Ika-30 ng Hunyo, 2014 Lunes, 7:43 ng gabi May lagnat at sipon… ganyan ang drama ng kalusugan ko noong Sabado at Linggo… hanggang ngayon. Yung naluluha ang iyong mga mata kahit di ka naman nanunuod ng drama, yung ang init ng singaw ng hangin sa ilong mo at ramdam mo yung nanunuot na sipon sa dulong itaas na bahagi ng iyong ilong na nagpapabangag sa iyong mata at nakapagpapa-ngongo sa iyong pagsasalita. Gusto ko man gumawa (o pabor rin na di ako makagawa? haha) , wala akong choice kundi ang magpahinga. Noong linggo, hindi ko talaga alam kung paano ko uumpisahan ang lunes na ito… wala ako sa mood (lagi naman ‘pag lunes) … wala akong lakas kumilos… wala ako sa tamang wisyo para mag-isip. Hindi ko alam kung pa’no ko iha- handle ang mga bata gayong napakahina ko ngayong araw...