"...leeg and balut."


Ika-06 ng Pebrero, 2015
Biyernes, 8:34 ng gabi


            My mudra knows that I love eating ‘leeg’ (chicken neck) and ‘balut’.

            One time, nakailang akyat-baba na ako sa hagdan para lang tanungin siya kung nakita niya na bang dumaan yung nagtitinda ng balut. Gustuhin ko mang kumain ng balut nung gabi na yun, hindi nangyari dahil di na bumalik yung lalaking naglalako, in other words, nabigo ako sa hangarin kong makakain ng balut.

            Pero, nung sumunod na gabi, bigla na lang pumasok si mudra sa aking kwarto pa lang sabihin na –

            “Hi! (in a very awkward tone hahaha)…
            …kumain ka na, nakabili ako ng balut at chicharon!”

            I was surprised nung gabing iyon. Ni hindi ko nga narinig yung boses nung nagtitinda ng balut, tapus meron siyang nabili. And so, masaya akong kumain nung gabi na yun hehehe.

            Nitong mga nakalipas na araw, bumabalik na naman ang pagkatamlay ko kumain sa gabi. Hindi ko alam kung bakit. Katulad ngayon, hindi na dapat ako kakain pa ng hapunan kasi nga wala naman akong gana. And as usual, sa mga di ko ini-expect na pagkakataon, ay bigla na lang sumusulpot si mudra sa aking kwarto hahaha. Pasado alas-otso na kasi at hindi pa ako bumababa para kumain, kaya siguro sinadya na niya akong akyatin –

            “Di ka pa kakain?...
            …kumain ka na. Bumili ako ng manok.”
(na ginagawa niya kapag tinamad siyang magluto lol)

            “…may ‘leeg’ dun dalawa, kainin mo.”
(ending it with a smile na hindi ko mabatid kung inaasar ba niya ako o sarcastic or whatever hahaha)

            Kaya naman napakain ako ngayong gabi.

            And I really don’t know why I have to blog about this. Na feeling ko, hindi naman ito ikatutuwa ng mundo, or ikaaasenso ng maraming tao lol.

            Ang alam ko lang, when life seems to be as ‘life’ itself (basta ganun hahaha)… bigla ko na lang naa-appreciate ang kung anong meron sa life ko na ito.

            Hay naku…

            Hehehe.


Mga Komento

  1. Nakakatuwa ka naman sir. I see you as a person who cherishes every moment and appreciates everything around him even the simple things. Cause for you, simple things are not just simple. You consider it as special and a good enough reason to smile. (#feelingpsychologist lols)

    Anyway, gustong-gusto ko rin ng chicken neck. Ang sarap kasi at ang cute din ng shape lol.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ikaw na talaga! :) Nung nakaraan 'love guru' ka, ngayon 'psychologist' na hehehe :)
      Ano bang meron sa shape ng chicken neck? hahahaha.

      Burahin
  2. ang hindi ko kaya kainin ay ang helmet (ulo ng manok) at ang one day old na pinirito.

    TumugonBurahin
  3. Pinakamurang parte ng manok ang chicken sa grocery.. Naapreciate ko sya ng bongga. As in! Kasi andaming pwedeng gawin sa leeg at ang sarap ng chicken sa parteng ito ng manok! LOL.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Tama! Ang pinkagusto ko lang naman talaga ay yung balat :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento