Nasalubong ko si Jasper (dati kong estudyante) sa footbridge. Nagkamustahan ng kaunti. Saglit kaming tumigil sa mismong hagdanan, mabuti na lang at kaunti lang yung dumaraan. Tinanong ko kung saan na siya nag-aaral; sa pagkakatanda ko kasi ang sabi niya sa akin noong nagpi-fill up siya ng form para sa senior high ay magti-TESDA siya. Ang sagot niya, siya raw ay nag-aapply na ng trabaho. Hindi ko na nausisa pa, dahil nasa hagdanan kami ng footbridge at baka kami ay makaabala, ‘good luck’ o ‘ingat’ ba ang huli kong nabanggit sa kanya, hindi ko maalala eh. Ang awkward o nakakatawang part ay yung mismong nagkasalubong kami. Sanay ang mga ka-batch na estudyante ni Jasper magmano sa mga teachers nila, pero sa kung anong dahilan hindi niya naituloy yung akmang magmamano sana siya sa akin, di ko na rin naiabo...