Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2012

TENthings: Kamusta na Me?

1. Yung ginigising pa rin ako ng nanay ko para pumasok, kahit malaki na ako at kaya ko naman na gawin yun mag-isa :) 2. Yung makapag-kape sa umaga at makapag-almusal bago umalis ng bahay... 3. Yung may babati sayo paglabas ng bahay kahit di mo naman sila ka-close or kakilala :) na dala lang siguro ng uniform na suot ko :) 4. Yung nakakasalubong mo yung mga dati mong students habang papasok sa school na isisigaw pa yung pangalan mo sa daan, mapansin mo lang sila... 5. Yung maggu-good morning sayo ang lahat ng makakasalubong mo papunta sa faculty... 6. Yung makakita ng maraming smiles :) 7. Yung dumadampi sayo yung sikat ng araw sa umaga habang papunta ka sa room sa third floor... 8. Yung makipag-kwentuhan at makipag-tawanan kahit maraming gawain... 9. Ang foodtrip after class :) 10. At ang matulog ng mahimbing kahit pagod. ...sampu lang yan sa mga bagay that I appreciate sa araw-araw na buhay. ...yan yung di naiintindihan ng iba, kung bakit nandun pa rin ako. ....

Buhay, Misteryo at ang Paalala ni Mam Aning

Sa anong paraan mo ba gustong gamitin ang buhay mo? Nakakatuwang isipin na maaring maging makabuluhan ang buhay mo sa pamamagitan ng pagtulong sa iba. Hindi lang puro pagyaman o pagkamkam ng mga materyal na bagay. Lagi akong naniniwala na higit pa dun ang dahilan kung bakit tayo narito at nabubuhay. Hindi naman perpekto ang buhay ko... kahit ako ay di rin perpekto. Pero ang sarap maramdaman na sa kabila ng 'imperfections' mo ay nakapagbibigay ka pa rin ng tulong o inspirasyon para sa iba, yun lang eh parang napakasaya na. Yung tipong, di bale na kung 'wasted' ang buhay mo, at least baka sa ibang tao matupad ang mga hinahangad mo, baka 'oks' na rin yun :) At least yung mga sumunod sayong nabuhay ay di naging tulad mo :) Kaya sa tuwing iisipin ko kung ano ba ang pwede ko pang gawin sa buhay na 'to, minsan sumasagi rin sa isip ko kung ano pa ba ang pwede kong magawa sa buhay ng iba? Sa ganung paraan, naiiwasan ko ang maging makasarili o yung mag-foc...

Ngiti :)

I know how it feels to get out of the house na sobrang bigat ng nararamdaman, because you are so preoccupied by many things tulad ng problema. (taglish mode...) I've been through that point... many times in my life. Kaya nga nung medyo naka-move na ako, nangako ako sa sarili na di na mauulit yun, maaaring mangyari pa rin, but this time, I'll make it sure, na kahit ano pa man yan, I can handle all of it! Kaya whenever I walk out from the house, I always wear a 'smile' as if sobrang ganda ng magiging araw ko, kahit alam kong at the end of the day ay 'haggardness' pa rin ang ending... pero ganun talaga kaya 'smile' na lang. Lahat naman kasi ng tao ay may dinadalang problema... ika nga eh, kanya-kanyang paraan lang yan on how you carry your problems :) I believe na yung smile can be a source of inspiration, kaya di ko na yun pinagdadamot pa :) Akalain mo yun simpleng ngiti lang nakakapagpagaan na ng loob ng iba. Kaya ugaliin natin ang pag-n...

Anong Drama ng Bangs Mo?

Sumasakit ba talaga ang 'bangs'? Maraming bagay ang masakit sa bangs ( kung meron man ) gawin tulad ng mga sumusunod: 1. Pagko-compute ng grades. Kahit may excel na para mapabilis ang pag-compute ng grades, masakit pa rin ito sa bangs. Ang hirap atang mag-record at mag-encode ng mga numbers. Nakaka-high na puro numbers ang makikita mo; ang sakit sa brain at sa mata :) Tapus, kailangan mo pang i-analyze kung bakit bumaba o kung bakit may requirement na hindi napasa ang bata etc... ( hanggang ma-haggard ) 2. Pagbabasa ng mga Reaction Paper Best in reading talaga kapag nagpagawa ka ng ganyan sa mga students. Nakakabulag sa mata :) Ok naman yung iba kasi computerized, madaling basahin. Yung iba kaydaling lukutin dahil kayhirap basahin lol. *joke lang* Syempre 'pag di mabasa, no choice, babasahin mo pa rin... * hanggang maduling * Masarap namang basahin yung mga gawa nung bata eh... basta ba gawa talaga nila. Ang nakaka-insulto lang ay yung papasahan ka ng hindi ...

Be Fearless; Basta ako Channel 4!

" I am lead by my dreams, not by my problems "- isa lang yan sa mga linyang natatandaan ko sa mga blogs na nababasa ko. Sabi nga, we have to be fearless, dahil kung lagi tayong matatakot to explore this life, sayang naman ang buhay. tsk' Madalas, meron tayong tendency na i-anticipate ang mangyayari bukas base sa mga problemang dapat nating harapin... yung ganung tipo ng pag-iisip ay napaka-negative, nagdudulot lang ng pag-aalala at nakakapagod na madalas ay humahantong din sa wala. Sabi nga eh, lagi naman nariyan ang mga problema... kumbaga mga expected visitors na yan :) Kaya, totoo naman, na mas masarap isipin ang bukas dahil alam mong isang araw na naman ang madaragdag at lilipas para makalapit sa pagtupad ng mga hinahangad mo sa buhay :) Kaya relax lang... mag-chill at be cool... have faith, be fearless! x-o-x-o-x Ang weird pala kapag mga limang araw ka nang nasa loob lang ng bahay. Yung para bang nasanay ako na sa loob lang ng bahay umiikot ang mundo ko...

Ang Pag-aaral, ang Undas at ang Trick or Treat :)

“You cannot teach a man anything; you can only help him find it within himself." - Galileo Nung nag-aaral pa ko (high school at elem), naniwala ako na maaaring maituro ng isang guro ang lahat sa kanyang mga estudyante. Dati talaga akala ko ganun. Tapus, nung nasa college na ako, naisip ko na maaaring mas marami akong matutunan sa sarili kong paraan, pero hinayaan kong maging biktima pa rin ako ng luma at walang muwang kong kaisipan. Palaasa sa maituturo ng mga professor... na pinagsawaan ko rin pero hinayaan ko na lang na maging ganun, kasi sa isip ko "eh ganun din naman ang marami". Sa ngayon, na ako naman ang nagtuturo, nakikita ko pa rin ito sa mga mag-aaral. Tila lingid pa rin sa kanilang isip na mas marami at malawak ang kanilang matututunan kung bibigyan nila ito ng panahon para na rin sa kanilang sarili. Hangad ko na maisip nilang hindi perpekto ang mga guro nila sa kasalukuyan. Oo, maaaring marami ngang alam at kayang maibahagi ang isang guro, pe...