Lumaktaw sa pangunahing content

U-Tube :)

Hehe... Wala lang.
Heto na naman ang pampalipas oras. Ang panunuod ng youtube videos.


1. Una kong pinanuod yung performance ni Jessica Sanchez sa American Idol. Ang pangako ko talaga ay di na ako manunuod ng AI mula noong na-vote out agad si Thia Megia :) last season. Eh dahil may pinoy na naman na kasali, syempre todo support pa rin kahit sa panunuod lang :) Pero di na tulad nung nakaraan na inaabangan ko pa talaga sa tv ang AI... ngayon hinihintay ko na lang sa youtube ang performance ni Jessica. Galing nya dito:




2. At dahil kanta ni Whitney Houston ang kanyang inawit (tagalog talaga?) nag-try din akong panuorin ang ilang mga videos ni Whitney... Mukhang totoo nga ang sabi nila... naapektuhan ng husto ang singer sa mga nangyari at ginawa nya sa kanyang buhay... iba na kasi yung boses nya compared before. Halos di na nya makanta ng ganuon ding husay ang mga kantang napasikat nya. Siguro, dahil na rin ba ito sa aging? (maiba lang ng rason).


3. Tapus, nakita ko yung theme song video ng titanic. Syempre pinanuod ko na lang din. Naalala ko talaga na super sikat ang movie na ito. Yung tipong ipinagmamalaki mo pa nga sa ibang tao kung ilang beses mong paulit ulit na napanuod (ang mga malalanding eksena lol) ang pelikula. Nasa elementarya pa lang ako noon, kaya naman super uso din ang buhok na hati sa gitna dahil kay Jack lol. So, lahat ng mga filingero *new word* kong klasmeyt noon ay nagpaganun ng buhok... ala Jack (and Jill). Eto kung gusto ninyong maalala ang ilang eksena:


 ------------> syempre pahuhuli ba ako as one of the "filingeros".... well actually di talaga ako sa buhok ni Jack na hook... na curious talaga ako kung gaano kalamig ang tubig na ginamit sa eksena ng pelikula at sa tunay na buhay... kaya naman super buhos ako ng tubig noon kapag naliligo para lang madama ko na humahampas din sa kin ang tubig tulad nung sa titanic... to the extent na isinasaboy ko talaga yung tubig sa mukha ko, sa ilong, sa likod, sa dibdib sa ulo and everywhere!!! hahaha. Yung totoo, pangarap ko talagang maging extra sa pelikulang yon at maglulutang na animo'y dedbol na sa tubig :)


Yun lang hahaha.
Di ko alam na ang pagiging tulala ko sa mga youtube videos ay hahantong sa isang post.


*post script*
natuwa lang ako kanina habang umoorder kami ng pagkain sa "Foodtrip" (wow free ad to ah, sa obando, bulacan to). Ang eksena, oorder sana kami ng baked mac... pero dahil 3 orders na lang ang natitira, nakuha pa naming mag elimination round kung kanino mapupunta ang tatlong order lol *pompyang hands* ba yung tawag dun? hahaha new word na naman, basta yung ginagawa ng mga bata yung "maalis taya" :)


masarap at masaya ang kumain doon... (promotion?)

Mga Komento

  1. walang duda sa talent ni jessica. proud of her!

    TumugonBurahin
  2. hahahaha! Ikaw na talaga ang dakilang extra! Hopefully matupad ang pangarap mo... hahaha!

    And as for Whitney Houston, I think during the last years of her career nagkulang na siya sa rehearsals. The same happened to soprano diva Maria Callas.

    Anyway, yung lang. Just wanted to share something. hehehe...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha actually pangarap ko pa rin ang masingit man lang sa ilang eksena sa pelikula, kahit sa mga dakilang indie films lang lol :)

      Burahin
  3. salamat sa pag-GO kay Jessica :) pero lam mo bang marami na ang nauumay sa "pinoy pride"? hehe, minsan nga gusto ko na mkipatol sa mga ungas na gnagawang big deal ang "pinoy pride"... wala lang... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...