Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Disyembre, 2013

Last na 'to for this Year! :)

Ika-30 ng Disyembre, 2013 Lunes, 11:28 ng gabi             Meron na lang akong isang araw para pagbigyan ang pagiging ‘tulala creature’ ko sa mundo. Dahil pagsapit ng bagong taon, balik gawa na naman ng kung ‘anek-anek’ na preparation at paper works. Di ko na ulit mapagbibigyan ang sarili ko na tumunganga sa maghapon, kaharap ang netbook, di na rin ako makakatulog kahit na anong oras na gusto ko, makakalimutan ko na naman ang saya ng panunuod ng telebisyon hehe. Pero okay lang, sapat na sa akin ang panahong binigay ko sa sarili para maging ‘tulala creature’ di naman kasi maaaring maging ganun na lang.             Sabi nila, para magkaroon naman ng direksyon at purpose ang buhay mo, dapat alamin at gamitin mo ang mga ‘gifts’ na ipinagkaloob sa iyo, di para sa iyong sarili, kundi para sa iba. Ang mundo ay mas magiging mabuti kung lahat ay matututong wag maging makasaril...

My 'Krismas Istori'

Ika-25 ng Disyembre, 2013 Miyerkules, 12:03 ng madaling araw Ganito ang Pasko sa amin... 1. Hindi kami yung cheesy type na pamilya na pagsapit ng noche buena ay magpapalitan ng pagbati ng merry christmas, with beso-beso at bigayan ng gifts… No! No! No! haha. Pag ginawa mo yan sa aming pamilya, para kang matutunaw sa kakornihan, walang makiki-ride on sa’yo. Kung hindi man ganun ang mangyari, palilipasin na lang ang mga ganung tagpo haha. Mapapaisip ka na lang kung bakit sa ibang pamilya o sa pelikula ay okay naman ang mga ganung moments, pero pag sa amin parang ang awkward lol. 2. Dahil ang totoo, kahit pa may handa kami tuwing pasko, hindi naman talaga kami nagno-noche buena, naghahanda lang talaga eh kasi nga pasko… yung iba sa amin ay tulog na sa mga oras na ito, kinabukasan na lang kumakain ng sabay-sabay eh kasi naman almusal haha. 3. Ganun pa rin naman ang mga tagpo, solid pa rin sa kaingayan ang neighborhood namin, yung akala mo new year na kasi bidang-bida na ...

My Thoughts and Issues :)

            Hindi ko alam kung awkward bang masasabi kapag gumagala akong kasama ang nanay ko hehe . Eh kasi naman, mga ilang buwan ding hindi ko nakasama ang nanay ko sa galaan, hindi na rin kami masyadong nakakapagkwentuhan dahil lagi na lang akong nakaharap sa netbook , may ginagawa o gabi na kung umuwi.             Nasabi kong awkward kasi hindi pala magandang gumala kasama ang iyong nanay tuwing araw ng sabado. Yung eksenang nakasakay kami sa jeep at mga 55% ng pasahero ay mag-dyowa haha . Yung mari- realize mo na wala kang lovelife , na isa kang nga-ngang nilalang pagdating sa usaping relasyon o pag-ibig, na yung tanging pampalubag-loob mo na lang ay maaari nilang isipin na kaybuti mong anak dahil sa edad mong bente-kwatro ay kasama mo pa rin sa galaan ang nanay mo lols .             Gayunpaman, kahit nakakainggit sa puso ang mg...

PAPEMELROTI

1. Hindi naman siguro nakakahiya kung aaminin ko na… panatiko ako ng Papemelroti hehe. 2. Kapag may nagbibigay kasi sa akin ng kahit anong bagay na galing sa Papemelroti , napaka- thoughtful ng dating para sa akin. Nagustuhan ko yung ideya na gumagamit sila ng mga recycled materials . 3. Basta, hindi ko alam kung pa’no ko idi- describe yung feeling , parang napaka- warm ng mga items nila dun. 4. Napaka- creative ng pagkakagawa at inspiring pa yung iba, at syempre very affordable ! 5. First time kong bumili sa mismong store nila sa SM Manila , gusto ko nga sanang magpa- picture kasama nung mga items nila sa store , kaso baka ma- weird -duhan sa kababawan ko ang mga namimili dun hehe. Ito yung nakasulat sa isa sa mga notebook na nabili ko:             Xvxn though my typxwritxr is an old modxl, it works quitx wxll xxcxpt for onx kxy. Thxrx arx twxnty-ninx kxys that function wxll xnough. But just onx kxy ...