Ika-27
ng Pebrero, 2015
Biyernes,
3:10 ng hapon
Kanina, habang nagyu-youtube (pwede na pala gamitin na verb ang youtube lol), nakita ko na may cover na rin pala ang Boyce Avenue ng most requested song ngayon sa radyo na “Thinking Out Loud” ni Ed Sheeran.
Bago pa lang ang video, nakalagay ay ‘4 days ago’ pero lampas 1 million views na.
Masyado na ata akong pamilyar sa
boses ng Boyce Avenue, kaya bago ko klinick ang video, ni-rehearse ko
muna (sa aking isip hahaha) kung
paano kaya ito kakantahin ng lead
vocalist na si Alejandro… nung na-imagine ko na yung istilo at tunog ng
boses niya, saka ko pinanuod ang video…
…nasabi ko na lang – “Ay
badtrip! Ganun nga!”
Di man lang ako nasurpresa. Mas may surprise / gulat / at saya factor pa tuloy yung mash up ng Thinking Out Loud (Ed Sheeran) at I’m Not the Only One (Sam Smith) na ginawa nila Sam Tsui at Casey Breves (pero sa gitnang
part lang naman ng mash up ako nasiyahan, napaka-demanding ko sa music lols).
Pero
sige fan pa rin naman ako ng grupo hehehe.
Narito ang mga link:
TGIF!
Speaking of Boyce Avenue. Ang alam ko nag concert sila sa Pinas noong Feb. 14. Hindi ako nagpunta. madami akong labahin. Hahaha! #singleampalaya
TumugonBurahinBusy rin ako ng araw na yun, nag feb 14 na pala, ang bilis ng panahon ah, buti na lang march na :)
BurahinHahaha! #singleampalaya2
Maganda naman ang boses ng Boyce Avenue, nakaka-relax at maganda sa pandinig. Pero, may mga cover sila na di ko masyado gusto. Sorry sa mga fans diyan huh, opinion ko lang naman.
TumugonBurahinKasi di ba, singing is not only about making a beautiful music by using one's voice. It is also about expressing your feelings and interpreting the meaning of the song itself.
Isang halimbawa ng cover nila na di ko masyadong bet ay yung Titanium.
The lyrics of the song itself is about being strong, courageous and brave. It is about a person who is strong enough that no one could ever make him fall.
But obviously, matamlay yung cover nila. Parang di masyadong nai-deliver ng husto yung message nung kanta. Parang kulang sa tapang at fierce.
Well, yun lang naman. Sorry ulit sa mga loyal fans diyan huh. Opinyon ko lang po. Peace.✌
Hahaha, may pinaglalaban :)
BurahinLagot ka, kukuyugin ka ng ever loyal Boyce Avenue fans lols.
Buti na lang anonymous ako lols. Titanium lang naman ang di ko masyado bet. Pero yung mga love songs covers nila ay gusto ko din yun. Na-express kasi nila dun yung tunay na meaning nung kanta which is Love.
BurahinWag ka sa akin magpaliwanag, sa kanila hahaha :)
BurahinGusto ko ang mashup nila ng kantang Just Dance ni Lady Gaga at Circus ni Britney Spears
TumugonBurahinBakit di ko makita? (hinanap ko agad hahaha)
BurahinPengeng link :)
Ang nahanap ko lang ay mash up ng bad romance / paparazzi / poker face and just dance. Ang lupit ni Sam Tsui apat na songs! Pero di ko bet lols.
Gustong-gusto ko ang mga covers nila ng mga alternative songs. They made those songs appear soothing to the ear at mas tagos sa puso ko ang mga lyrics.. Or masyado lang ba talaga kong maka-acoustic na tao? Hahaha
TumugonBurahinAng bagong pambansang awit ng Pilipinas: Thinking Out Loud. LOL
Ok din naman yung mashup. Kagagaling na mga nilalang diba!
Yup! Meron talaga silang mga 'feel na feel' na cover songs :)
BurahinSana man lang nabahagian ako ng kahit kaunting husay nila, eh di sana paggawa rin ng 'cover' ang peg ko tulad ng sa iyo cher Kat! :)