Lumaktaw sa pangunahing content

"…oo na, isa lang ito sa mga kababawan ko."


Ika-20 ng Pebrero, 2015
Biyernes, 6:09 ng gabi


            Sa umaga, tuwing sasakay ako ng LRT, lagi akong nakaharap sa bahagi kung saan sumisikat ang araw. Yung damang-dama ko yung liwanag na tumatagos sa loob ng tren. Nagpapapikit saglit sa aking mga mata. Banayad na dumadampi sa aking pisngi at iba pang bahagi ng balat. Pagkasilaw sa malumanay na paraan. Maginhawang pakiramdam habang bahagyang nasisikatan.

            Kulay orange hanggang sa matingkad na dilaw ang paligid. Pumuporma ang anino ng mga bagay na against the light / sikat ng araw. Pang-pictorial ang effect.

            Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam!

            Lagi kong inaabangan ang tagpong ito…
            …oo na, isa lang ito sa mga kababawan ko. Lols.


Mga Komento

  1. Para ka palang flowering plants, wanting the sun shining directly on them. Hindi siya mababaw, morning sun naman, gaganda ang kulay mo. Have a great weekend!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. "Para ka palang flowering plants..."

      ...so, ibig sabihin ba nito ay lagi na akong 'blooming' sir Jo? :)
      Hindi na ba ako isang 'haggard' lols. (assuming)

      Burahin
  2. Lagi ko ding inaabangan yung ganyang scene. Ang kaso kasi, pag ganyang oras tulog ako :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hehehe. Next time imulat mo saglit ang iyong mga mata :)

      Burahin
  3. Saan mo hinuhugot yan? Hahaha! Random ramblings ba?

    TumugonBurahin
  4. It's not mababaw. That is what you called appreciating the beauty of it.
    Let me guess. You also love the coldness of the breeze that touches your skin, the blueness of the sky that calms your soul, the greenness of the leaves that relaxes your mood, the chirping of the birds that fills your heart with joy, the colors of the flowers that catch your eyes, and the tranquility of the water that gives you peace of mind. You love everything around you. You really appreciate how wonderful the world that God has given to us.

    (#feelingpsychologistpart2 lol)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Psychologist o madam auring? hehehe.

      Gusto ko yung warm breeze, yung nakakaantok na maalinsangang hangin :)

      Burahin
  5. pansin ko close to nature ka.
    - down to earth ang personality mo (sa pakiramdam ko)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hmmm... :)
      mahilig lang ako sa drama ng sikat ng araw :)

      Burahin
  6. Ako rin gusto ko ang pagsikat ng araw at ang kulay gintong binibigay neto:)

    TumugonBurahin
  7. Hindi mababaw yan ginoo. Profound yan, profound.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. (ginoogle ko yung profound. naiintindihan ko ang salitang 'profound' pero gusto ko yung eksaktong definition lols)

      Nung nabasa ko na sa google, "ah okay, sige, profound nga ito."
      Hahaha! Tutal maganda sa pandinig ang salita at kahulugan nito lols :)

      Burahin
  8. anoberr... inaabangan ko din lagi ang pagsabog ng liwanag sa umaga pag papasok sa school :)
    Dun sa nawala kong phone, marami akong good morning shots :(

    Most of the time, sa pagtawid sa overpass nakukunsumo ang oras ko dahil binabagalan ko ang lakad... :D :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sayang naman yung mga shots na yun cher Kat...
      ...di bale, lagi namang sumisikat ang araw :)

      Burahin
  9. masarap damahin ang sikat ng araw tuwing umaga sa loob ng lrt unless... hindi pa jampacked at amoy araw na ang mga katabi mo XD

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sa umaga ay 'oks' pa naman, wala pa yung mga 'amoy-amoy' na yan hahaha! :)

      Burahin
  10. sabi nga nila mas masarap pagmasdan ang pagsikat ng araw sapagkat ito ang nagsisilbing bago simula para saiyo at kaya mong harapin ang mga ganap sa buong magdamag...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...