Bilang isang nagpapanggap na mabuting mag-aaral, mula elem hanggang hiskul ay di ko talaga pinakialaman ang hairstyle ko. Wag daw magpapa-layered ng buhok o kahit anu pang patusok or pang-adik na hairstyle lol. Bilang kasapi ng natatanging seksyon, dapat daw kami'y maging mga modelo... (weh?) ... at ako na nauto ng mahabang panahon ay naging sunud-sunuran, no choice eh, baka katkatan ang hair ko ng adviser namin eh di mas lalong pangit... so clean cut as always *saklap* Hanggang sa tumuntong na ako sa kolehiyo, na-excite ako ng lubusan, eto na, pwede na ang long hair, colored at kahit anu pang hairstyle! Pero leche flan, educ pala ang kinuha kong course :( Sabi ng mga prof namin dapat pa rin kami maging modelo... (weh talaga? hehe)... bilang mga susunod na guro. So hanggang layered hairstyle na lang at bawal ang mga patusok or mahabang bangs, dahil yung ibang prof namin ay di nagbibigay ng exam kapag long hair ka *saklap ulit* Kaya sabi ko sa sarili ko, sige na, pagbibigya...