Hiyang-Hiya Naman Ako Sa'yo

“Hiyang-hiya Naman Ako Sa’yo”
-jepbuendia-

                Hiyang-hiya naman sa atin ang sarili nating bansa. Dati halos ubusin na natin ang mga telenovelang di sakto sa bibig ang dialogue na mula sa madalas nating kalaban sa boxing- ang Mexico. Tapus ngayon, mula umaga, hapon at gabi, kulang na lang lahat ng time slot eh may Koreanovela… requirement na ba yun sa isang tv station?

                Ano na bang nangyari sa sarili nating identity? Wala na bang kakayahan ang mga NoyPi na gumawa ng orig?

                Sa pangalan pa lang eh nalalabnawan na ako sa ating pagka-Pilipino. Di naman sa nais kong manatili sa mga makalumang pangalan tulad ng Kurdapia, Procorpio o kaya tulad ng pangalan na Makisig at Mayumi. Ang pinupunto ko lang ay yung bakit OA kung makapag-react ang iba sa pangalan ng kanilang kapwa. Halimbawa, kung ikaw ay isang anak na napag-tripan ng magulang na gawing ‘Junior’ o isinunod ang pangalan mo sa mga butihin mong lolo o lola, malamang na tunog ‘makaluma’ ang pangalan mo, kaya ang iyong gagawin ay gagamit ka ng alyas o nickname na kay layo sa orihinal mong pangalan para lang makasunod ka sa iba na ‘kaybango-bango’ ng pangalan kasi tunog ‘amerikano’ o kaya ‘koreano’. May mali ba sa pangalang makaluma? Mabantot ba pakinggan? Eh bakit naman ang mga taga-Thailand? Halos di na nga mabasa ang kanilang mga pangalan eh at kakaiba pa ang tunog kapag binasa mo na, pero kita mo naman, kapag nakabasa ka ng pangalan na Nattapong Charayvarat o kaya Prathomkrit Sudrasa alam mo na agad na sila ay taga-Thailand. Ganun din ang mga maiikli at parang mga salitang nababanggit lang ng mga bulol o utal pero makahulugan na pangalan na pala yun para mga taga-China o Japan. Pero pag tunog Pilipino, ‘kay-baho-baho’? Ayaw mo? Takip-ilong? Hehe.

                Ganun din sa pagporma. Kapag mas sunod ka sa pormang pang-hollywood, ikaw na ang ‘sosyal’/ ‘glamorosa’/ ‘mayaman’/ tagapagmana lols. Yung mga uma-attend ng red carpet halimbawa sa isang awards night na pampelikula, laging basehan ang mga rumarampang ‘stars’ ng Hollywood. Kapag mas mukha kang mala-hollywood star, ikaw na ang bida! Sa isa pang banda, mayroon ding pormang ‘K-pop’ o kaya ‘J-pop’ at kitang-kita yan sa mga ‘hairstyles’. Kapag pang-korean ang hairstyle mo , ‘wow cool’ ang dating natin niyan hehe. Pero bakit walang ‘P-pop’? O meron na ba? O ginaya na lang din sa iba? Masabi lang na meron. Baka naman pag-isipan ako ng iba na, ‘eh di ikaw na ang gumaya sa buhok ni Rizal!’, naku wag mong mababanggit sa akin yan, dahil nung nasa elementary ako ‘Rizal style’ ang buhok ko haha. Marahil naghahanap lang ako ng sabihin na natin na ‘sariling pauso’ naman natin, hindi yung lagi na lang tayo ang sumusunod sa mga banyagang pauso. At parang nakakainis din kapag nakakakita ako ng all-male-group na akala ko ay mga Korean… yun pala copy-cat lang. ‘Nu ba yan…

                Kaya nga pati na rin sa pagpili ng pakikinggang musika, bentang-benta ang mga di naman naiintindihan na lyrics ng mga K-pop groups. Hindi naman ako against sa pagpunta nila dito at pagko-concert, yung tipong nilalangaw yung local music industry natin kasi mas pinipili nating makisigaw sa nagpeperform na grupo na di mo naman mawari ang sinasabi tapus sa dulo sasabihin mo na ang saya-saya mo dahil ang ga-gwapo nila, yun lang at wala nang iba. Wala naman akong sama ng loob dun lols. Ang sinasabi ko lang, suportahan din natin ang mga kababayan nating musikero. Kasi kapag sila ang pinapunta mo dun at kakanta ng OPM, tingin mo ba makikipagrakrakan din sila sa atin?... Poporma din ba sila tulad ng sa atin?... Wag sana tayong masyadong lamunin ng kanilang ‘trip’, wag kang mag-Gwiyomi ng todo, sige ka nagmumukha ka nang *toot* lols.

                Minsan tuloy kapag nakapapanuod ako ng isang napakagandang pelikulang Pilipino na may temang ‘love story/romance’ o kaya naman ay ‘horror movie’ di ko mapigilang maghanap ng mga nakalipas na korean, thai o american film, kasi baka ‘ginaya’ na naman ang konsepto dun haha. Alam mo yung gandang-ganda ka sa istorya tapus malalaman mo na kinuha lang pala ang konsepto sa isang banyagang pelikula, may binago lang ng kaunti para di halata haha. Parang yung mga remake ng mga ‘soap operas’ ngayon… bago pero dati pa talaga yun. Mabuti pa mga indie films- low budget, high quality. Kapag mainstream, ‘copy-paste concept = dami kita’ lols.

                At marami pang iba na hiyang-hiya na talaga si Inang Bayan ngayon! : )

                Nailahad ko ‘to hindi para insultuhin tayong mga Pilipino.
                Pilipino tayo eh, pero bakit para tayong mga Amerikano, Espanyol, Mexicano o Koreano?
                Tapus sasabihin ng iba, ‘eh kasi nga ang Philippines ay melting pot ng maraming kultura, lahi etc.’

                Pero kahit pa… di yun dapat mangahulugan ng pagkawala ng sarili nating pagkakilanlan.

Mga Komento

  1. Agreeng agree ako dito! Kaisa mo ako sa mga hinaing mong nabanggit! Hiyang hiya na nga marahil si Inang Bayan dahil kung ano anong banyagang kultura na ang ikinulapol sa kanya... Pinoy tayo! Magpaka pinoy!

    TumugonBurahin
  2. May kilala kabang Nattapong at Prathomkrit at napahanay sila bilang Thai names? Sang ayon ako sa copycat thing, nawawala na ang originality at creativity ng Pinoy. Business wise kasi, mas mabilis magbenta kung pamilyar na sa masa ang ibebenta, tulad ng kanta o sayaw o pelikula. Pag mag nagtatanong nga sa akin, how do you say hello in your language, ang sagot ko, hello! Kailangan ng pagbabago sa edukasyon at pananaw ng tao.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nakuha ko lang po yung mga pangalan na yan sa isang thai movie (3AM yung title).
      kailangan talaga nating suportahan ang mga orihinal na ideya at pagkamalikhain ng mga Pinoy.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento