Ika-31 ng Marso, 2014 Lunes, 9:16 ng gabi Mahalaga para sa akin ang pagtatapos na ito. Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang haba ng pasensya at lawak ng pag-unawa sa lahat ng naranasan ko sa apat na taon ng aking pagtuturo… sa unang paaralan na nagbigay sa akin ng pagkakataon para makita, kahit pa sa isang limitadong anggulo lamang, kung ano at paano ba talaga ang maging isang guro . Sa isip ko ay may malinaw akong plano sa kung saan ako dapat pumaroon… kung ano ang dapat kong gawin… malinaw sa isip ko ang mga bagay na iyon… hindi ko lang marahil masisiguro kung tutugma iyon sa mangyayari sa akin. Kung totoo man ang ‘ tadhana ’ (kahit parang ang ‘korni’) … pipiliin mo na rin ang ganitong ideya kung nasa katulad mo akong sitwasyon. Sabi nga ‘ tiwala ’ lang… kaya ngayo...