2017 10 14 (Sabado) Jam-pack ang comp shop; kapag patapos na ang semestre sandamukal ang pa-print at pa-rent. Idagdag pa ang ulan; umuulan ng hassle. Pero di naman ako masyadong stress dahil kaunti lang naman ang ipapasa ko; ang ramdam ko ay yung stress nung mga kasabayan ko – yung naintindihan ko na lang na kararating lang nila sa comp shop at ang gusto ay ang file nila agad ang ma-print eh nauna pa nga ako sa kanila; meron ding nagpa-print tapus iniwan na lang kay kuya kasi exam na nila at babalikan na lang daw niya; at yung stress na si kuya sa comp shop dahil siya lang mag-isa, eh buti sana kung fans niya yung dumudumog sa kanya hahaha, eh mga estudyante na gustong maging mabilis pa sa speed of light para makahabol sa ano mang ipapasa. Cramming. Sa isip ko habang tinitignan ko sila, nagdaan din kami dyan, keri nyo lang din yan . Nararamdaman ko ang bigat sa buntong hininga ...