Lumaktaw sa pangunahing content

The Stranger

‘ESTRANGHERO’
-jepbuendia-


Dalawampu’t tatlong taon na kitang kasama,
ngunit di pa rin lubos na magkakilala.
Napakadalang nating mag-usap,
hindi nga rin magawang mayakap.

Alam kong sa trabaho, ikaw ay abala.
Kami rin naman kasi ang iyong inaalala.
Sa iyong pagsisikap, marami kaming natatanggap,
ngunit higit pa dun ang aking hanap.

Sa iba, di ko maiwasang mainggit.
Sila, na sa kanilang ama’y malapit.
Iniisip ko kung paano kaya madarama,
ang pagmamahal ng isang ama.

Araw-araw man tayong nagkikita,
di naman natin madama ang isa’t isa.
Maraming kwento ang lumipas na,
mga tagpong di man lang kita nakasama.

Ayokong isipin na ang ama ko
ay para bang isang estranghero.
Sana’y magkakilala pa tayo,
ako na anak mo, ikaw na ama ko.

x-0-x-0-x

P.S.
                Father’s Day, pero di ko man lang mabati ang aking ama. Hindi ko alam kung bakit di ako naging close sa kanya. Natatandaan ko pa noong nasa kolehiyo, may binasa kaming akda sa subject namin na World Literature na may pamagat na ‘The Stranger’, sa huli ay inatasan kami ng aming instructor na sumulat ng isang sanaysay patungkol sa kung sino ang itinuturing naming ‘stranger’ sa aming buhay… malungkot man pero ang aking ama ang una kong naisip, pangalawa ay ang sarili ko. Pakiramdam ko, mas naging buo sana ang aking pagkatao kung naramdaman ko rin ang pagmamahal ng aking ama.


                Marahil, sa kagustuhan niyang magkaroon ng maayos na buhay, kinuha na ng trabaho ang mga oras na dapat sana’y inilaan niya sa amin. Gayunpaman, alam kong di naman niya kami pinabayaan. Kung sino man at ano man ang narating ko ngayon, parte siya ng lahat ng mga bagay na yun…

Mga Komento

  1. Parang isinulat mo ang aking relasyon sa aking ama. Marami din akong malulungkot na kuwento pero bahagi pa din ang aking ama kung bakit ako umalis ng bansa at nagsikap. May pagkakatulad pala tayo.

    TumugonBurahin
  2. well ako din di din kame naging close ng father ko madalas nga magkaaway pa kame,
    pero ayun as of now mejo oks naman na kame, may times na nagagalit pa din ako pero i pinili ko na lang intindihin say siguro dahil lang ung sa kalagayan nya naun!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. di talaga natin mapipili ang ating mga ama :) kaya pahalagahan natin kung ano man sila :)

      Burahin
  3. Belated Happy Father's Day sa iyo sir. Lol :P

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...