Ang huling araw ng buwan ng Pebrero ay tinaguriang Rare Disease Day. Nagsimula ito noong 2008 upang makapagbahagi ng kamalayan tungkol sa iba't ibang rare diseases na mayroon sa mundo na sa kasalukuyan ay di pa rin nabibigyang lunas. Feb. 08, 2015 na-meet ng aming grupo ang Parco brothers na sila Peter John (18 y/o), John Paul (18 y/o) at Vicente (17 y/o) para sa isang maikling interview na may kinalaman sa ginagawa naming paper sa aming klase sa genetics. Mapalad kami na malugod nila kaming tinanggap sa kanilang tahanan para sa isinagawang panayam. Ang magkakapatid ay may kondisyon na tinatawag na Hunter Syndrome. Isa itong X-linked recessive na namamanang sakit kaya ibig sabihin ay mga lalaki lamang ang maaaring maapektuhan. Ang kakulangan ng enzyme (iduronate-2-sulfatase or I2S) sa kanilang katawan ay naging dahilan ng pagkakaroon nila ng ...