Ika-20
ng Pebrero, 2015
Biyernes,
6:09 ng gabi
Sa umaga, tuwing sasakay ako ng LRT, lagi akong nakaharap sa bahagi kung
saan sumisikat ang araw. Yung damang-dama ko yung liwanag na tumatagos sa loob
ng tren. Nagpapapikit saglit sa aking mga mata. Banayad na dumadampi sa aking
pisngi at iba pang bahagi ng balat. Pagkasilaw sa malumanay na paraan. Maginhawang
pakiramdam habang bahagyang nasisikatan.
Kulay orange hanggang sa matingkad na dilaw ang paligid. Pumuporma ang
anino ng mga bagay na against the light
/ sikat ng araw. Pang-pictorial ang effect.
Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam!
Lagi kong inaabangan ang tagpong ito…
…oo na, isa lang ito sa mga
kababawan ko. Lols.
Para ka palang flowering plants, wanting the sun shining directly on them. Hindi siya mababaw, morning sun naman, gaganda ang kulay mo. Have a great weekend!
TumugonBurahin"Para ka palang flowering plants..."
Burahin...so, ibig sabihin ba nito ay lagi na akong 'blooming' sir Jo? :)
Hindi na ba ako isang 'haggard' lols. (assuming)
Lagi ko ding inaabangan yung ganyang scene. Ang kaso kasi, pag ganyang oras tulog ako :(
TumugonBurahinHehehe. Next time imulat mo saglit ang iyong mga mata :)
BurahinSaan mo hinuhugot yan? Hahaha! Random ramblings ba?
TumugonBurahinHinugot sa kaibuturan ng aking puso :)
BurahinHehehe.
It's not mababaw. That is what you called appreciating the beauty of it.
TumugonBurahinLet me guess. You also love the coldness of the breeze that touches your skin, the blueness of the sky that calms your soul, the greenness of the leaves that relaxes your mood, the chirping of the birds that fills your heart with joy, the colors of the flowers that catch your eyes, and the tranquility of the water that gives you peace of mind. You love everything around you. You really appreciate how wonderful the world that God has given to us.
(#feelingpsychologistpart2 lol)
Psychologist o madam auring? hehehe.
BurahinGusto ko yung warm breeze, yung nakakaantok na maalinsangang hangin :)
pansin ko close to nature ka.
TumugonBurahin- down to earth ang personality mo (sa pakiramdam ko)
hmmm... :)
Burahinmahilig lang ako sa drama ng sikat ng araw :)
Ako rin gusto ko ang pagsikat ng araw at ang kulay gintong binibigay neto:)
TumugonBurahinNakaka-energize talaga ang sikat ng araw Mommy Joy :)
BurahinHindi mababaw yan ginoo. Profound yan, profound.
TumugonBurahin(ginoogle ko yung profound. naiintindihan ko ang salitang 'profound' pero gusto ko yung eksaktong definition lols)
BurahinNung nabasa ko na sa google, "ah okay, sige, profound nga ito."
Hahaha! Tutal maganda sa pandinig ang salita at kahulugan nito lols :)
anoberr... inaabangan ko din lagi ang pagsabog ng liwanag sa umaga pag papasok sa school :)
TumugonBurahinDun sa nawala kong phone, marami akong good morning shots :(
Most of the time, sa pagtawid sa overpass nakukunsumo ang oras ko dahil binabagalan ko ang lakad... :D :D
Sayang naman yung mga shots na yun cher Kat...
Burahin...di bale, lagi namang sumisikat ang araw :)
masarap damahin ang sikat ng araw tuwing umaga sa loob ng lrt unless... hindi pa jampacked at amoy araw na ang mga katabi mo XD
TumugonBurahinSa umaga ay 'oks' pa naman, wala pa yung mga 'amoy-amoy' na yan hahaha! :)
Burahinsabi nga nila mas masarap pagmasdan ang pagsikat ng araw sapagkat ito ang nagsisilbing bago simula para saiyo at kaya mong harapin ang mga ganap sa buong magdamag...
TumugonBurahinTrue! Parang vitamins lang :)
Burahin