Lumaktaw sa pangunahing content

"...daan patungong langit."


Ika-22 ng Nobyembre, 2014
Sabado, 7:43 ng gabi


            Unang semestre. Ikalawang sabado.

            Habang papunta sa eskwela, naisipan kong kunan ang daan na ito –


            …masaya maglakad dito kapag umaga. Kala mo holiday. Halos walang mga tao at sasakyan. Natuwa lang akong kunan ang kalyeng ito, kasi napakaliwanag sa dulo. Papasikat na kasi ang araw. Di tulad nung nakaraang sabado na makulimlim at medyo maulan ang panahon. Kaya kanina feeling ko, ito na ang daan patungong langit. Lol.

            Pangalawang pagdu-dokumento sa haggard kong pagkatao. Sa parehong salamin at banyo –


            …medyo scary mag-cr dito. Laging nakasara ang ilaw, parang kwarto ko na itong cr sa ground floor, laging ako ang tagabukas at tagapatay ng ilaw. Di tulad ng mga banyo sa ibang palapag, kahit kailan ni wala pa akong nakasabay dito. Siguro ni-reserve ang cr na ito para sa akin hahaha. O baka hindi lang pinapagamit, lagi kasing fresh kumpara sa ibang cr, kaya dito ako nawiwili pumunta para umihi at magpanggap na fresh.

            Unang karinderyang kinainan ko para magtanghalian –


…kasama sila Denise, Neri, Eldie at Dranreb (wala sila sa larawan hahaha). Di ko akalain kahit paano may makakasama naman pala ako. Mukha pa naman akong tanga ‘pag mag-isa.

            Sa ikatlo at huling klase ko ay wala na akong kakilala. Kaya kailangan mag-effort na chumika. Ayun may naka-chikahan naman na isa. Buti na lang… di na ako magmu-mukhang ewan.

            Pag-uwi, bumili ako ng planner mula sa Papemelroti


            …dinalawa ko na ang bili. Nahiya naman sa ako cashier. May planner pa akong nalalaman, eh lahat naman ng naibigay at nabili ko sa Papemelroti ay itinatago ko lang naman. Ganda kasi ng mga design!


Mga Komento

  1. Second week pa lang yan, hindi ka pa haggard looking o maganda yung salamin sa bathroom ng iskul. One of the things I enjoyed when I went back to school was meeting new people, like professors and classmates. Marami rin akong mga kuwento about them pero hindi na siguro dahil medyo matagal na. At wala kahit isa sa kanila ang naging FB friend ko, lol!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Umaga pa lang siguro sir Jo kaya may kaunti pang freshness na natira hahaha.

      Hanapin mo sila sa fb, malay mo makapag-reunion pa kayo :)

      Burahin
  2. Mukhang pareho tayo ng daan na tinatahak araw araw.... char! feeling makata mode ang lola mo hahaha

    Ituloy mo yang Papemelroti Planner mo.. sulatan mo lang tapos 5 years from now, balikan mo.. matutuwa ka :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sana makasalubong kita minsan Ma'am Diane :) Basta pag may nakita kang haggard at tulala na naglalakad, ako yun lol.

      Sana nga magamit ko yung binili kong planner. First time kong magpa-planner kapag natuloy :)

      Burahin
  3. Namiss ko yang mga karenderya sa atin lalo na kung tinatamad akong magluto. Fried chicken, pizza at burgers lang kasi ang usual na choices dito. Di tulad sa atin na may maraming turo-turo at streetfood vendors.

    I used to have a planner kaso lang nasasayangan ako sa mga spaces na di ko nasulatan kaya I use notebook na lang ngayon.

    Hi Jep!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sulit na rin minsan kumain sa mga karinderya dito sa atin :) Makapamimili ka ng ulam, may libre pang sabaw hehehe.

      Ako rin po dati ay sa notebook lang nagsusulat ng mga important dates, ngayon susubukan kong gumamit ng planner :)

      Burahin
  4. fresh!

    namiss kong magplanner. dati ang sipag kong magplanner. huhu

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Kung sakali man, ngayon pa lang ako gagamit ng planner :)

      Burahin
  5. buti naman ngayon eh nawiwili ka na din magpost ng picture mo sa blog mo hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa ngalan ng pagdu-dokumento ng aking pagtanda hahaha :)
      sana mukhang bata na lang forever lol

      Burahin
  6. this post reminds me kelangan ko na rin pala ng planner for 2015. heheheh

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Idem. Panahon na para bumili ng planner na itatambak ko sa isang tabik for the whole 2015. Hahaha!

      Saan yang street na yan? Manila ba talaga yan? Bakit walang traffic? Bakit maluwag ang daan? Katapusan na ba talaga ng mundo?

      Burahin
    2. Sa Manila po iyan Mr. Tripster.
      Hindi ko rin alam kung bakit kapag umaga ng sabado ay parang may laban ni Pacquiao sa kalyeng iyan (na di ko alam ang name hahaha) at talaga namang ang linis ng kalsada, pwedeng tumambling! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...