Lumaktaw sa pangunahing content

Lucky Me! 100 :)



Anyare sa'yo Jep?

...Eto na naman yung mga tagpo ng buhay na bawal magpahinga. Pagtatayo ako ng table, lalabas ako sa faculty deretso sa classroom. Pagbalik ko naman sa table nakabungad ang mga papel at forms na sarap ipa-raffle lol :) Ang sarap talaga ihagis-hagis sa ere ang mga papel na yan, walang katapusan! :)

Hindi naman at wala naman ako sigurong bahid ng pagiging reklamador haha. Love na love ko nga ang ginagawa ko  eh :)

Anong mga bagay ang nami-miss mo sa ngayon?

...Nung unang taon ko ng pagtuturo, naiiyak talaga ako kapag sobrang pagod na hehe. Ganun talaga ang fighting mechanism ko sa pagod- ang lumuha lol. Yung tipong paghiga ko sa kama, unti-unti na lang umaagos ang mala-perlas na patak ng aking luha :) Yun ang naging paraan ng aking katawan para maibsan ang pagod (abnormal?).

Na-miss ko na ang tagpong yon. Ngayon kasi laway na lang ang tumutulo sa akin kapag natutulog haha :) Medyo tumatag na ang aking sikmura sa pagod factor na yan. Minsan nga mas masarap pang matulog ng pagod para mahimbing ang tulog... magpakailanman :) May mga moment din na pagkagising ko naka-uniform pa din ako hehe, yun naman eh kapag to the highest level na ang pagiging haggard, yung tipong mahihimatay ka na lang sa kama!

...Pero nami-miss ko talaga ang kumain kasabay ni mama. Minsan kasi gabi na ako nakakauwi kaya sa labas na ako kumakain. Parang nakakatampo lang sa side ng mama ko na nag-effort s'yang magluto at hintayin akong umuwi tapus wala rin pala siyang makakasabay sa pagkain. Eh mas gabi pa kung umuwi ang tatay at kapatid ko. Kaya minsan kahit 'sogbu' na ako, kumakain pa rin ako basta't alam kong nagluto siya. Resulta? Ayun masuka-suka sa dami ng nakakain ko pag gabi lol :)

Kaya naniniwala ako sa Lucky Me! Dapat talagang bigyan ng halaga ang sabay-sabay na pagkain ng isang pamilya.

Ika-100th post mo ngayon di ba?

...Oo nga eh, akalain mo yon. Ngayon pa lang ang ika 'sandaang post ko :) Hangad ko ang susunod pang isandaan :)

'Kaw? Anung nami-miss mo ngayon sa buhay?

Mga Komento

  1. Happy 100th post!!!

    By looks, mukha talagang nakakapgod work ng mga teachers.. hay, work sa school pati house work pa din..daig niyo pa estudyante.. pero keri mo yan!!

    TumugonBurahin
  2. namimiss ko anak ko.

    congrats sa 100th post!

    TumugonBurahin
  3. Wow, 100, perfect score! More power to your blog and keep on ranting, writing pala, lol!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. puro rants na ba ang nasusulat ko? :)
      napansin ko nga rin eh hehe'

      Burahin
  4. happy 100th post. Di nagkakalayo ang bilang ng mga poste natin. :)

    Ang namimiss ko naman, yung pag-out of town. Simula kasi nagka baby kami ng wife ko, di na kami nakakaalis. Di pa rin kasi naman maaappreciate ni baby pag umalis kami o kaya e ayaw naman namin siyang iwan ng matagal. Kaya siguro pag nagkaisip isip na siya, saka kami lalayo ng konti sa mga gala.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. wow! ang saya naman ng magiging bonding ng inyong family :)
      God bless sa inyong anak, sana'y lumaking mabuti at mahusay.

      Burahin
  5. Life's like that hehe- all we need is just to dance with it. I was once a grade school teacher and I can relate with you so much. Being a teacher is really challenging, with all the reports, paper works and stuff that you need to accomplish. But my fulfillment is when I see my former students excel in their field and recognizing your effort in molding them by meeting you up and literally thanking you for what you have done. It happened to me. Right now I am still connected with them.

    On family bonding or mother bonding - like you I also dream of spending more days and time with my mom sana kaya lang nasa abroad ako. Binabawi ko nalang pag umuuwi ako. Sacrifice really plays an important part in it.

    Congratz sa pang 100 post mo! Cheers to more blogging!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sir jay!
      buti ka pa nakapagbago ng career, ako din gusto ko :)
      pero iba talaga ang pagtuturo at ang pagiging teacher,
      priceless experience!

      Burahin
  6. uyy happy 100th post parekoy
    hmm toxic nga siguro ung work mo nu

    TumugonBurahin
  7. - Ipa-raffle mo na rin ung exams sir. Sana makuha ko ung perfect. Lol :)
    - waiting for the post number 101. :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha eh kung ipa-raffle na lang din ang grade? :)
      para di na ako mahirapan mag-compute :)

      Burahin
  8. Normal naman ang lumuha. Lalo pa't guro ka at naiintindihan namin, Naalala ko my moment din ako na pagkagising ko nakauniform pako. hehe. Nakakamiss nga yung makasama mo ang mahal mo sa buhay sa hapag kainan sa kabila ng kabusyhan natin.

    Happy 100th post sir :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat!

      san ka pala galing?
      may pasalubong ka ba sa amin? lol :)

      Burahin
    2. Galing lang ako sa kabilang kastilyo. LOL. Haitus lang ako. Uuwi ako ng Pinas soon. Sana'y makita kita. hehe

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...