Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Pebrero, 2015

Mashup at Cover.

Ika-27 ng Pebrero, 2015 Biyernes, 3:10 ng hapon             Kanina, habang nagyu- youtube (pwede na pala gamitin na verb ang youtube lol) , nakita ko na may cover na rin pala ang Boyce Avenue ng most requested song ngayon sa radyo na “Thinking Out Loud” ni Ed Sheeran . Bago pa lang ang video , nakalagay ay ‘4 days ago’ pero lampas 1 million views na.             Masyado na ata akong pamilyar sa boses ng Boyce Avenue , kaya bago ko klinick ang video , ni- rehearse ko muna (sa aking isip hahaha) kung paano kaya ito kakantahin ng lead vocalist na si Alejandro … nung na- imagine ko na yung istilo at tunog ng boses niya, saka ko pinanuod ang video…             …nasabi ko na lang – “Ay badtrip! Ganun nga!”             Di man lang ako nasurpres...

"the question is..."

Ika-25 ng Pebrero, 2015 Miyerkules, 7:55 ng gabi             Natuwa lang ako.             Nung nabasa ko ang linya sa libro.             Kaya ginuhitan ko gamit ang highlighter pen .             Tama ang nasa caption ng larawan.             Ang tanong sa ating mga sarili ay dapat na “Can I do it?” Kaysa “Are others better than I am?”             Pinaalala nito sa akin ang isang linya mula sa Desiderata ,             Ang sabi –             “for always there will be greater and lesser persons than yourself.”  ...

"…oo na, isa lang ito sa mga kababawan ko."

Ika-20 ng Pebrero, 2015 Biyernes, 6:09 ng gabi             Sa umaga, tuwing sasakay ako ng LRT , lagi akong nakaharap sa bahagi kung saan sumisikat ang araw. Yung damang-dama ko yung liwanag na tumatagos sa loob ng tren. Nagpapapikit saglit sa aking mga mata. Banayad na dumadampi sa aking pisngi at iba pang bahagi ng balat. Pagkasilaw sa malumanay na paraan. Maginhawang pakiramdam habang bahagyang nasisikatan.             Kulay orange hanggang sa matingkad na dilaw ang paligid. Pumuporma ang anino ng mga bagay na against the light / sikat ng araw. Pang- pictorial ang effect .             Ang saya! Ang sarap sa pakiramdam!             Lagi kong inaabangan ang tagpong ito…             …oo na,...

“Kati-kati”

Ika-07 ng Pebrero, 2015 Sabado, 8:45 ng gabi             Umaga.             Mahangin at malamig.             Sa loob ng jeepney.             Si ‘ateng’             Nakalugay ang buhok             Sa aking tabi.             Lumilipad.             Humahampas Ang kanyang ‘long hair’             Kasabay ng hangin.             Ang saya-saya!             Ang kat...

"...leeg and balut."

Ika-06 ng Pebrero, 2015 Biyernes, 8:34 ng gabi             My mudra knows that I love eating ‘leeg’ (chicken neck) and ‘balut’ .             One time , nakailang akyat-baba na ako sa hagdan para lang tanungin siya kung nakita niya na bang dumaan yung nagtitinda ng balut. Gustuhin ko mang kumain ng balut nung gabi na yun, hindi nangyari dahil di na bumalik yung lalaking naglalako, in other words , nabigo ako sa hangarin kong makakain ng balut.             Pero, nung sumunod na gabi, bigla na lang pumasok si mudra sa aking kwarto pa lang sabihin na –             “Hi! (in a very awkward tone hahaha)…             …kumain ka na, nakabili ako ng balut at chicharon!”     ...

"kanser to the moon..."

Ika-05 ng Pebrero, 2015 Huwebes, 2:51 ng hapon Kanina habang nanunuod ng “It’s Showtime” with mudra:             “Uy, nabalitaan mo ba yung kay ano…             …yung Jamich yung may kanser,” bulalas ni mudra.             “Oh bakit?” sabi ko.             “Yung may kanser to the moon… ay to the bones ba yun?               Yung kumakanta, yung nagri-record sa youtube!"             Hay naku… Sino ba talaga tinutukoy mo mudra ?             Laughtrip na naman ako hahaha .   "Walang kinalaman ang larawan... ...gandang-ganda lang sa sariling sulat. Lol."