Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2015

"Halina sa Luneta!" :)

Ika-29 ng Marso, 2015 Linggo, 1:19 ng madaling araw             Sabado ng nakaraang linggo. Noong huling araw ng klase, kasama ko sila Neri at Eldie na naupo maghapon sa Luneta matapos ang isang mahabang araw ng pasahan ng requirements at finals, ang lakaran at nakalilitong pagtawid sa mga ginagawang daan dahil sa mga buradong linya ng pedestrian. Sa ganung kasimpleng paraan lang namin idinaos ang pagtatapos ng semestre. Umupo lang at nagkwentuhan. Apat na taon kong naging kaklase sila Neri at Eldie noon sa kolehiyo. Matapos ang halos apat o limang taon pa na hindi na kami nagkikita-kita, ngayon ko lang ata sila ulit nakakwentuhan ng ganito. Noong sabado na iyon ko na lang napakinggan ang kanilang mga kwento. Yung tagal ng inupo namin sa Luneta pati na mga kwentuhan at tawanan, higit pa ata yun sa apat na taon na naging kaklase ko sila. Nakuntento na kami sa pagtingin sa fountain, sa saglit na pakikip...

About Compliments and Being Stranded. (Maka-title lang ng english, yey!)

Ika-16 ng Marso, 2015 Lunes, 2:38 ng hapon             “Ikaw lang ata yung nakita kong haggard na kalmado,” walang kaabog-abog na pagsabi sa akin ni Sir C na klasmeyt ko sa subject P habang abala ako sa pag-aayos ng report at pagsulat ng sagot sa mga task sheets.             “Pwede bang kalmado na lang?” banggit ko sa kanya, sabay dugtong ng tawa kong awkward lols.             Yung mga moment na ganito, na di mo alam kung compliment ba o inuuyam ka na hahaha. Kahit saan talaga, lumulutang ang ka- haggard -an ko. Hahaha!             Anyways…             Dinagdagan pa ng pagkasira ng LRT nung sabado ang kadukhaan ng aking pagkatao. Uwian pa naman. Hindi na bago ang pagkasira ng m...

CRATER :)

Ika-06 ng Marso, 2015 Biyernes, 2:48 ng hapon             Ang awkward at sarcastic ng lesson ko kanina – The Sun, Earth and MOON .             Nag- enjoy ako sa pagdi- discuss tungkol sa parts ng sun at sa pagbibigay ng ilang amazing trivia , ganun din naman sa Earth . Pero sa pagdating sa moon … hay naku… hahaha .             Sa isang klase ko, ang sabi ni Angelo –                         “Sir di ba may CRATER ang moon?”                         Sa isip ko, ito na ang usaping crater , common knowledge naman na ito kaya maikling “Oo meron. Kasi walang atmosphere na nagpro...

"Naramdaman mo na rin ba ang ganitong klaseng eksena?"

Ika-04 ng Marso, 2015 Miyerkules, 7:55 ng gabi             Isang umaga na gumising ka,             Buhay mo bigla na lang naging parang pelikula.             Naramdaman mo na rin ba             Ang ganitong klaseng eksena?             Parang may ‘narration’ pa nga pagmulat ng iyong mata,             Ang nakakatawa boses mo pa,             Syempre meron ding background na musika.             Di man nila naririnig,             Ang pakiramdam na ito’y nananaig. ...

"Ayokong magpaka-super hero."

Ika-02 ng Marso, 2015 Lunes, 6:02 ng gabi             Paggising ko sa umaga, naiisip ko, magkikita na naman kami ng mga ‘disturbed’ na bata. Papasok na ulit ako sa ‘bahay-kalinga’ . Sa pananaw ko ang mga paaralan ngayon, lalo na yung pampubliko, ay di na lang lugar kung saan ang mga bata ay dapat matuto. Nandito na lahat… lahat-lahat!             Mga matalino, matalinaw… mga may kaya, kinakaya, walang kaya… malinis, madungis… magalang, walang kamodo-modo… masayahin, bugnutin… malusog, malnourished … may magulang, pinabayaan ng magulang… pumapasok para mag-aral, pumapasok para hindi mag-aral… isip bata, mga isip na polluted ng kaisipang pang matanda… mga batang nagabayan ng tama, mga batang ginabayan ngunit walang nagagawang tama… mga pumasa, mga pinapasa na lang.             Hindi sa nawawalan ako ng insp...