Lumaktaw sa pangunahing content

"sa ngalan ng ‘partial requirement’..."


Ika-29 ng Nobyembre, 2014
Sabado, 8:23 ng gabi


            Isa sa pangarap kong gawin / trabaho ay ang maging isang researcher. Kahit nakadudugo sa pag-iisip ang research, hindi ko alam kung bakit trip ko pa rin ito. Parang ang saya lang kasi na marunong ka mag-research. Marami kang malalaman. Marami kang matututunan. Kaya nga, hinahangaan ko ang mga mahuhusay na researcher sa kanilang napiling field; pati na rin yung mga nagtuturo ng paggawa ng isang matino at magaling na research. Sa tingin ko, bukod sa nakayayaman ito ng isip, nakapagpapalago rin ito ng pagtingin mo sa buhay at sa mundo (wow? lol).

            Kaya sa mga mahuhusay sa research… turuan niyo naman ako! Hehehe.

Mukhang malabo na ring mangyari yung pinapangarap ko na maging part ng isang research team na napapadpad kung saan-saang lugar para sa isinasagawa nilang pag-aaral… hay naku… dream lofty dreams.

            Kanina, kasama ko si Neri sa library


            Kailangan naming humanap ng mga research na may kinalaman sa aming field of specialization, kaya mala-ukay-ukay kaming naghagilap ng mga thesis / research. Kahit nung nasa kolehiyo pa ako, ipinagtataka ko talaga kung papaanong napakaraming research na ang naisasagawa o naisa-submit sa mga unibersidad sa buong Pilipinas pero bakit di pa rin umuunlad ang iba’t ibang larangan tulad halimbawa ng sa edukasyon? Hindi ba’t ang pagri-research ay isinasagawa para makatuklas ng bago o makahanap ng solusyon, pero asan na? Hindi ko alam kung hindi lang ako updated o baka hindi lang din ako na-informed lol.

            Sa tuwing nakakakita ako ng tambak ng mga research sa isang silid aklatan –

Busy si Neri (nakaputi) sa paghahanap... eh ako? Lol.

            …hindi ko maiwasang tanungin ang aking sarili… ang mga research ba na ito ay ginawa para sa ikabubuti at ikayayabong ng ating kaalaman, o sadyang ginawa lang sa ngalan ng ‘partial requirement’ sa kursong iyong kinuha? Nasasayangan kasi ako sa mga papel at na nai-hard bound pa lol.

            Di ko rin maiwasang ma-frustrate kapag may gagawing research. Bukod sa alam kong marami pa akong dapat na matutunan, ay gustong-gusto ko talaga na makagawa ng isang maayos at may husay. Kung may panahon lang. Kung may budget lang. Kung may mentor lang at ako ang protégé lol. Puro na lang ‘kung’.

            Sa parehas na paraan, nakaka-frustrate din kung paano nakadudugyot ng pagkatao at nakaluluray ng katawang lupa ang pagsakay sa LRT! Parang isang panaginip na di mo gugustuhin –

Blurred. hehehe.

            Nga pala, hindi ako nakapag-haggard-selfie ngayong araw sa peyborit kong fresh na cr sa ground floor. Naka-lock na ito. Natuklasan na ata nila na ako lang ang walang habas na gumagamit ng cr na iyon na para lamang sa mga guests / staff! Hay naku. Lol.


Mga Komento

  1. Ang mga thesis eh bi nu bookbind para i display sa aklatan. Para pag may mga guests, masabi ng admi na we have these number of thesis which means we had produced a big number of graduates. Then, puwede na lang gawing paanan ng mesa dahil sa dami and never to be revisited again. Sayang nga!

    Hindi ko na miss ang sumakay ng LRT. Did it for six years when I was working malapit sa Divi at pamatay ng katawan. Sa 600 pesos na suweldo, 400 pesos eh pamasahe, wawa much. Same sentiment here, kung may budget lang, babalik ako sa unibersidad.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Hahaha paanan ng mesa talaga sir Jo? :)

      Grabe naman ang work mo dati sir, halos wala na matira dahil sa pamasahe.

      Burahin
  2. Natuwa naman ako sa post na 'to. Maikwento ko lang, pangarap ko talaga maging researcher nung college ako. Mahal ko kasi ang pagsusulat (pero one way relationship yun kasi hindi ako minahal ng pagsusulat pabalik hahaha) kaya natuwa ako sa research. True enough, na-hire ako sa Research Department ng isang company after graduation. Pero ngayon nalipat na kasi ako ng ibang department. Iniwan ko na ang first love ko haha at hindi ko alam kung makakabalik pa ako or gust ko pa siyang balikan. (maipilit lang haha)

    Tungkol naman dun sa mga thesis na inaalikabok lang, oo medyo may katotohanan dyan. Siguro kakailanganin pa ng ilan pang taon para makita natin na napapakinabangan talaga ang mga researches na ginagawa sa paaralan. Sa ibang bansa kasi binibili ng ibang kumpanya ang mga knowledge at information na natutuklasan ng mga estudyante sa pag-t-thesis. Malayo pa tayo sa ganyang level pero dadating tayo diyan :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ano po ba ang feeling or dating na nagwowork ka sa research department?

      Sana nga dumating na tayo sa panahon na pinapahalagahan na rin natin ang mga naisasagawang research, hindi yung pang-contest lang or pang-academic purpose lang...

      Burahin
  3. About the word research: It depends upon the topic. Now, kung meron tayong gustong malaman ay puede i google at madudling ka na lang sa kababasa at mapupuno ang utak ng both relevant un-relevant topic. Di ko mahilig mag research. Sumasakit utak ko:)
    I do some researching though, but its the word of God I love to research.
    Have a nice week ahead:)

    TumugonBurahin
  4. buti kapa nga dyan nakapagbutingting ng mga libro eh! naaalikabokan, na-aaching, makakapagloofa pag-uwi haha yong mga kabataan ngayon isang click lang ayan na si google. tama si mommy joy! haha don't give up sa ginagawa mong yan dahil llike u said dagdag karunungan yan at abah matuwa ka kasi balita ko rin nakakapayat yan at magkakaron ka ng muscle niyan! echus! hahahaha hello jep buendia, bago ako sa blog mo hehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. maraming salamat lalah :)
      sana nga matulungan ako nito magka-muscle hahaha

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...