Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Enero, 2014

LIEBSTER AWARD 2014

Intro:             Salamat kay  Ma'am Yccos  para sa LIEBSTER AWARD!   Sana lang ako talaga yung Jep Buendia sa list mo haha, kasi baka may kapangalan ako, tapus ang labas eh 'assuming' pa pala ako lols . Narito ang aking mga sagot para sa mga nilikha mong tanong: 1. Bakit ka nga ulit nagboblog?             Hindi naman talaga ako matutuloy sa pagba- blog kung hindi nagkaroon ng computer at internet connection sa bahay. Dati kasi sa mga notebooks lang ako nagsusulat ng kung anu-anong naiisip ko. Eh para hindi naman masayang ang computer at internet , nag- try na rin akong gumawa ng animo’y online journal ko.             At bakit ba ako nagba-blog? Una, di naman lahat ng nasa isip mo ay maaari mong sabihin ng direkta sa mga kausap mo. Halimbawa, pag may naisip kang maikling tula, hindi mo naman ito iri- recite...

BALAKUBAK

BALAKUBAK Tulad mo’y isang balakubak, Na hindi ko mabakbak. Kaydikit sa anit, Di maialis sa isip. Balakubak ay panandalian, Ikaw nama’y walang hanggan. Maglaho man ang balakubak sa anit, Sa puso at isip ko’y di ka mawawaglit. x-o-x-o-x P.S .             Hindi ko alam kung bakit binabalakubak na naman ako. Di naman ako ganun ka- stress , normal lang ang stress level na nararamdaman ko (according to myself haha) . O baka naman dehydrated lang ako, lagi kasing kape at softdrinks ang iniinom ko. O baka sa shampoo naming Palmolive (haha kontra-promotion pa) o baka ‘uso’ lang ang ‘dandruff’ ngayon, so naki-uso na ako lols …     x-o-x-o-x Tanong:               Alin sa mga shampoo na ito ang mabisa laban sa ‘ balakubak ’?  (as recommended by my co-dandruff-victims) A. Head and Shoulders Smooth and Silky B. Head and Shoulders...

BOLPEN

BOLPEN Bawat taong nakasalamuha ko, ay kahalintulad ng isa sa mga bolpen ko. May MANIPIS at MAKAPAL, meron ding MURA at MAHAL. May kani-kaniyang KULAY at TATAK, Sariling tingkad at gayak. Malabo man o hindi ang TINTA, Lahat ay mag-iiwan pa rin ng MARKA. x-o-x-o-x #shorTULA #MyBallpensInMyBlackPencilCase #BakitPencilCaseAngTawagKungMayBallpenDinNaman

Laking CRAYOLA ka ba?

"Larawan sa mga lumang libro, binigyang kulay gamit ang mga Crayola ko. Ngunit pa’no kung pudpod na ang mga ito? Saan pa maaaring gamitin ang mga crayolang ito?"       Parte na ng pagiging estudyante ko ang pagkakaroon ng crayons . At ang isa sa mga popular na brand ng crayons hanggang ngayon ay ang Crayola . Kasama lagi ang Crayola 24 pack crayons sa listahan ng mga school supplies na binibili namin bago magpasukan (hanggang 24 pack crayons lang kasi magagalit yung nanay ko kapag lampas pa dun ang pinabili ko hehe). Yung paramihan pa kayo ng mga kaklase mo (nung elementary) ng mga crayons , na kapag mas marami, mas sosyal at mas astig ka sa klase! Lol . At hindi mo rin maiaalis ang mga ‘ parasitiko ’ mong kaklase na kung makahiram ng crayons akala mo ay ‘ hayok ’ sa pagkulay lalo na kapag Arts ang subject niyo. Na kapag ibinalik sa iyo ang mga crayons daig pa ang pambura ng bagong mongol pencil sa pagka- flat o kaya naman ay lasog-lasog na at ...

42 Students 6 Questions: Meet IV-St. Peter 13-14 :)

Apatnapu’t dalawa silang lahat, Sampung buwan ay di sapat. Pa’no ba sila lubos na kikilalanin? Di naman maaaring isa-isahin. Gamit ang isang palabunutan, Mga tanong ang nilalaman. Hiniling kong sagutan, Lagyan man nila o hindi ng pangalan…   WHAT (OR WHO) MAKES YOU SMILE? “Food.” – MJF “Volleyball talaga eh, ewan ko po basta parang yung feeling passion ko siguro. Nagpapangiti sa akin siguro sa tuwing inistalk si Pia Gaiser favorite player ko po kasi sya, magkamukha po kasi kami.” – JM “My family and friends always make me smile.” – MEPS “My friends, my family especially my dogs HAHAHA! syempre PETER din and kayo.” – L’IAGALLARDO “I guess it’s the people who smile at me. Goats make me smile, as weird as that sounds. Buffets make me smile even more. Cozy jackets in the rainy season. Animated movies. Percy Jackson. Art. AMMB. Books." – PLA “Oishi Plain Salted Potato Chips.” – THE CG “Everytime I see my friends / family / loved ones smiling...

Nakalalasing ba ang Rootbeer? :)

Ika-18 ng Enero, 2014 Sabado, 12:11 ng madaling araw 1. Masaya na ako kapag naisasalba ako ng musika at pagsusulat (pati na rin ng mga random quotes na nababasa ko) mula sa mga harsh realities ng buhay. Mahirap din kasing laging panatilihin ang sarili mo sa iisang mundo lang, minsan kailangan mong ikubli ang sarili sa isang lugar na ikaw ang maylikha nang sa gayon mabawi mo naman ang iyong lakas at mapanghawakan mong muli ang lahat ng katotohanang iyong tinanggap at mga prinsipyong dumadaloy na sa iyong katawan. 2. Napakahirap magdesisyon kapag napakadami mong iniisip. Minsan itutulog mo na lang o ilalamon ng marami haha (lamon talaga?) . 3. Mahirap ding panghawakan ang mga salita. Dahil naniniwala ang mga tao na ikaw at ang iyong mga sinasabi ay iisa. Hindi mo rin masisisi. Yun lang ang paraan para magtiwala. 4. May lungkot at kaba sa ngayon. Pero nakaka-excite pa rin at the same time , depende sa kung paano mo titignan ang sitwasyon. Wala namang mali. Meron lang ...

and Aubrey was her name...

            Natatandaan mo pa ba yung eksena sa klase na naka-upo ka lang habang ang professor / instructor ninyo ay walang tigil sa pagbibigay ng lecture? Yung kailangan mong magtiis ng isang oras o higit pa para mapakinggan siya, gayung pwede mo namang basahin ang lahat ng sinasabi niya sa hawak-hawak niyang libro hehe . Pero maaaliw ka na lang sa kung paano niya nakabisa ang bawat detalye ng pahina, walang mintis / walang impormasyong hindi mababanggit!             Kaya para maibsan ang hirap na ito ay kanya-kanya na lang kayo ng mga kaklase mo sa paggawa ng ‘teknik’ kung paanong magpapanggap na nakikinig lols . Yung pinipilit ko na lang na gumawa ng outline mula sa mabilis niyang pagsasalita kahit pa alam ko na magpapa- photocopy pa rin naman ako ng libro para makasagot sa kanyang quiz hehe . Para lang masabi ko na di ko naman binalewala ang kanyang effort na maibahagi ang kanyang kaalama...

Dirty Friend

Ika-02 ng Enero, 2014 Huwebes, 7:13 ng gabi Binigyan ako ni dirty friend ng ganito… Isang bote ng lalagyan ng gamot, Ang nakasulat sa label ay… DR. ARDIE PEREZ FOR DEPRESSION, DIZZINESS AND UGLINESS “TAKE ONE CAPSULE A DAY!” PATIENT: JEP BUENDIA Hiyang-hiya naman ako doktor na pala ang kaibigan kong mukhang konduktora hahaha! nagmumukha tuloy akong masama ngayon pero ganun talaga ang magkakaibigan naglalaitan! Lols     Sa loob nito ay makikita… Mga capsules at isang sulat , na nakatupi na parang isang damit (na trademark na niya pag nagbibigay siya ng letter) At buong akala ko ay ganun na lang yun, matapos kong basahin ang sulat. Akala ko talaga props lang yung mga capsules na yun. Lumipas humigit-kumulang isang buwan , mula nung ibigay niya yun sa akin. Bigla kong naisip yung mga capsules sa loob, bilang ako ay may sakit ngayon. Naisip ko b...