Di na talaga mapipigilan ang pagsapit ng 2013! Nakaka-pressure yung katamaran ko kasi pagkatapos ng mga 'celebration mode' back to work na naman, tsk! Hinihintay na naman ako ng mga minamahal kong papel na kailangan kong saksakin ng pulang ballpen :) ang class record at ang pagpa-plano para sa buhay ko at sa iba hehe.
Nakakatuwang magbasa ng mga post ng ibang bloggers ngayon. Very thankful sila sa mga nangyari sa kanilang buhay. Naisip ko nga eh, gagawa rin ba ako? Eh ang pinaka highlight ata ng buhay ko ay yung nangyaring baha :) Yun ang isa sa pinakamahirap na eksenang ginawa ko sa teleserye ng buhay na 'to hehe, one take lang yun ah, 'yoko na maulit eh.
Kung meron man isang bagay na na-enjoy ko talaga ngayong taon, bukod sa pasasalamat ko sa aking pamilya at mga kaibigan etc, ito na siguro yung napadpad ako dito sa blogosphere. Yung pagbo-blog. Ito yung isang bagay na nitong taon lang talaga nangyari sa life ko... and I have learned a lot.
Sabi ng ibang bloggers, parang 'baby' daw ang ating mga blog, na sa paglipas ng taon ay nakikita nating naggo-grow. Sa akin naman, yung blog ko marahil yung nagsisilbing paraan ko para ma-express yung mga bagay na hindi ko naman 'nakekeri' sa mga personal na usapan. More of being a 'listener' kasi ako as a person, sa mga super close at kapalagayan ko ng loob lang ako nakikipag-usap ng todo.
Sinunod ko lang yung isang payo na nabasa ko sa internet, ang sabi eh kapag feeling 'confuse' o naguguluhan ka, subukan mong magsulat. At malaki nga yung naitulong nun para makapag-reflect ako at makapag-move on sa mga bagay na nakiki-agaw ng 'space and time' sa buhay ko haha. Dati ko na naman yung ginagawa, pero iba kasi dito sa blogosphere. Sa personal journal ko kasi, wala namang mag-iiwan ng comment or suggestion dun, unless ipangalandakan ko yung notebook na pinagsusulatan ko sa bahay namin or sa mga dakilang neighborhood ko para may mapag-tsismisan sila :) Dito, nakakataba ng puso, yung kapag nasa 'senti-mode' ka, may mag-iiwan ng comment sa post mo, napakalaking bagay... ni hindi mo na nga sila kaanu-ano at hindi rin kilala ng personal. Ang galing lang! Dito ko naranasan na kahit di ako masyadong lumalabas, feeling 'connected' pa rin ako sa buhay ng iba. Pero syempre, alam ko na iba pa rin talaga ang makipag-socialize sa labas ng mundong 'to.
Malaki ang pagtingin ko sa mga taong mahilig o magaling magsulat. Hindi ko alam kung bakit, basta ganun yung nararamdaman ko. Di rin kasi madali na magpahayag ng kung ano ang nasa isip o nararamdaman mo, o yung makalikha ng isang kwento, tula etc... kasi feeling ko bawat malilikha mo bilang manunulat (propesyonal man o hindi) ay parte na ng pagiging ikaw... extension ng ating mga sarili ika nga. At dahil dun, dumating ako sa punto na ayoko na talagang magsulat or magkwento ng anu man haha, contradicting lang, kasi naisip ko baka di ko naman nabibigyan ng 'justice' yung ginagawa kong ito. Pero heto, still trying... hard lol.
Ang OA lang ng pag-appreciate ko sa blogging. Pero ganun talaga eh. Para akong nakahanap ng bagong paraan para kahit pa'no ay makita ko ang buhay on a different angle.
Marami akong hinahangaang bloggers ngayon. And in one way or another, I would also want to have the same effect on others... yung kahit papano eh maging source din ng 'inspiration'... I think, importante yun sa isang tao. Mabuhay ng may positibong pananaw. Yun lang kasi ang masi-share ko sa ngayon :) kasi mahal ang talent fee ko, napaka-precious ng time ko for EB events lol at nasa ilalim pa rin ng lupa ang mga kayamanan ko! :)
Nitong 2012, I have created a theme para sa buhay ko haha, ang 'arti' ko lang, may theme pang nalalaman :) Sabi ko nun bago mag 2012, gusto kong lumikha ng 'difference' sa life ko. I told myself, kailangan magawa ko yun kahit maliliit na pagbabago lang sa isang araw. And I believe, kahit pa'no, kasi mahirap talaga, nagawa ko naman. Natuto ako na ipakita at ipamuhay, kahit di mapanindigan palagi, yung mga bagay na pinaniniwalaan ko. Na kaya kong umalis sa mga 'stereotypical' na ideya. Yung matutong makinig sa sarili. Yung kumilos nang hindi masyadong natatakot sa sasabihin ng iba. Yung kahit pa'no ay maintindihan din ang iba, the same way na pag-intindi ko sa sarili. Oo, itong taon na 'to, napaka-emotero kong tao :) kaya natutunan ko na ring tawanan ang sarili ko lol :)
At sa darating na 2013, ang theme ko naman ay "chasing dreams" :)
Oo, inaamin ko na naging duwag ako sa pagtupad sa mga pangarap ko. Natakot talaga akong mabigo, kasi parang hindi yun ang inaasahan nila sa akin. Pero ngayon, 'wapakels' na ako, I will now chase my dreams! Pinagbigyan ko na sila, ako naman :)
Natatandaan ko noong college, napaka-bless ko sa pag-aaral. Di naman ako super talino, pero naipapasa ko yung mga subjects ko noon kahit stressful. Yung nakikita ko yung ibang classmates ko na sobrang worried or naiiyak pa nga sa mga grades nila, tapus ako parang 'cool' lang. Naisip ko nun na ibagsak yung ibang subjects ko, kasi feeling ko sa sobrang blessed ko baka di ko na alam ang pakiramdam ng mabigo. Dun siguro ako nagsimulang maging duwag. And because of that, little did I know, I have also failed sa ibang bagay. It took me time to realiize those things kasi mahirap din masaktan. Pero ganun talaga ang buhay, you may not have it all at once.
Dumating ako sa point na gusto ko talaga ma-determine kung ano talaga ang gusto ko. Yung makisabay ba o gumawa ng sariling daan. At mas pipiliin ko yung huli.
Maraming bagay ang hindi ko makokontrol sa darating na taon, kaya I wish upon a star talaga haha :) All is well na lang!
Siguro darating din yung araw na di na ako makukulong sa mundo kong 'to, pero sa ngayon, sige lang, pagsasawaan ko na 'to!
Ito na siguro ang pinakamahaba kong kwento.
God bless sa lahat! :)
Nice post. We havethesame feeling and take about blogging. Good luck to your goal nxt year. Sana matupad dreams mo. Keep on blogging...
TumugonBurahinthanks! good luck and God bless din sa mga goals mo this year! let's rock 2013! :)
Burahini feel you mare. kaya naman eto ako ngayon, create a lane talaga ako. hahaha..XD pero ya, we learn everyday. if it's bad, it's a lesson, if it's good it's a memory. ganito lang ang buhay kaya cheer up and always be happy. :D
TumugonBurahinmaligayang bagong taon. =)
i agree! let's all be hapi :) hapi new year sayo!
Burahinang haba nga. pero nice naman. happy new year sa lahat!
TumugonBurahinhapi new year din! more power to u :)
Burahinang isa pang difference ng blogging sa personal journal ay makakakuha ka minsan ng unsolicited advice from visitors ng post mo. :D
TumugonBurahinHappy New Year.
tama. mga advice na nakakatulong din talaga :)
Burahinhappy new year too!
Mahabang notes nga pero ang sarap basahin nitong post mo nato. Nakakarelate ako. Tulad mo mahal din ang ang talent fee ko. dyuk!
TumugonBurahinMarami din akong natutunan dito sa blogsphere at marami din akong hinahangaan.
Mukhang exciting ang 2013 mo. Chasing Dreams gusto ko yan. Basta pangarap ang pinag-uusapan.
Happy New Year Prof Jep:)
haha parehas pala tayong mahal ang talent fee :) malulugi ang kukuha sa atin!
Burahinhapi new year din sayo archieviner! hangad kong maging bongga rin ako tulad mo haha :)
hindi po ako prof, isa lang akong nilalang dito sa mundo lol
natutuwa akong natagpuan ko ang blog mo sir! keep blogging!!!
well ang takot ee ang numero unong pumipigil satin
TumugonBurahindapt di ka pa talo
life is about taking the risk!
anyways, thank you for making my 2012 even more wonderful!
I enjoyed your blog this year looking forward for more this coming year
Happy New Year
thanks! i enjoyed ur blog too!
BurahinAng galing ng pag-describe mo about blogging. I feel the same way pero ikaw nagawa mong isulat, i-express, hehe..
TumugonBurahinBakit akala mo ba hindi ka naka-inspire? Kaya nga madalas ako dito, lagi ka kasing may words of wisdom, marami kaya ako natutunan sayo. Saka natutuwa din ako pag nagkukuwento ka about teaching, pinangarap ko din kasing maging teacher dati.
Ang saya naman ng theme for this year.. chasing dreams! I like! Pwedeng pang tv series.
Happy New Year, Jep!
P.S. Natawa ako sa title ng post na to, kasi ah.. secret ko na lang! hihihi
salamat ate joanne! :) hehe
Burahindi ko in-expect na may natutunan ka pala dito :)
oo, feeling isang tv series talaga ang theme ko for this year haha, feelingero eh'
hapi new year din! God bless u and ur family :)
keep blogging! nakakatuwa ang iyong mga gala at adventure, yun ang isa sa gusto kong ma-achieve this year!
Wow, isa ka pang maka-ate dyan! Hahaha, sasaktan ko kayo e!
Burahinhahaha wag po! :)
Burahin