10:54 PM 1/7/2026 Ang sabi ko, hindi na muna ako magku-kwento ng tungkol sa trabaho. Pero, medyo na-bothered lang kasi ako habang nag-check ng essay kanina [ng homogenous class]. Sa tagal ko nang nakagawian na mag-include ng essay questions sa mga assessment ay nagkaroon na ako ng ideya at expectation sa mga dapat maisagot ng mga bagets. Pinakamasakit sa ulo chekcan nung mga grade 7 pa yung hawak ko na mapagbibigyan ko pa kasi nga grade 7 pa lang naman. Nung napunta ako sa grade 10 at sa ngayon nga sa grade 9 [na ilang years na rin], syempre mas itinaas ko ang expectation sa mga sagot nila, lalo na sa homogenous class. Natatandaan ko sa mga previous batches, naluluwa yung mata ko kakabasa dahil sinisiksik talaga nila lahat ng alam nila sa mga tanong sa essay, okay din kaysa walang mabasa, may laman pa rin naman, accurate pa rin naman ang mga concept. Ngayon, parang may iilan na sumasablay. Marunong nama...