Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Sino si Harry T.?

Dalawang araw na lang ang nalalabi bago magpasukan. Tapus balik na ulit sa dati ang buhay buhay. (Merun bang patay patay?) Pero eto talaga ang main issue... Minsan naisip ko na rin kung bakit ba kailangan ko pang mag-blog? Eh may sarili naman akong journal notebook. Aksaya lang to sa kuryente at abala pa sa ibang gawain, dahil minsan inuuna ko pa to kesa sa mga dapat gawin. Tapus heto... nagulat na lang ako na may isa na pala akong follower! Hahaha! Tawa talaga ako sa nangyaring ito. Lam mo yung feeling na "hala may nakakabasa na ng blog mo, kailangan ko bang mag-post araw araw para may mabasa silang bago" (although isa lang naman syang sumusubaybay sa blog na to) Hehehe. Anyway, this made my day. Feeling ko talaga may career din ako sa blogging (feeling ko lang naman). Yun lang. Non sense. Anyway. Masaya talaga kapag kasama mo ay mga totoong tao. Mga kaibigan sa madaling sabi. Kahit super 'hinangin" na ang iyong buhok, "super oily" na ang yong...

Brainstorm (Binagyong Isip)

Lam mo yung feeling na parang binagyo na rin yung isip mo. Di ko alam kung mag-iisip ba o kung  ano ang dapat isipin, kung pano sisimulan ang mga gawain, kung dapat bang kumilos o idadagdag ko na rin ba ito sa mga tulala moments ko hahaha. (ako lang natawa) Yang bagyo kasi na yan, nakakagulo ng isip at pagkatao. Nakakatamad tuloy sobra. Super. To the nth power of maximum infinity (may mas titindi pa ba?) :) Anu ba? Feeling ko talaga bakasyon na hehehe. Yan ang masama sa napapahinga ng sobrang tagal. Feeling ko tumigil na rin ang mundo. (weh?) Pwede bang ako naman muna yung mag-aaral at sila muna yung magtuturo para maiba naman. Ako naman yung magpapasaway sa room hahaha. Namiss ko na rin mag-aral... pati mga classmates ko, miss ko na sila. :) Kamusta na kaya sila? (kunwari ay concern hahaha, para pag yumaman na sila ako talaga ang kanilang bestfriend hahaha) Eh kung sa mga kalokohang ganito ay kikita na ako eh di sana super yaman ko na. Di ko na kailangan pang magpagod araw-a...

Buti pa si Tim Yap

One thing I've learned from Tim Yap: "If you have been misjudged, then you better not to judge others as well." (tama ba ang pagkakatanda ko? narinig ko lang kasi yan sa tv, habang may gingawang something) Tao nga naman. Mahilig manghusga. Akala mo perpekto... sila rin pala ay mga... Marami ang nais manapak... manlibak... pagmukhaing kaawaawa ang iba. Nalulungkot ako para sa mga taong ginagawan ng ganitong uri ng kaapihan- maling panghuhusga, maling pang-eestima. Naku, magrerebolusyon talaga ako para sa kanila, at maghihimagsik naman ako pag ginawa nila yun sa akin :) Di ko alam... Nakatutuwa bang pagkwentuhan ang iba? Kaaya-aya ba ang pagpiyestahan ang mali ng isa? Sino ka naman para tingnan ng ganun ang iyong kapwa? Masyado na bang mataas ang pedestal na iyong kinalalagyan? Nakatingala ata sila... Nagmamataas... Palibhasa... di pa siguro nila naranasan ang mga sarili nilang gawa. Tao ang sumisira sa kanilang sarili. Tao rin a...

Super Kartun Karakter

Ang sabi isulat mo ang lahat ng di magagandang karanasan. Nabasa ko yan sa dyaryo... Oo nga naman. Kesa ma-badtrip ka buong buhay, isulat mo na lang. Gamitin mo na lang yon na isang magandang pagkakataon para makapag-sulat. Sige, kunwari nakumbinsi ako ng statement na yan. Maalis lang ang espiritu ng ka-badtripan ngayong araw :) Di na talaga ako makikipag-kaibigan sa mga super heroes at cartoon characters. Di dapat nakikipag friends ang isang tulad kong simpleng nilalang sa mga super heroes. SUPER HEROES. Super  nga eh, bawal ang di super. Gagamitan ka nila ng super powers!!! matetepok ka!!! mamamatay!!! tigbak to da max :) hahahaha. bwisit :) Ayoko na rin sa mga cartoon characters. Kasi merun din silang super powers! Lilinlangin ka nila ng kanilang ka-KYUTAN, at TSARANH!!!! dedbol kana rin hahahaha :) hay ewan :) Paalala: wag magpalinlang... maraming costume ang nagkalat sa paligid... marami ang gusto nilang pagmukhaing tanga... :)

Magkalaman Lang :)

Yey! Nakagawa na rin ng bagong blog :) Bale, eto na ang ikatlong blog ko. Yung una sa thoughts.com na nabalewala kasi ewan ko ba kung bakit di ko na narekober yung account ko dun. Tapus yung pangalawa ay yung sa fs blog, na sinawing palad dahil nagreformat yung fs... (ibinagsak kasi sila ng fb).  Kaya eto nagsisimula na naman ako. Unang post. Walang kwenta (haha) Masabi lang na kahit papa'no ay may laman na rin to. At yun lang talaga ang objective ko haha :) Maghihintay na lang ako sa mga darating na mga araw kung kailan at kung ano ang mailalagay ko dito. Kaya sa ngayon eto muna haha :) Daming kailangang gawin... at isa na naman akong tulalang nilalang na nag uubos ng oras sa mga bagay na di naman masyado kailangang gawin... Yun lang. Uhm... merun pa ba... Wala... wala talaga akong maisip :)