PSY! (feat. Lagoon)



"Lagoon"
-jepbuendia-

Sabi nung tatay ko, kapag nalulungkot ako, pumunta lang ako dun sa lagoon. Dun niya ako madalas dalhin nung bata pa ako. Tahimik yung lugar na ‘yon, malaya kang makakapag-isip. Nung huling punta nya dun, di na siya bumalik. Di na siya nagpakita. Bigla na lang syang nawala.

Pumupunta pa rin ako sa lagoon. Kapag naaalala ko siya, pumupunta ako dun. Magpapalipas lang ng oras sandali. Lagi kong pinagmamasadan yung tubig sa lagoon, yun lang eh nakakapagpakalma na sa akin. Malinaw, saka malinis.

Mula nung di na niya kami binalikan, ako na yung umako sa pangangailangan ng pamilya. Maaga akong nagtrabaho. Nakakapagod. Ganun pala ang magtrabaho. Mahirap pa lang kumita ng pera. Mahirap pala yung suportahan ang pangangailangan ng pamilya.

Nagalit ako sa kanya kasi bigla na lang niya kami iniwan. Sa pagkakaalam ko maayos naman ang kanyang trabaho, kaya niya naman kaming bigyan ng sustento. Ewan ko ba kung anung nangyari sa kanya.

Kanina mula sa trabaho, dumeretso ako dito sa lagoon. Ganun pa rin ang tubig. Malinaw, saka malinis. Hanggang ngayon di ko pa rin maintindihan kung bakit niya kami iniwan. Ang alam ko lang, kapag nandito ako, pakiramdam ko kasama ko siya. Nandito ako kasi may problema ako. Ang sabi naman niya kapag malungkot ako pumunta lang ako dito.

Malamig pala ang tubig. Lalo na kapag palubog na ang araw. Namumula noon ang kulay ng langit. Unti-unti kong inilubog ang sarili. Nararamdaman ko yung lamig, papaakyakt sa aking bibig. Hanggang sa ang mga mata ko'y wala nang makita. Ang huli kong nasilayan ay ang kulay pulang araw. Hinayaan ko na matangay ako ng tubig. Bahala na kung mapunta man ako sa malalim…

Hindi nga siguro ganun kadali ang buhay. Hindi nga rin siguro ganun katatag ang aking tatay. Alam ko na kung bakit dito siya nagpupunta. Alam ko na ngayon kung nasaan siya...

x-o-x-o-x

PS: Nakapanuod ako ng isang documentary mga 2 oras bago sumapit yung bagong taon. Ang pamagat eh "The Secret of Life in Japan". Totoo pala na mataas ang bilang ng mga taong nagsu-suicide sa bansang 'yon. Marahil sa taas na rin ng demand ng pamumuhay dun. Akala ko nung una kung anong secret yung tatalakayin sa video yun pala tungkol yun sa mga japanese na di na kinaya ang 'pressure' ng buhay, halimbawa nagpapakamatay sila kapag di nagiging successful ang kanilang business. Para sa kanila, mas mabuti nang tapusin ang buhay nang may natitirang dangal kaysa danasin pa nila ang sobrang pagkabigo at pagkapahiya.

Naisip ko mabuti na lang ang mga Pilipino ay masasayahing tao. Kahit medyo mabigat ang problema o hagupitin man ng bagyo, tuloy pa rin ang buhay, makakangiti pa rin paglaon.

x-o-x-o-x

Kamusta naman ang Bagong Taon?


Sa sobrang yaman nga pla ng 'community' namin, ay nakeri naming i-guest si PSY dito sa aming lugar :)

Korek! Si PSY talaga! Walang halong biro. Mula hapon ng Dec. 31 hanggang ngayong Jan.01 nagko-concert pa rin siya dito sa lugar namin!!! Paulit-ulit na "oppa gangnam style" lol

Di pa ba sapat na mahigit 1 billion hits na s'ya sa YouTube? Kailangan talaga paulit-ulit patugtugin ang kantang yon. Da best talaga kasi iba-ibang version pa- original, pang-christmas, remix, pang-disco, pang-pirated na tumatalon, mashup, techno, kulang na lang yung acoustic version din.

At napaka-romantic din ng aming new year. 6 seconds bago mag 12 midnight nag-brown out dito sa lugar namin! Lights out talaga, kaya no choice 'candle light' mode kami lol. First time ko mag-new year ng brownout! Mga 1:30am bumalik na yung kuryente kaya tuloy ang putukan at concert ni PSY featuring ryzza chacha and pusong bato.

Hapi New Year! Napahaba ulit ang note ko.

Mga Komento

  1. Sir ramdam ko ang lungkot mo sa lagoon. Tulad mo ako rin ay umako ng responsibilidad ng tatay ko. Naging iresponsable sya pero ngayon bumabawi na. Pero di ko parin maalis yung tampo ko sa kanya kaya kahit anong gawin ko di kami maging closed. Ok naman na kami kaya lang di kami close. Marahil may mabigat na dahilan ang tatay mo kaya nya kayo iniwan. Darating din yung panahon na maiintindihan nyo sya. Sa post mo mukhang naintindihan mo na.

    Nagpupunta rin ako sa dagat at titingin ng malayo habang papalubog ang araw kapag nalulungkot ako. Iiyak nalang ako sa twing ginagawa ko yun. Pero dati pa yun. Minsan masarap din ulitin.

    XXXXX

    Japan: Ganun nga sila. Kahit sa SG ay mataas din ang case ng suicide.

    XXXXX
    ANg saya ng new year nyo. Ang liwanag siguro nung nag 12AM dahil brown out. hehe. Minsan masaya din maranasan yung mga bagay na hindi natin nakasanayan.

    Happy New Year Sayo :)


    Gusto kitang batiin sa pagkakasulat mo sa Lagoon. Ang ganda ng pagkakalathala mo :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naka-relate ka pala sir sa "Lagoon", hindi ko akalain na tutugma yung kwento nun sa buhay mo. Bilib ako sayo dahil kinaya mo.

      Wala pong kinalaman ang kwento ng "Lagoon" sa akin. Yun ay naisulat ko matapos kong panuorin yung The Secret of Life in Japan, dahil nadama ko yung lungkot sa aking pinanuod.

      Naging masaya rin naman ang new year, dahil sobrang dilim sa lugar namin, lumiwanag ng husto yung mga lusis at iba pang pailaw.

      Salamat!!!

      Burahin
    2. Haha fiction lang pala yun? Damang dama ko e :P

      Burahin
    3. oo :) kaya inilipat ko na rin yung title sa taas!
      congrats pala sa interview mo ah, kaw na :)

      Burahin
  2. hmm ang lunkot naman ng bungad pero ayun i know naman na kaya mo kaya ok na yan
    hmm di ko alam ganun pala sa japan
    haha so sick of that song hahah
    dito din nag babadyang ng brownout kahapon haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ay pasensya na kung ang unang likha ko sa taong 'to ay malungkot ang tema :) dahil kasi yun sa napanuod ko bago mag new year'

      ngayon ko lang din napagtanto na big deal pala ang isyung yun sa japan'

      Burahin
  3. Naalala ko ang Aplaya sa Laguna dati... madalas ako dun pag nalulungkot...

    Masarap kasi sa pakiramdam ung pagmasdan ang tubig..

    Happy Happy New Year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. iba talaga ang 'magic' ng tubig :)

      Hapi new year too!

      Burahin
  4. Kapag may hinagpis kaming magkakaibigan sa aming mga magulang at ka-pamilya, makikita mo kami sa CCP breakwaters. Wala kaming masyadong makain dahil wala naman kaming pera pero masaya pa rin kaming lahat.

    Maganda ang pagkakasulat ng lagoon story. Maaring mangyari sa lahat ng tao. Ako ilang beses ko nang inisip, pero napaisip lang naman.

    Speaking of Psy, nang nadito yan, binayaran yan ng 28 million pesos, just for five songs. Sana, nabigyan na lang ng solusyon ang mga problema ng tao. Isa lang ang yumaman :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kahit wala masyadong pera, iba pa rin talaga kapag may mga kaibigan.

      lahat naman siguro, lalo na kapag nasusubok ng husto ay naiisip din 'yun'. sumagi na rin yun sa akin, umilag ako :)

      ang mahal naman ng talent fee ni Psy for five songs! sana marami syang matulungan sa blessings niya...

      Burahin
  5. Lagoon, iniisip ko kung san ko sya narinig! "Laboon pala ang naalala ko". Anime yan kaya di ko naieexplain pa.

    Naiinis ka kasi iniwan nya kayo, pero pumupunta ka pa rin don, kasi feeling mo sakama mo sya. Iba talaga pag mahal mo no? Iba talaga, blood is thicker than water ika nga.

    Sa totoo lang hindi ako ganung natutuwa sa Gangnam style, pero hindi ko sya ayaw. Parang "sakto" lang. Pero may + point sya sakin kasi naungusan nya ang BABY ni Bieber sa youtube. HAHAHAH!

    Ayun lang! :)) Nabisita kita, para ka kasing si Fiel kun. (Yung icon mo) :D

    [Fllwd.u]

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sa pagbisita!

      oo nakita ko na rin yung mata ni fiel kun :)
      di ko akalain na di pala ako nag-iisang mata dito lol

      Burahin
    2. HAHAH! malay mo, pakners in crime kayo in the future! HAHAH mga eye witnesses! lol

      Burahin
    3. pwede! haha
      kailan ko kaya makakaingkwentro si fiel kun,
      gusto kong magkita kami sa blogsphere 'eye to eye' hahaha :)

      Burahin
    4. Puntahan mo lang sya sa mga blog sites na binibisita mo, madalas din sya mag iwan ng bakas sa mga entries! :)

      Burahin
    5. oo nga, madalas ko rin siya makita, minsan nga mag-iiwan din ako ng muta este koment kung s'an sya naglagay :)

      Burahin
  6. Mukhang pare pareho ang themesongs nga new year sa Pinas, yung tatlong kanta na yan. dagdag pa yung Call Me Maybe. hehehe.

    nakaka-inspire ang kwento mo tungkol sa buhay. Di natin talaga maintindihan ang mga nangyayari sa ngayon pero pagdating nga panahon na mas lumalawak na rin ang pananaw natin sa mga bagay bagay, kahit pa gano kasama nagkakaroon ng rin ng kahit kaunting liwanag kung bakit nangyayari ang di kagandahang mga bagay sa buhay natin.


    At nakakatuwa rin na malaman na hindi mo hinarap ng may galit, kundi may responsable at mabuting pag kilos ang naging bunga ng nangyaring ito sa pamilya mo sa iyo. :)

    Happy New Year Jep. More power sa blog.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may wish pala ako, sana maungusan ng Pusong Bato ang 1Billion views ng gangnam style. kanina pinalabas buhay niya sa magpakailanman, baka magsimula na yun at manood ang 100M na pinoy. good start na. lols.

      Burahin
    2. salamat sa iyong pagbisita!

      ang "lagoon" ay di ko personal na kwento, ito ay kathang isip lang :) pasensya na kung nakakalito, minsan kasi ang pagsusulat ko ay sa puntong ako yung karakter :) feelingero kasi ako lol

      hindi ko alam kung kasama ba tayo sa hula ni nostradamus na magtatagumpay ng husto ang mga 'yellow race', sa puntong ito sabi nila isang patunay ay ang 'gangnam style' na kumabog kay justin bieber lol, sana nga may isang hit song din mula sa ating bansa :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento