Mga Pahina

Miyerkules, Enero 29, 2014

LIEBSTER AWARD 2014

Intro:
            Salamat kay Ma'am Yccos para sa LIEBSTER AWARD! Sana lang ako talaga yung Jep Buendia sa list mo haha, kasi baka may kapangalan ako, tapus ang labas eh 'assuming' pa pala ako lols. Narito ang aking mga sagot para sa mga nilikha mong tanong:


1. Bakit ka nga ulit nagboblog?

            Hindi naman talaga ako matutuloy sa pagba-blog kung hindi nagkaroon ng computer at internet connection sa bahay. Dati kasi sa mga notebooks lang ako nagsusulat ng kung anu-anong naiisip ko. Eh para hindi naman masayang ang computer at internet, nag-try na rin akong gumawa ng animo’y online journal ko.

            At bakit ba ako nagba-blog? Una, di naman lahat ng nasa isip mo ay maaari mong sabihin ng direkta sa mga kausap mo. Halimbawa, pag may naisip kang maikling tula, hindi mo naman ito iri-recite agad-agad sa kausap mo para malaman niya na may naisip kang tula hahaha. At di naman lahat ng topics or issues sa mundong ito na interesado ka ay kahalintulad ng sa iba, kaya ginagawa ko itong outlet para sa lahat ng nararamdaman ko at naiisip.

            Sa madaling sabi, nagba-blog ako dahil masaya itong gawin! Nakalilikha ka ng sarili mong mga katha, nakabubuo ka ng mundong ikaw ang ‘super bida’ hahaha, nakakapag-share ka ng iyong thoughts sa mga kapwa blogger o mambabasa, nati-treasure mo ang mga magagandang tagpo sa iyong buhay, naitatala mo ang mga natutunan mo sa mundong ibabaw, at nakatutulong na makilala mong lubos at mapaunlad pa ang iyong sarili.


2. How do you mend a brokenheart?

            Hindi ko alam. Wala pa akong karanasan sa mga ganyan hahaha. Totoo walang halong biro! Di ko alam kung abnormal ba ako para sabihin ko na kuntento na ako sa pagmamahal ng aking pamilya at mga kaibigan (weh? hahaha).   

            Pag may nakikita nga ako na brokenhearted na mga estudyante at umiiyak pa, iniisip ko kung gaano ba kasakit yung nararamdaman niya para magmukha siyang pinagsakluban ng langit at lupa na para bang wala nang ibang tao na magmamahal sa kanya… na wala akong magawa kundi patahanin na lang yung umiiyak kasi mahirap din naman magsabi ng payo if NOT based on experience hahaha. So hanggang ‘words of wisdom’ at ‘move on’ statements lang ako.


3. Have you ever wondered kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?

            May mga gusto ako na alam kong gusto rin ako whahaha (kakapalan na ito lols). Pero kung may gusto man ako at di niya ako gusto, siguro kasi we are not meant for each other! Gawin na lang nating ganun ka-simple. Kasi masisiraan ka lang ng bait kung ipipilit mo pa, eh ayaw nga… so wag na lang kaysa maging awkward or unfair para sa isa.


4. If you're not human, what are you? Why?

            Kung hindi ako tao… siguro ako ay isang multo. Gusto ko kasi yung nasasaksihan ko ang mga nangyayari sa paligid pero di nila alam na nandun pala ako. Mang-trip kung minsan lalo na sa ayaw maniwala sa mga ‘mumu’ o kaya maging witness (pa’no kaya yun) sa mga bigating personalidad na nadadawit sa ilang mga kaso. Dun ako magmumulto sa bahay nila para mamamatay sa takot ang lahat ng mga masasamang tao hahaha. At least kung maging multo man din sila, di na nila ako magagantihan dahil pare-parehas na rin kaming mga walang buhay hahaha.

            Actually, anghel sana ang isasagot ko, kaso nahiya naman ako sa kabaitan at kabanalan ko lols.


5. Tent Camping or Hotel staycation? Why?

            Hotel staycation na lang. Maganda rin sana yung tent camping kaso ayokong maging uncomfortable (kaartihan?). Saka depende siguro sa kasama. Kung ako lang din, hotel staycation na lang.


6. Quickie or Take your time? Why?

            I want to take my time. May mga tagpo sa buhay na napakadalang lang mangyari, kaya kung sakaling nandun na ako sa tagpong iyon, gusto kong sulitin ang oras ko hehehe.


7. What's the best lesson in life you've learned so far?

            Na maraming paraan para mabuhay. Na hindi mo kailangang maging kaparehas ng iba o sumunod sa mga nakagawian na. Napakasarap mabuhay kapag nagagawa mo ito sa sarili mong paraan, dahil sa huli, hindi mo naman madadala ang lahat ng material na bagay, higit sa lahat mas gusto kong maging mayaman sa karanasan at kaisipan.


8. What's your ultimate goal this 2014?

            Uhm… parang napakalaking bagay naman ng ‘ultimate’ goal, na ang saklap kung hindi naman matupad.  Ang gusto ko lang ay masulit ang bawat araw ko para sa taon na ito. Yun lang.


9. What food do you hate the most?

             Ayoko ng mga exotic food hahaha, tulad ng kamaro at anu-ano pang mga insekto, mga bayawak, ahas at iba pang hayop na madalang kainin. Pero kung may Php 1 million prize tulad ng sa Fear Factor o Extra Challenge, why not hahaha.


10. Coffee or tea?

            Coffee. Mas nakasanayan ko na kasi, at sa tingin ko mas marami kasing pwedeng gawing ‘pakulo’ o ‘paandar’ sa kape kumpara sa tsaa.


11. What is the Theme Song of your life?

            No Boundaries by Kris Allen (para sa lahat ng mga ‘lofty dreams’ ko).
            For Good from Wicked (para sa lahat ng taong naging bahagi ng pagiging ‘tao’ ko).


x-o-x-o-x


        Narito ang mga ginawa kong tanong: Pakilagay ang sagot sa comment section o pakisagutan bilang isang blog post.

1. Ano ang pinakagusto mo sa iyong sarili? Ipagyabang mo ito ng lubos.
2. Bakit mga magaganda lang ang may pageant? Bakit walang ugly pageant?
3. Okay lang ba ang same-sex marriage? Ipaliwanag.
4. Kaya mo bang lumahok sa Oblation Run? Nang walang takip ang mukha?
5. Anong pelikula ang malapit na representasyon ng iyong buhay?
6. Kung ikaw ay manunulat, tungkol saan ang iyong magiging mga likha?
7. Kung may bubuhayin ka kapalit ng sarili mong buhay, sino siya? At bakit?
8. Kung papangalanan mo ang (mga) patay mong kuko, anong pangalan ang ibibigay mo?
9. Kung makakausap mo si God ng harapan, buhay ka pa ba nun o nananaginip lang?
10. Bukod sa ‘world peace’, ano ang magiging ambag mo sa mundo?
11. Ano ang gusto mong itanong sa iyong sarili? Sagutin.


x-o-x-o-x


Note: Nahirapan akong mag-nominate na 11 bloggers, dahil halos lahat sa mga gusto kong bigyan ay nakatanggap na rin naman nito, at kaunti lang din ang 'circle of friends' ko (na baka assuming na naman ako haha) sa blogosphere, pero kung ganun talaga ang rules, narito po sila:

1. Jonathan
2. Geosef Garcia
3. Ignored Genius
4. Mecoy
5. Jei Son
6. Rixophrenic
7. Archieviner
8. Kamilkshake
9. Jay Rada Rafol
10. Mr. Tripster
11. Kulapitot



Martes, Enero 28, 2014

BALAKUBAK


BALAKUBAK

Tulad mo’y isang balakubak,
Na hindi ko mabakbak.
Kaydikit sa anit,
Di maialis sa isip.

Balakubak ay panandalian,
Ikaw nama’y walang hanggan.
Maglaho man ang balakubak sa anit,
Sa puso at isip ko’y di ka mawawaglit.


x-o-x-o-x


P.S.
            Hindi ko alam kung bakit binabalakubak na naman ako. Di naman ako ganun ka-stress, normal lang ang stress level na nararamdaman ko (according to myself haha). O baka naman dehydrated lang ako, lagi kasing kape at softdrinks ang iniinom ko. O baka sa shampoo naming Palmolive (haha kontra-promotion pa) o baka ‘uso’ lang ang ‘dandruff’ ngayon, so naki-uso na ako lols
  
x-o-x-o-x


Tanong:

              Alin sa mga shampoo na ito ang mabisa laban sa ‘balakubak’? (as recommended by my co-dandruff-victims)

A. Head and Shoulders Smooth and Silky
B. Head and Shoulders Cool Menthol
C. CLEAR Men Anti-Dandruff Shampoo
D. GARD Anti-Dandruff Shampoo


x-o-x-o-x







#ShorTULA
#AngKatiMoSaAnit
#BakitPatiKilayKoMayBalakubakDin



Lunes, Enero 27, 2014

BOLPEN



BOLPEN

Bawat taong nakasalamuha ko,
ay kahalintulad ng isa sa mga bolpen ko.
May MANIPIS at MAKAPAL,
meron ding MURA at MAHAL.

May kani-kaniyang KULAY at TATAK,
Sariling tingkad at gayak.
Malabo man o hindi ang TINTA,
Lahat ay mag-iiwan pa rin ng MARKA.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#MyBallpensInMyBlackPencilCase
#BakitPencilCaseAngTawagKungMayBallpenDinNaman


Sabado, Enero 25, 2014

Laking CRAYOLA ka ba?

"Larawan sa mga lumang libro,
binigyang kulay gamit ang mga Crayola ko.
Ngunit pa’no kung pudpod na ang mga ito?
Saan pa maaaring gamitin ang mga crayolang ito?"

      Parte na ng pagiging estudyante ko ang pagkakaroon ng crayons. At ang isa sa mga popular na brand ng crayons hanggang ngayon ay ang Crayola. Kasama lagi ang Crayola 24 pack crayons sa listahan ng mga school supplies na binibili namin bago magpasukan (hanggang 24 pack crayons lang kasi magagalit yung nanay ko kapag lampas pa dun ang pinabili ko hehe).

Yung paramihan pa kayo ng mga kaklase mo (nung elementary) ng mga crayons, na kapag mas marami, mas sosyal at mas astig ka sa klase! Lol. At hindi mo rin maiaalis ang mga ‘parasitiko’ mong kaklase na kung makahiram ng crayons akala mo ay ‘hayok’ sa pagkulay lalo na kapag Arts ang subject niyo. Na kapag ibinalik sa iyo ang mga crayons daig pa ang pambura ng bagong mongol pencil sa pagka-flat o kaya naman ay lasog-lasog na at putol-putol pa! Na wala ka na lang masasabi kapag nakuha mo na ulit ang box ng crayons mo, na hindi ka makapag-react sa sobrang pagka-shock hahaha. Na parang kanina lang ay bago pa ang iyong mga Crayola pero pagbalik sa iyo ay naluma na!. At wala kang magagawa kundi tasahan na lang ang mga buo pa (oha nung panahon namin, uso ang pantasa ng crayons).

            Pero pa’no nga ba kapag ang mga ito ay sobrang pudpod na? Yan naman ang pinoproblema ko nung high school na ako (ang lalim ko mag-isip di ba lols.) Nanghihinayang kasi ako kung itatapon na lang ang mga ito, kaya ito ang trip ko sa mga pudpod kong mga crayons:

1. Ipunin ang mga ito at tadtarin sa maliliit na piraso. (tadtarin talaga para pino hehe).
2. Ilagay sa bond paper. Ibudbod na parang mga toppings sa pizza (ikaw na bahala kung paano mo ipupwesto ang bawat kulay, mas maganda kung random ang pagkakaayos).
3. Takpan ng isa pang bond paper.
4. At plantsahin!
5. Paghiwalayin ang dalawang papel at patuyuin.
6. At charan! Ikaw na ang bahala kung ano ang nais mong gawin sa mga bond paper na tinunawan ng mga lumang crayons, maaaring gupitin at ayusin sa kung anong imahe ang nai-imagine mo.

Ito ang ilan sa mga gawa ko nung high school (feeling artist lang lols):

“Every child is an artist. The problem is how to remain an artist once we grow up.”
- Pablo Picasso

MUSHROOM (June 03, 2004)

FLOWER (June 03, 2004)

BANCA (June 03, 2004)

BUTTERFLY (June 03, 2004)

BIRD (June 03, 2004)

LEAF (May 23, 2005)

WILD ROSE (May 23, 2005)

P.S.
Mga taga-Crayola! Hello! Hahaha.
Kahit isang buhos lang ng mga Crayola products lols.

x-o-x-o-x

#ILoveCrayola
#MyCrayolaDays
#MyArtWorks10YearsAgo
#WhenImBoredWithMyCrayons

Lunes, Enero 20, 2014

42 Students 6 Questions: Meet IV-St. Peter 13-14 :)



Apatnapu’t dalawa silang lahat,
Sampung buwan ay di sapat.
Pa’no ba sila lubos na kikilalanin?
Di naman maaaring isa-isahin.

Gamit ang isang palabunutan,
Mga tanong ang nilalaman.
Hiniling kong sagutan,
Lagyan man nila o hindi ng pangalan…



WHAT (OR WHO) MAKES YOU SMILE?

  • “Food.” – MJF
  • “Volleyball talaga eh, ewan ko po basta parang yung feeling passion ko siguro. Nagpapangiti sa akin siguro sa tuwing inistalk si Pia Gaiser favorite player ko po kasi sya, magkamukha po kasi kami.” – JM
  • “My family and friends always make me smile.” – MEPS
  • “My friends, my family especially my dogs HAHAHA! syempre PETER din and kayo.” – L’IAGALLARDO
  • “I guess it’s the people who smile at me. Goats make me smile, as weird as that sounds. Buffets make me smile even more. Cozy jackets in the rainy season. Animated movies. Percy Jackson. Art. AMMB. Books." – PLA
  • “Oishi Plain Salted Potato Chips.” – THE CG
  • “Everytime I see my friends / family / loved ones smiling, I smile too." – Karen


IF YOU COULD COMMUNICATE WITH ANIMALS, WHAT WOULD YOU SAY?

  • “Are you happy on being a pet?” – DIANA
  • “I always talk to animals, especially to my dog. If my brain doesn’t function well and my ‘kulang-kulang’ sickness goes I always talk to them about my problems and it always help me relieve depression.” – Anonymous
  • “Kung di ka hayop, pipiliin mo bang maging tao?” – Keyayem
  • “How’s life?” – MR-A-Z
  • “I’ll ask them how they see us and what they feel and think about us.” – Trisha
  • “Nothing.” – Anonymous
  • “Talk in language that they won’t understand. I know it makes the ability useless. But hey! I want them to be the troubled side this time around. Now, I would actually ask them about their history and their own legends, myths and some stories they made about humans.” – Dalle yow!




ONE DAY, YOU SUDDENLY WOKE UP AND FOUND THAT YOU WERE A HOLLYWOOD CELEBRITY. WHAT IS THE FIRST THING YOU WILL DO?

  • “I will call my Hollywood celebrity friends and ask them to have a party. And while on the party, I’ll take one picture with them.” – Rochelle
  • “Inaamin ko po idol ko si Miley Cyrus dati. Kaya ang una kong gagawin, hahanapin si Miley at tatanungin kung anong nangyari sa kanya.” – JRRC 
  • “Magpipicture ako kasama yung mga Hollywood celebrity at magpopost sa fb. OMG, I’m a Hollywood celebrity na.” – Ana May 
  • “Scream? LOL XD tour my house haha.” – Anonymous 
  • “I will go to the Hollywood sign and open the entrance to the boat of Charon to hell.” – Anonymous 
  • “Omahgah! I will tweet about it. It’s so twitter-worth-it. HAHAHA.” – Anonymous 
  • “HAHAHA. Bibilhin ko po ang lahat ng luho ko bago pa ako magising sa katotohanan XD.” – Valerie




WHAT IS THE CURRENT THEME SONG FOR YOUR LIFE?

  • “Dream by Priscilla Ahn.” – HOLLY 
  • “Some Nights by fun. Finding myself and what not.” – Jolo 
  • “Perfect.” – Darwin Kho 
  • “Let Her Go.” – James 
  • “I have no idea. Whatever it is, probably something dramatic and sad because I have the tendency to like being dramatic and sad and pessimistic.” – Anonymous
  • “C-A-M-P Fire Song. They don’t know about us.” – One D.
  • “Baliw.” – Jo




WHAT THING WOULD YOU LIKE TO TRY BUT ARE AFRAID TO?

  • “Sometimes, I’m afraid to try to tell my parents how I feel because I’m afraid of how would they react. That’s why I’m not open to them. And it is hard to keep what you feel.” – Marge. XD 
  • “Maging independent. Yung tipong ako po yung maghihirap para sa sarili ko. Pero ayokong iwan yung mga loved ones ko.” – Mae Abad 
  • “Pagsuway sa rules? Haha. But it’s really hard to do something against your own principle, kaya baka di ko pa rin po itry. Haha. I-engage ang sarili sa sports.” – Anonymous 
  • “Skydiving I guess. But I’m not afraid though.” – Ainiel 
  • “Hold my breath until I die.” – PolPol
  • “Tumalon po sa building.” – The Phenom


IF YOU WERE AN EMOTION, WHAT WOULD YOU BE?

  • “Blank emotion. Hindi ko po alam pero siguro po scared…XD. Pero blanko lang po talaga.” – Anonymous
  • “Hapiness because I want that to achieve for myself. As a ‘happiness’, I want to share ‘myself’ or what I’m feeling right now. Because everything is at ease of being happy.” – JOHNWIL CHRISTIAN MAMING
  • “Sarcastic. When I tell you something, it doesn’t really what I mean. LoL.” – Mel
  • “Happiness. Cheerfulness.” – Chelsie Santos
  • “I would be a big bowl of sunshine and rainbows (huehue). Well maybe with a little bit of sour puss XD. Translation: Most of the time I’m cheerful but I can be grumpy at times.” – Anonymous
  • “If I were an emotion, I would be happiness so that all would want to welcome in their lives.” – Camille
  • “Happiness.” – MAGDAMIT, Raine Kristel R.


St. Peter ang kanilang pangkat,
Tunay na angat sa lahat! (sabe?hehe)
Marurunong at madadaldal (lols...)
Umaapaw sa talento at husay.

Bawat isa'y may kakayahan,
Na mga pangarap ay makamtan.
Hawak nila'y kani-kaniyang susi,
sa kinabukasang minimithi...

x-o-x-o-x

#50 People 1 Question
#Query 2 of Papemelroti

Sabado, Enero 18, 2014

Nakalalasing ba ang Rootbeer? :)

Ika-18 ng Enero, 2014
Sabado, 12:11 ng madaling araw

1. Masaya na ako kapag naisasalba ako ng musika at pagsusulat (pati na rin ng mga random quotes na nababasa ko) mula sa mga harsh realities ng buhay. Mahirap din kasing laging panatilihin ang sarili mo sa iisang mundo lang, minsan kailangan mong ikubli ang sarili sa isang lugar na ikaw ang maylikha nang sa gayon mabawi mo naman ang iyong lakas at mapanghawakan mong muli ang lahat ng katotohanang iyong tinanggap at mga prinsipyong dumadaloy na sa iyong katawan.

2. Napakahirap magdesisyon kapag napakadami mong iniisip. Minsan itutulog mo na lang o ilalamon ng marami haha (lamon talaga?).

3. Mahirap ding panghawakan ang mga salita. Dahil naniniwala ang mga tao na ikaw at ang iyong mga sinasabi ay iisa. Hindi mo rin masisisi. Yun lang ang paraan para magtiwala.

4. May lungkot at kaba sa ngayon. Pero nakaka-excite pa rin at the same time, depende sa kung paano mo titignan ang sitwasyon. Wala namang mali. Meron lang masyadong nadadala ng mga sabi-sabi ng ilan. Pero di naman sila ang nagpapatakbo ng buhay mo… hindi sila… kundi ikaw!

5. Inaantok na ako. I-rootbeer na lang ito. Cheers! Lols.


Rootbeer: My Anti-Stress Drink hehe...

Sabado, Enero 11, 2014

and Aubrey was her name...

           Natatandaan mo pa ba yung eksena sa klase na naka-upo ka lang habang ang professor / instructor ninyo ay walang tigil sa pagbibigay ng lecture? Yung kailangan mong magtiis ng isang oras o higit pa para mapakinggan siya, gayung pwede mo namang basahin ang lahat ng sinasabi niya sa hawak-hawak niyang libro hehe. Pero maaaliw ka na lang sa kung paano niya nakabisa ang bawat detalye ng pahina, walang mintis / walang impormasyong hindi mababanggit!

            Kaya para maibsan ang hirap na ito ay kanya-kanya na lang kayo ng mga kaklase mo sa paggawa ng ‘teknik’ kung paanong magpapanggap na nakikinig lols. Yung pinipilit ko na lang na gumawa ng outline mula sa mabilis niyang pagsasalita kahit pa alam ko na magpapa-photocopy pa rin naman ako ng libro para makasagot sa kanyang quiz hehe. Para lang masabi ko na di ko naman binalewala ang kanyang effort na maibahagi ang kanyang kaalaman sa amin. (nagpapanggap na mabait)

            Na akala mo yung katabi mo ay busy rin sa paggawa ng lecture, pero yun pala busy pala siya sa paggawa ng sulat haha. Not once but twice akong nakatanggap ng kanyang sulat kapag di niya trip makinig, narito ang isa ---



Sept. 3, 09
hi ‘nhong,

            La kasi aqkung magawa kaya ryt nalang acu sau, haha, akalain mo yun magkatabi pa tau sinusulat qo to. hmf. anu bang sasabihin cu. hmf. Lapet na taung maggraduate, mamimiz cu kayo, huhu, cry cry. wew. drama di naman naiiyak.

            Nakikinig kba kay sir? acu kasi indi kaya nga nasusulat cu to ee, haha. wafu ni sir ngayon mukha xang malinis. Inspired ata kay mam shammy, tse. Si Donnie nagkakamot ng ulo, wew namumula ang labi, san kapa. hehe share cu lang naman sau ‘nhong ee.

            ayan ah, lang purpose at sense yung sulat cu sau. basta makasulat lang. Nga pala kita nalang tayo sa abroad ha. hahaha. paggraduate naten sana me reunion agad. Til here nalang tinitingnan mo kasi sau naman to mapupunta. haha…

            INGATZ            Study Hard fo!!!

            Godblessyou.

always,
‘Nhang
Aubrey : )


            Hahaha! Oh di ba ang galing ng kaibigan kong ito. Nagsusulat siya sa gusto niyang sulatan kapag medyo naiinip na siyang makinig sa klase lols. Hindi ko naman ito ginawa para mabuko siya (gayung parang ganun na nga haha). Pero higit sa lahat gusto ko lang kamustahin ang kaibigan kong ito na sinusuportahan namin kapag may mga singing competition sa school at kilala namin bilang matatag at may talino lalo na sa math!


x-o-x-o-x


Today’s Query:
Describe yourself at age 90?

            Uhm… kung aabot man ako ng age 90 siguro ang tanda-tanda na talaga ng itsura ko. Puting buhok, kulubot na balat, lawlaw ang pisngi haha, nakapustiso lols, sobrang malabo na ang mata (eh ngayon pa nga lang hirap na ako kapag di nakasalamin), mas payat pa at limitado na ang kakayahang kumilos.

            Pero bukod sa pagbabago sa katawan. Gusto kong maging malakas pa rin sa edad na 90. Siguro mai-enjoy ko na yung pag-inom ng kape kasabay ng pagbabasa ng dyaryo (with magnifying glass lols) tulad nung mga matatandang nakikita ko sa umaga. Ang sarap siguro sa pakiramdam na matanda ka na at hindi mo na kailangan pang magtrabaho, na na-fulfill mo na ang lahat ng gusto mong mangyari sa buhay mo.

            Kung aabot man ako ng 90 years old, dun na ako magchi-chillax ng todo sa buhay! Panahon naman yun para sa akin na ihanda ang sarili sa kabilang buhay sa heaven! (wow sa heaven talaga ako mapupunta haha). At syempre gusto ko at 90, ako ay nagba-BLOG pa rin! Lols.

Huwebes, Enero 2, 2014

Dirty Friend

Ika-02 ng Enero, 2014
Huwebes, 7:13 ng gabi

Binigyan ako ni dirty friend ng ganito…


Isang bote ng lalagyan ng gamot,
Ang nakasulat sa label ay…

DR. ARDIE PEREZ
FOR DEPRESSION, DIZZINESS
AND UGLINESS
“TAKE ONE CAPSULE A DAY!”
PATIENT: JEP BUENDIA

Hiyang-hiya naman ako
doktor na pala
ang kaibigan kong
mukhang konduktora
hahaha!
nagmumukha tuloy akong masama ngayon
pero ganun talaga ang magkakaibigan
naglalaitan! Lols
  
Sa loob nito ay makikita…


Mga capsules at isang sulat,
na nakatupi na parang isang damit
(na trademark na niya pag nagbibigay siya ng letter)

At buong akala ko ay ganun na lang yun,
matapos kong basahin ang sulat.
Akala ko talaga props lang yung mga capsules na yun.

Lumipas humigit-kumulang isang buwan,
mula nung ibigay niya yun sa akin.
Bigla kong naisip yung mga capsules sa loob,
bilang ako ay may sakit ngayon.

Naisip ko baka may pakulo sa loob ng bawat capsules
at heto ang nakita ko…


Sa bawat capsule pala ay may nakalakip na mensahe,
mga pampa-good vibes at pampalubag-loob ang nilalaman.
Susundin ko sana ang payo niya na 1 capsule a day,
pero ang totoo ay binuksan ko na lahat haha!

 Sa una kong nabuksan ang nakasulat-

“YABANG NI JEP IBANG LEVEL NA ANG PAGHO-HOST!
KEEP IT UP!”

At natawa na lang ako mag-isa,
kasi ayokong alalahanin yung mga program / activity sa school
na isa ako sa emcee / nag-host lol -
(Awarding of Certificate, Seniors’ Night, Graduation, Variety Show)
Yun yung isa sa mga bagay na di ko akalaing
Gagawin ko nung taong 2013!

Masaya ako na na-experience ko ang bagay na yun.
Pero ang di nila alam, sa tuwing maibibigay yun sa akin,
lagi kong tinatanung ang sarili ko-
“Bakit ako?”
“Wala na ba kayong ibang choice?”

Hahahaha.
But it was a nice experience!
(kahit medyo stressful at ka-pressure)
At ano naman kaya ang bago for 2014?

So, this is something that made my day.
Sana everyday okay! (yakult?)
And get well soon to myself.


P.S.
            Na-excite ako na ipaalam sa kanya na alam ko na na may mga kalakip na mensahe ang bawat capsule na binigay niya sa akin, kaya nagtext ako ng-

“Whahaha, now q lng nbuksan yung isang message s capsule,
Kala ko kasi props lng tlga yun, naisip ko kasi baka may message s loob,
Tapus meron nga, haha.
Anyway, ty.”

Then the dirty friend replied-

“ang tanga naman haha, bat ka ganyan?
Pinapatunayan mong bobo ka haha; akala ko pa naman matagal mo ng nbasa,
Baliw ka tlga..”

            So, ganyan ang makipagkaibigan sa amin, bawal ang bobo haha. Kung alam niyo lang kung anung sagot niya sa 9 x 7 at sa 20% of 150… magigimbal ka haha. Pasasalamatan mo si God na brainy ka pa rin lols.
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...