maBUHOK na usapan



Bilang isang nagpapanggap na mabuting mag-aaral, mula elem hanggang hiskul ay di ko talaga pinakialaman ang hairstyle ko. Wag daw magpapa-layered ng buhok o kahit anu pang patusok or pang-adik na hairstyle lol. Bilang kasapi ng natatanging seksyon, dapat daw kami'y maging mga modelo... (weh?)... at ako na nauto ng mahabang panahon ay naging sunud-sunuran, no choice eh, baka katkatan ang hair ko ng adviser namin eh di mas lalong pangit... so clean cut as always *saklap*

Hanggang sa tumuntong na ako sa kolehiyo, na-excite ako ng lubusan, eto na, pwede na ang long hair, colored at kahit anu pang hairstyle! Pero leche flan, educ pala ang kinuha kong course :( Sabi ng mga prof namin dapat pa rin kami maging modelo... (weh talaga? hehe)... bilang mga susunod na guro. So hanggang layered hairstyle na lang at bawal ang mga patusok or mahabang bangs, dahil yung ibang prof namin ay di nagbibigay ng exam kapag long hair ka *saklap ulit*

Kaya sabi ko sa sarili ko, sige na, pagbibigyan ko na to, anyway, pag nagtrabaho na ako pwede na talaga!

Hanggang sa ayun, pagdating sa trabaho, teacher nga pala ako, di pa rin pwede tsk' model pa rin ang peg! Pero sa unang taon lang yun. Habang tumatagal, tumitibay na rin ang loob na sumuway haha :) Yung buhok na dati'y napakaayus ng suklay, eto na unti-unti nang nagugulo na di na sinusuklay, kamay-kamay lang lol. Hanggang sa naiipon na sa gitna at tumatayo na... tapus charan! para-paraan din. Tapus may time pa na nagpahaba ng kaunti na mukha na akong ewan, hinihintay ko lang na sitahin ako na nangyari din naman hehe, hanggang sa naka-jimmy neutron na :)

Mula nung tinataas ko na ang buhok ko, 'jimmy' na ang naging tawag sa akin ng ilang co-teacher ko :) Bilang si jimmy daw at ako ay parehas inclined sa science at parehas kaming may mala-'ice cream' na buhok :) Nung una, di naman ako napapansin ng kataas-taasan, pero syempre alam mo na, makikita at makikita pa rin ang nakataas kong buhok;

Anung mga eksena ito?

... Nung teachers' day, nagbigay ng message ang school director namin. Umapila siya sa mga guro at mga nangangasiwa ng disiplina na gabayan mabuti ang mga mag-aaral at isa sa natukoy ay ang buhok ng mga bata na para daw may mga palong etc... at hetong mga mababait kong friendship na teachers ay sabay-sabay pang tumingin sa akin, napansin tuloy ako. Gusto ko sanang sabihin na "uy! mga bata daw hindi teacher!" Pero wala na, strike 1 na ako lol :)

... At habang may kainan nun sa faculty, napadaan naman ang spiritual director namin, at kahit nakatalikod na ako sa kanya, kita pa rin pala ang tulis ng buhok ko, ayun napansin ulit ang hairdo, maaari daw bang ibaba namin ang aming hair' (buti dalawa kami nun haha). Pero strike 2 pa rin ako tsk'

... Tapus nung nag-aayos naman kami para sa batch picture ng graduating class, bilang mga pasaway pa rin ang ibang mga students namin, napansin ng academic coordinator ang ayos ng buhok ng mga pa-cool na students; sabi niya "bakit ba yang mga buhok ng kalalakihan ay parang may mga palong pa din?" sabay lingon sa akin derecho sa buhok ko, so may-i-smile na lang me haha. Lakad-lakad din para malayo sa eksena :)

... At ang pinaka recent ay ngayong araw lang :) Nagkaroon ng meeting ang hiskul faculty again with school director. Sakto nasa unahan pa man din ako nakaupo, kaya pagkalingon niya sa akin sumenyas ang kanyang mga kamay referring to my hair na medyo nataas daw ata, this time napabanat talaga ako ng ''hindi po, na-fly away lang po yan'', na sinundan ng tawanan. Kaya nung matapos ang meeting hindi na 'jimmy' ang tawag sa akin.... 'fly away' na lol. Bigla ako napaisip, 'signos' na ba 'to? Baka ma-fly away na ako sa school hehe :)

But for the record, di naman consistent na ganun ang aking buhok... madalas lang talaga ganun :) Pag alam ko namang mahaba na ang hair ko, isinusuklay ko na yun ng maayos na mala-sakristan. Ewan ko nga ba kung bakit lagi ako tinatanong ng mga students if nag-sakristan daw ba ako? Pwede namang hindi di ba... kasi hindi talaga :)

So bukas... anu kaya ang magiging hairdo ko? Medyo mainit na ngayon ang mga ganung buhok hehe. Sa buhok lang naman ako medyo pumapalag kasi di ako nakaranas ng "hair freedom" sa buong buhay ko lol :)

Mga Komento

  1. Ahaha minsan isa sa mga *pita* ang ayos ng hair kapag student ka pa lang dahil sa ang daming dapat sundin :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kaya nga :) buti sana kung lahat ay binabagayan nung gupit 'mabuting mag-aaral' hehe :)

      Burahin
    2. nyahaha tama ka dyan yung iba nagmumukang elementary kahit highshcool na.

      Burahin
    3. korek! haha, nagmumukhang 'awkward' :)

      Burahin
  2. well sa high school uso pa yata ang 3x4 na haircut. pero kung adult ka na at ginagawa mo naman ang trabaho at tungkulin mo, wala na silang pakialam kung anong gupit o style ng buhok mo hehehe

    TumugonBurahin
  3. Oo nga, iba talaga ang dapat nating ipakita sa mga tao sa lipunan dahil lamang sa ating propesyon. Minsan, bumili ako ng wine dahil ako ay invited sa isang get together. Bigla ba namang may pumilang nanay ng estudyante ko sa likuran. Mega explain tuloy ako, guilty ba? Model ba dapat? Ang alam ko malaki ang kita ng mga models, lol!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. buti nga sana kung malaki talaga ang kita nating mga 'models' :)
      kahit anung haircut pa yan go lang! hehe'

      Burahin
  4. di naman basehan ang buhok sa pagtuturo..grabe.. at di naman nakakabobo ang wax at gel.. modern days na..cge lang sir.. follow ur own rules.. :D ...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. may kakampi pala ako eh :)
      gagawin ko talaga ang gusto ko, for as long as, di ito nakakaapekto sa aking trabaho'

      Burahin
    2. exactly..and i dont get it.. buhok lang yun.. wala yun.. parang sinabihan mo na din si Pinoy na bawal buhok nya kasi kulang na..

      Burahin
    3. haha :)
      wag na natin isama si Pinoy, yaan na natin siya lols

      Burahin
  5. wahh isang malaking disaster hairstyle ko nung high school!
    haha ipopost ko yan some other time makikita mo
    kinaiba ahhaha

    3x4 sucks!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. aabangan ko yan hehe'
      ayoko na nga rin tignan yung dating mga pic ko nung masunuring bata pa ako :)

      Burahin
  6. dapat payagan sa teacher ang desired hairstyle... walang basagan ng trip dapats!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. agree! :)
      minsan na nga lang mabuhay sa earth eh! saka tapus na ako sa mga 'mabuting mag-aaral hairdo' na yan, malaki na ako at nagtatrabaho na :)

      *welga! welga!*

      Burahin
  7. natawa naman ako sa hair freedom! Hahahah! (sa huli na yang word nayan, so muka akong nag skip read pero hindi!) depensib? lol

    Okay naman ang clean cut ah, malinis! Hindi ako nababagayan sa mga longhair tapos longsleeves, ewan ko, parang di bagay.

    Naalala ko yung isa kong kaklase, kaya daw sya nag engineering dahil ayaw nya na sumunod sa haircut policy na yan. lol Gawin bang dahilan ang buhok sa pagpili ng course?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. haha oks lang mag skip read :) basta 'gets' mo na yung thought or idea ng post, OK na yun :)

      may mga preferred clean cut kasi na sobrang ikli naman, eh may medium length na mailinis pa din naman ang gupit, ewan ko ba'

      para lang di makasunod sa haircut policy? tsk' sayang naman ang pag-aaral niya hehe :)

      Burahin
  8. Naalala ko si samson dito. Yung wag puputulin ang buhok nya dahil walalan sya ng lakas, hehe


    Pinaglaruan ko yung buhok ko nung bata ako at hanggang ngayon gusto ko pang paglaruan, haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. same here! gusto ko rin mag-experiment ng marami pang hairstyles, pero di ko talaga magawa dahil kailangan mag-match ang buhok sa work :)

      Burahin
  9. Masyado yatang makaluma o conservative ang mga tao sa school nyo, where's the freedom? 2013 na

    TumugonBurahin
  10. Hmmm nang away ako ng titser dahil sa buhok! Pak!

    TumugonBurahin
  11. Pakalbo ka na lang, tapos kapag trip mong magiba ng hairstyle, suot ka ng wig. Pag may sumita, hablutin mo. LOL.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento