Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2026

2026 Day 7

  10:54 PM 1/7/2026               Ang sabi ko, hindi na muna ako magku-kwento ng tungkol sa trabaho. Pero, medyo na-bothered lang kasi ako habang nag-check ng essay kanina [ng homogenous class]. Sa tagal ko nang nakagawian na mag-include ng essay questions sa mga assessment ay nagkaroon na ako ng ideya at expectation sa mga dapat maisagot ng mga bagets. Pinakamasakit sa ulo chekcan nung mga grade 7 pa yung hawak ko na mapagbibigyan ko pa kasi nga grade 7 pa lang naman. Nung napunta ako sa grade 10 at sa ngayon nga sa grade 9 [na ilang years na rin], syempre mas itinaas ko ang expectation sa mga sagot nila, lalo na sa homogenous class. Natatandaan ko sa mga previous batches, naluluwa yung mata ko kakabasa dahil sinisiksik talaga nila lahat ng alam nila sa mga tanong sa essay, okay din kaysa walang mabasa, may laman pa rin naman, accurate pa rin naman ang mga concept. Ngayon, parang may iilan na sumasablay. Marunong nama...

2026 Day 6

  10:42 PM 1/6/2026               Bukas may “visitation of the god/s…” Umay. May mga naalala na naman ako, hahaha.               Mag-comfort cards pa rin ako ngayong araw. Wala naman akong maalala na kakaiba or tumatak sa akin today. Pero bago ang comfort cards, evident talaga sa mga bagets ang problem sa level ng comprehension nila. Kung sa homogenous class nga eh ay hindi rin naman lahat agad makakaintindi sa kanilang binasa, ano pa sa heterogenous class? Saka yung retention ng natutunan, kasabay ata lumipas ng nakaraang taon. Yung akala mo hindi naturuan. Pati yung listening skill ng ilang bagets ay problematic na rin, uunahin pang dumaldal eh. Kapag napagsabihan naman hindi mai-drawing ang mga mukha. Gigil ako eh, hahaha. Dagdag ko na rin pala yung kapag may essay ako sa assessment nila, dun ko talaga nakikita kung gaano lang yung na-absorb at naiintin...

2026 Day 5

  10:42 PM 1/5/2026               Mahirap mang simulan ang unang araw ng pasok mula sa mahabang bakasyon, eh wala naman ako [kami] choice. Sabi nga ni Ma’am D kanina, gusto rin sana niyang umabsent pero “teacher ako [kami] eh,” hahaha. I am grateful lang na kahit pa parang lutang ang lahat ay naitawid naman ang unang araw, bukas balik na ulit sa routine. Buti na lang din at cooperative ang mga bagets today.               Am I dragging myself to work? Oo, hahaha. Parang di na kasi worth it maging guro sa bansa na ito. Do I still like what I do? Oo pa rin naman ang sagot ko. Lalo na kapag nasa harap ako ng klase. Napapakinggan at nakakapagturo. Siguro yung mga anek-anek na gawain yung nakakapagpa-drain sa akin. Sabi ko nga kay Clang kanina, parang okay na ako siguro sa 8-to-5 na work. Yung pag time out eh wala na, out na talaga.      ...

2026 Day 4

  10:16 PM 1/4/2026               Bilang isang nilalang na trentahin, wala akong ganap ngayong araw. Natulog lang ako maghapon. Kaya mag-comfort cards na lang ulit ako. Bunot ako ng tatlo.   [1] Ano ang bagay na you’re so afraid to lose pero nawala pa rin?               Nung nabunot ko yung card, ang una kong nabasa ay “afraid to lose” kaya ang unang pumasok sa isip ko ay sila mudra at pudra ko, syempre ayoko silang mawala sa akin, eh may kadugtong pala “pero nawala pa rin” – eh nandyan pa naman sila, so hindi sila ang sagot sa tanong na ito, hahaha. Nakakakaba naman mga ganyang tanungan.               Sunod na naisip ko, na talagang afraid ako to lose, ay ang aking buhok, hahaha. Napaka-eme naman kasi ng genes eh! Sana nga ay hindi na umabot sa “nawala pa rin,” meron pa naman pero pr...

2026 Day 3

  10:08 PM 1/3/2026               Syempre hindi ko hahayaang masira ang streak ng aking daily journal. Ito na nga lang yung meron ako eh, hahaha. Day 3 na. So, for today’s entry, wala talaga akong maisip eh. Naalala ko lang, last year may binili akong “comfort cards – kwentuhang mental health” gawa ng “Bakas”. Sige, subukan kong bumunot ng tatlo.   [1] Ano ang huling pagkakamali mo na gusto mong itama?               Una pa lang ang lala na ng tanong, hahaha. Ano nga ba… siguro bago nitong krismas break medyo irritable ako at napaka-short tempered, to the point na pati dito sa bahay ay nawawala ang pagiging angel ko [wow]. So, minsan may pinapasulatan sa akin na form si mudra para sa lalakarin nila. Then, hindi kami nagkakaintindihan sa ilalagay, to the point na nawawala yung patience ko at ang lakas pa ng loob kong mairita. Nakita ko na nagulat si...

2026 Day 2

  9:56 PM 1/2/2026               Wow, may pagsulat ako ng journal for day 2 ah, akala ko hanggang day 1 na lang ulit. Ayun na nga, kahapon sinabi ko na “Pati bracelet, hindi na rin siguro [muna ako bibili], dahil nabili ko na rin naman yung mga gusto kong material.” Aba’y kauuwi ko lang galing Divisoria [sinamahan ko si Clang at Olan na bumili ng uniform nila], napatambay ako sa online selling ng mga bracelets. Mahirap din matandaan ng seller eh, nag-good evening lang naman ako, then bigla na lang sinabi ni seller na meron na siyang bronzite na hinahanap ko. Ang ending napabili ako dahil panay hanap ko yun sa kanya last year. At hindi lang isa, bumili pa ako ng labradorite, na matagal ko na rin hinahanap sa kanya. Usapang timing naman talaga. Happy na rin. Feeling ko ito na talaga yung last na bili ko ng bracelets. Talaga.               Ang pinaka-stable ...

2026 Day 1

  10:05 PM 1/1/2026   Usually, may pa-theme akong ganap kapag new year. Pero ngayon, walang nag-pop up na theme sa isip ko. So, wala na lang. Saka hindi rin naman nagtatagal, nakakalimutan ko rin pangatawanan, hahaha.   Dalawa kaagad yung una kong naisip na magawa this year. Una, maayos na yung collection ko ng mga bato para di naman sayang yung very impulsive kong pagbili sa mga yun, na di ko naman magagamit, matititigan lang talaga. Ang dami pang naka-box lang, na okay na rin dahil hindi pa rin ako nakabili ng shelf para sa mga yun. Ang hindi ko lang sure ay kung buo pa ba sila sa loob, or ganun pa rin ba ang itsura ng mga yun pag-open [kung kailan ko man yun magagawa]. Hindi na rin muna ako bibili this year [unless naka-timing talaga ako ng rare na bato] kasi nga hindi ko naman ma-organize. Pati bracelet, hindi na rin siguro, dahil nabili ko na rin naman yung mga gusto kong material. Pangalawa, may mga nabili rin akong libro last year, na dumagdag pa sa long li...