Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2015

Puno ng dalamhati ang araw na ito. #SAF44

Ika-29 ng Enero, 2015 Huwebes, 7:52 ng gabi             Ang paniniwala             At pananampalataya             Ay hindi basehan             Para pumatay ng kapwa.             Ang pagkitil ng buhay             Ay hindi isang patunay             Ng paniniwala             At pananampalataya. x-o-x-o-x             Nakalulungkot naman ang nangyari sa Mamasapano.             Nakaka- disappoint na hindi man...

"BACK AND FORTH..."

Ika-28 ng Enero, 2015 Miyerkules, 2:26 ng hapon             Nakasabay ko si ‘ate’             Sa photocopy han (o xeroxan) .             Ang sabi…             “Pa-photocopy nga,             BACK AND FORTH…”             J             Buti na lang naka- poker face ako kanina.             Basta, peyborit ko pa rin ang hopia.             

ALAALA

Ika-15 ng Enero, 2015 Huwebes, 3:48 ng hapon             Lumilipas ang mga alaala.             Naglalaho. Nabubura. Tulad ng isang ideya, Habang tumatagal Ay di na maipipinta. Mayroon din naman Mga alaalang di kumukupas. Nagtatagal. Di napapagal. Tulad ng sa pag-ibig, Malambing na tinig. Walang wakas na himig.             Dumaan man ang panahon Isip man ay makalimot, May mga alaalang sa puso'y Nanunuot.             “Alaala”             ( Ang inspirasyon sa pagsulat ay mula sa blogpost na “RIP Tatay Herb” ni Hi! I’m Lili! )

PILA

Ika-12 ng Enero, 2015 Lunes, 7:59 ng gabi             Di sinasadyang sa pag-atras ko’y             Natapakan ko ang iyong paa.             Isinenyas mo ang iyong kamay,             Na nangangahulugang ‘okay lang’.             Sayang…             Sana pala idiniin ko na.             Okay lang naman pala.             Hahaha!             “Pila”             (eksenang pang-jeepney)

"...di lahat ng ‘taken’ na ay masaya."

Ika-05 ng Enero, 2015 Lunes, 2:45 ng hapon Shrine of Our Lady of Grace - Caloocan.             1. May panahon para ayusin ang mga bagay sa buhay mo.             2. You only live once… be happy! You deserve to be the best!             3. Kung may nakikita kang kulang sa buhay mo, aksyunan mo agad ito.             4. Ang relasyon ay pinagtitibay, hindi pinagsasabay-sabay.             5. Move on!             Kahapon… araw ng linggo.        Nagbalik ako sa simbahan kung saan pinakauna akong nakapagsimba. Maraming nagbalik na alaala. Ganoon pa rin ang itsura. Matagal-tagal na rin mula noong huli akong pu...

Ngiti :)

Ika-02 ng Enero, 2015 Biyernes, 12:05 ng hating gabi             Ang kumain ng ‘tuyo’ matapos ang handaan…             Ang makipag-kwentuhan at makipagtawanan kila ate at mudra …             Ang makapag- selfie ng nakangiti sa bugnutin at iyakin na pamangkin…             …tatlo lamang sa mga bagay na okay na para sa akin sa unang araw ng Enero 2015!