*Gumawa ng tala sa notepad habang nanunuod ng isang livestream video ng NASA. 11:23 PM 1/1/2018 Sa tagpong ito, pinapanuod ko yung livestream video (ng NASA) ng Earth mula sa outer space. Parang gusto ko na mapunta sa International Space Station (ISS); pakiramdam ko mas payapa ang buhay doon. Oh wait lang, blocking sa camera yung kung anumang part ng ISS na ito... di na tuloy makita yung amazing Earth. May kamay! Inilibot ang camera; may astronaut pala sa labas. Akala ko naka-attach lang yung cam, bitbit pala. Ang kapal ng gloves sa kamay niya. Ano kayang pakiramdam na suot iyon… nakita ko rin yung salamin ng helmet niya, may mga marka ng gasgas. Kita na ulit ang Earth! Parang mga nyebe sa puti ang ulap. Tapus yung araw parang ang liit lang, para lang itong flashlight sa isang napakadilim na lugar. Nakaka-relax yung view, pati na yung instrumental na pinapatugtog. Kung sakaling mapunta ako sa ISS, gusto kong gawin yung fetal position habang nakalut...