Lumaktaw sa pangunahing content

O Life! O buhay! Kaylupit mong Tunay :)

Ito na talaga
ang tunay na first day high.
Nakaka-high kasi super kahaggard.
Naulit na naman ang sumpa,
lumabas ako sa bahay ng 'fresh'
after ng school ako'y isa nang 'rotten flesh'.

O life! O buhay!
Why mo ako pinahihirapan?
Why are you so lupit?
Eh ako naman ay so bait :)

Di ko na ma-take ang haggardness!
Gusto ko nang bumalik sa pagiging freshness :)

Ang pagtuturo ay walang katapusan,
pag-uwi sa bahay,
mga ginagawa'y pang-eskwelahan.

Give me a break! Leche flan!
Di ako super human...

Sometimes, I tawa to myself,
bangag to da max pero project pa rin ang face :)
Minsan, I caught myself tulala,
so pre-occupied of too many things in life.

I dunno where to start,
buti sana if bayad kami 24 hours!

O life! O buhay!
One sheet of paper!
Kaylupit mong tunay :)

Mga Komento

  1. Pareho lang tayo ng hinanakit. O how so funny naman ur writing but true la la for all teachers. Naisip ko na ring umalis pero eto guro pa rin.

    TumugonBurahin
  2. awwww :( pinahirapan kayo sa first day? ang lufet ng school mo ah! bawi ka na lang sa weekend!

    TumugonBurahin
  3. wow ang cute naman ng pag kakasulat!
    hah at natuwa pa ko diba?
    ayun ganun talaga ang buhay teacher siguro kaya nga elibs ako sainyo

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. para kaming mga masokista lol'
      ouch talaga mga moments ngayon, ang sakit sa brain at somatic cells! lol :)

      Burahin
  4. Chill chill lang parekoy. Di sa lahat ng panahon puro hirap..remember there's a pot of gold at the end of the rainbow...hehehehe..relax lang. Difficulties are spices of life, without it, life is boring and not challenging.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tama ka. may mga pagkakataon lang talagang mahirap, ngayon medyo nakakaahon na me :)

      Burahin
  5. DILEMMA.. grabe talaga pag teacher. di lang sa school nag tatapos ang work. Kaso kinabukasan ng mga bata nakataya.. kaya go go go lang.. may reward din yan

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. correct! pag naiisip ko na para ito sa kinabukasan ng mga kabataan, ayun ang hirap magreklamo kaya go go lang! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...