Natutunan ko na maaari pala magsimula ang opioid addiction sa simpleng prescription lamang ng isang physician. Ang opioid ay isang pain reliever na gamot. Nalaman ko rin na hindi ito basta ibinibigay sa mga pasyente dahil maaaring hanap-hanapin ng katawan ang bisa nito. Dito sa ating bansa, karaniwang ibinibigay lamang ang opioid para sa mga terminally ill patients o kung talagang kinakailangan. Ang opioid ay may ibang uri din tulad ng fentanyl at heroin; at ang nakakaloka, ay may panahon na ang mga ganitong uri ng narcotics ay pinu-push pa ng ilang pharmaceuticals na nagsasabi na nakapag-produce sila ng ganitong uri ng gamot na mas “safe” gamitin (sa ngalan ng marketing at business syempre), kaya ang resulta ay isang opioid addiction crisis lalo na sa Estados Unidos. Si DU30 na rin ang nagsabi na minsan ay napasobra siya sa prescribed na dosage ...