Ika-29 ng Nobyembre, 2014 Sabado, 8:23 ng gabi Isa sa pangarap kong gawin / trabaho ay ang maging isang researcher . Kahit nakadudugo sa pag-iisip ang research , hindi ko alam kung bakit trip ko pa rin ito. Parang ang saya lang kasi na marunong ka mag- research . Marami kang malalaman. Marami kang matututunan. Kaya nga, hinahangaan ko ang mga mahuhusay na researcher sa kanilang napiling field ; pati na rin yung mga nagtuturo ng paggawa ng isang matino at magaling na research . Sa tingin ko, bukod sa nakayayaman ito ng isip, nakapagpapalago rin ito ng pagtingin mo sa buhay at sa mundo (wow? lol) . Kaya sa mga mahuhusay sa research … turuan niyo naman ako! Hehehe . Mukhang malabo na ring mangyari yung pinapangarap ko na maging part ng isang research team na napapadpad kung saan-saang lugar para sa isinasagawa nilang pag-aaral… hay naku...