Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2017

'snob'

                “…all you have to do is call, and I’ll be there, you’ve got a friend.”                 - ang kinakanta ng matandang bulag na lalaki malapit sa may Central Station ng LRT.                 Natigil ako bigla sa paglalakad sa gilid ng UDM, hindi kasi ako mapakali. Naisip ko, bakit hindi ako naghulog ng pera sa donation box ng matandang bulag? Bakit ko siya nilampasan?                 Sa mga ganitong pagkakataon, lagi kong iniisip na gawin kung ano ang makapagpapanahimik sa aking saloobin, kaya humugot ako ng isandaang piso para maihulog sa donation box ng matandang bulag. Naglakad ako pabalik.            ...

"Siguro nga ay tama si Morrie."

                Siguro nga ay tama si Morrie.                 Hindi naman talaga titigil ang mundo para sa kahit na ano pa mang pinagdaraanan o nangyayari sa’yo. Kahalintulad nang malaman ni Morrie ang kanyang sakit. Malalang uri ng sakit.                 Hindi naman titigil sa kani-kaniyang buhay ang mga tao para lang sa kanya… sa’yo at pati na rin sa akin. Iinog pa rin ang lahat nang normal. Tuloy lang ang buhay.                 Sabado noon; lunes ay ang pagbubukas ng school year 2016-2017. Hindi ko naman mauusog ang pasukan kahit pa nagbabantay ako sa ospital noong mga panahon na iyon. Tuloy pa rin ang pasok kahit pagod, medyo puyat at may kaunting emotional stress. Haharap ...

"Daig pa hangover sa inuman."

                Ipinagsangag kami ng kanin ng nanay ni Tina, at ipinagluto pa ng bagong huling alimango. Dapat sana ay paalis na kami noon ni Olan, pero ipinaghain pa kami ng almusal bago umalis.                 Tig-dalawang tasa ng kape, otap at chicharon. Yan ang pinagsaluhan namin sa magdamag na kwentuhan at panggugulo sa bahay nila Tina, mula pasado alas-dose ng hating gabi hanggang alas-singko ng umaga. Ang tatag naming tatlo; walang tulugan. Napag-kwentuhan na mga ‘ganap’ namin sa buong araw, at kung anu-ano pa wag lang matulugan.                 Nakita na lang namin na may dalang malaking alimango ang tatay ni Tina; kuha sa kanilang palaisdaan. Agad naman itong niluto ng nanay niya, at yun na nga nagsangag pa.      ...

"Sa isip ko ay ‘epal’ lang talaga ang batang ito."

                Gutom ang inabot ko sa mahabang byahe pauwi.                 Magti-take out na lang sana ako sa kainang nasa tapat ng Ever, kaso nang banggitin ko ang aking order, hindi raw ito available. At hindi na rin ako nakapag-isip pa ng iba. Idagdag pa na matagal mag-prepare ng pagkain doon, tapus blockbuster pa ang bilang ng mga kumakain noong araw na yun.                 Sumakay ako ng trike para doon na lang kumain sa Bhoogle Mac (branch ng Mc Domeng). At least doon, alam kong kaunti lang ang customer. Umorder ako ng liemposilog at cheeseburger na pang-take out.                 Habang naghihintay, sa harap ko ay may isang batang lalaki. Nanghihingi ng barya. Hindi nam...

'pagpag'-kain

Nakagawian nang manuod ng kahit na anong dokyu tuwing new year’s eve. Para lang hindi mainip habang naghihintay na maghating-gabi. Ang napanuod ko ay dokyu tungkol sa mga mahihirap na pamilya na kumakain o nagbebenta ng ‘pagpag’. Mga parte lamang ng magkakaibang dokumentaryo ang napanuod ko; humigit-kumulang tig-sampung minuto. Magkakapareho ang paraan ng pagpo-proseso nila ng pagpag – 1. Kinukuha ang mga tirang pagkain mula sa mga itinapon na ng mga fast food o restaurant. 2. Pinipili ang mga tirang pagkain tulad halimbawa ng manok na may mga laman pang natitira. 3. Hinuhugasan ang mga naipong 'pagpag' at saka ito pinakukuluan. 4. Inilulutong muli ang mga napakuluang 'pagpag'. 5. Sa iba ay hindi lamang ito basta panglaman-tiyan; ibinibenta rin nila ito at pinagkakakitaan. Ang pagkain ng ‘pagpag’ ay maaaring magdulot ng malnutrisyon at sakit (tulad ng pagtatae, pagsusuka, cholera at hepatitis). Ngunit nakalulungkot na dahil sa kahirapan ay napip...

talsikan festival :)

1. Kung may matalsikan man, dedma na lang. 2. Pulutin at ibalik sa bibig. 3. Bigyan ng plus 5! Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan sa mga maaaring gawin kapag tumalsik ang iyong laway habang nagtuturo ka hahaha. Ito ay naitala mula sa kwentuhan naming magkakaibigan sa isang kapehan. o-O-o 1. Pupunasan nang palihim. 2. Matalim na pagtingin. 3. Dedma na lang din. Ang mga ito naman ang ginagawa ng mga estudyanteng natatalsikan ng laway . At oo, ito talaga ang isa sa mga naging usapan namin; it’s so interesting! Lols.

dagli 18: mema-chicken thought

                Tinawid namin ang highway para makasakay ng jeep pa-Malanday. Habang naghihintay ng masasakyan, dumaan ang dalawang maliit na delivery truck na lulan at napupuno ng mga kulay puting manok. Bukas nga pala ay new year’s eve na, kaya malamang sa katayan ang diretso nila.                 Nung media noche, hindi ko malaman kung bakit napapatingin ako sa kinakain kong fried chicken. Naalala ko ang eksenang pagdaan ng delivery truck. Gaano kalaki ang posibilidad na ang kinain ko ay isa pala sa kanila?                 Hmm… Sarap!