Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Mayo, 2020

anyare May?

  • 12:50 PM   5/2/2020 Bakit ba nakaka-anxious ang maghintay? Naghihintay lang naman ako ng alas tres para sa isang webinar… Nga pala, meron na akong ‘official morning song’ na pakikinggan para sa buong buwan ng Mayo – ang ‘Kalachuchi’ ng bandang MuniMuni. Nakakakalma, at saka nakakaaliw yung music video. Sa totoo lang, ‘di ko ito napakinggan araw-araw. Naging consistent lang ako siguro nang mahigit isang linggo. Natuturete na kasi yung utak ko kakapakinig sa kanta, yung kahit tapus na eh feeling ko nasa isip ko pa rin ito. Sa madaling sabi, tinigilan ko. (6:54 PM   5/31/2020)   • 9:43 AM   5/21/2020 Ngayong araw na lang ulit ako nakakain ng almusal. Nang magsimula ang quarantine, dalawang beses lang ako kumakain – brunch at saka dinner. At yung brunch ko pa kung minsan eh mga ala-una o alas-dos na ng hapon, yung dinner laging alas-syete ng gabi. Parang ‘di na ako sanay mag-almusal. ‘Di na ako sanay na mabusog nang ganitong oras (umaga). Ang big...

anyare april?

  • 7:07 PM  4/4/2020 Ilan sa binili ko kanina sa grocery ay nail file, nail cutter, at saka cuticle remover. Natuwa lang ako kasi medyo may kalawang na yung nail file na kasama ng nail cutter kong luma, eh dahil sa may nakita akong nail file, binili ko na. Bumili rin pala ako ng kojic soap! Nagkakaubusan ng kojic soap kanina. Bakit ba kahit alam kong ‘di naman talaga ako puputi eh nagpapadala pa rin ako sa whitening soap na ito? Naka-imprint na ata sa isang sulok ng utak ko ang colonial mentality na magkaroon ng maputing balat kahit alam kong kayumanggi at kuntento naman na ako sa kulay ko.   • 4:44 PM  4/6/2020 Nakikinig ako ng podcast tungkol sa procrastination. Pinabagal ko ang bilis sa 0.75 para mas maintindihan ko kasi ingles eh, at saka may ginagawa kasi ako (SF 10) habang nakikinig. Hanggang sa napagtanto ko na hindi madaling mag-encode habang iniintindi yung pinapakinggan kong podcast, (lalo pa’t ingles, kailangan ng focus).      ...

ikaapat

  • 5:46 PM   4/19/2020   Pasado alas-tres kaninang hapon ay ang pang-apat na paglabas ko sa panahon na ito ng ECQ. Nagpunta kami ni ate sa Ever Supermarket para mamili (kung meron mang mabibili pa roon). Naglakad lang kami dahil wala namang masasakyang trike. Okay na rin, exercise! Ganun pa rin ang ambiance ng paligid – ang gloomy. May mga kakaunting tao pa rin naman sa labas pero lahat ng mga tao sa paligid ay literal na dumaraan lang; wala masyadong ganap. Doon kami dumaan ni ate sa shortcut sa may 'waterlily-han', tapus may naabutan kaming mga bata na nagpapalipad ng saranggola sa makitid na daanan na napalilibutan ng tubig at ng mga waterlily. Pagdaan namin, pinagsabihan ni ate ang mga bata na mag-social distancing, at akala ko ‘di siya papansinin, akala ko baka sumagot nang pabalang ang mga batang lalaki (like who the hell are you? ganern) kasi ‘di naman namin sila kilala; pero nagulat ako kasi sumunod sila kay ate, sinabihan nila ang isa't isa na dumista...

malamlam

  • 3:13 PM   4/4/2020   Excited ako kaninang umaga dahil sa wakas ay makakalabas na ako ng bahay. Nakalimutan ko na ata kung ano ang pakiramdam ng nasa labas – yung makakita ng ibang lugar, at ng ibang tao. Ito pa lang ang pangatlong paglabas ko mula nang magkaroon ng quarantine. Habang nasa sasakyan, masaya pa ako kasi may mga bago sa mata ko, pero ‘di rin nagtagal ang saya dahil ibang-iba ito sa karaniwan na nakikita ko bago maganap ang pandemic. Hindi ganuon karami ang mga tao sa labas; lahat ay naka-mask. Inaabangan ko pa naman ang liwanag ng araw sa umaga – yung mala-gintong sinag, nakakagana kasi ito sa pakiramdam. Subalit napaka-ironic... maliwanag ang sinag, pero malamlam sa pakiramdam. ‘Di ko alam kung paano ipapaliwanag, kahit kasi hindi magsalita ang mga tao sa paligid ay ramdam ko yung anxiety; yung lungkot. At saka para bang napaka-restless ng lahat; yung tinutuloy na lang ang buhay kasi wala namang iba pang choice; dahil kung hihinto naman, mas ...

dagli 20: unang tagay

" Umiinom ka ba ?" – nagtanong pero ‘di naman ako nabigyan ng pagkakataon na sumagot. Kinuha niya yung maliit na basong tagayan saka yung bote ng empi; nilagyan niya ang baso ng tinantyang dami ng alak. Iniabot sa akin habang patuloy ang kwentuhan. Kinuha ko naman yung maliit na baso, ‘di ko alam gagawin ko. “ Totoo ba iinom ako? ” – may kaunting gulo sa aking isip; paano ba? ilalagok lang? Naramdaman ko na lang na gumuhit ang tapang ng alak sa lalamunan ko, ‘di na lang ako nagpahalata na una pa lang itong nangyari sa akin. Yun ang una kong pag-inom ng alak. Masarap naman pala, mapait lang; lasang alcohol na may kaunting tamis. Sabay kuha ko ng baso ng juice, at tubig. Nakailang ikot na rin pala ang tagayan, ‘di ko na namalayan. Nalibang na kami, eh may pasok pa bukas. Ramdam ko na yung tama ng alak. Para sa tulad kong ngayon pa lang natutong uminom, may pagkahilo sa paglakad ko. Di ko pa rin pinahalata, mas inalalayan pa nga nila yung isa. Tiniis ko yung kaun...