Drama ng Summer :)

Di pa man din tuluyang natatapos ang school year na ito, ang "summer vacation" na agad ang naiisip ko :) Sa dami ng deadlines na kailangan ma-meet ( grades, lesson plan, syllabus, report card, at mga forms), lumilipad na talaga ang isip ko for summer!!! Gusto kong magpahinga :) Let it be summer!!! :)


Pero ang totoo... madalas tuwing summer ay nasa bahay lang naman ako. Masarap atang mahiga maghapon at magbasa kuno ng isang magandang libro na tutulugan ko lang naman dahil sobrang init magbasa sa hapon :)


Masaya rin ang manuod ng tv buong maghapon. Yung tipong kahit nanunuyo na ang mata mo kakaharap sa tv ay ok lang kasi damang dama mo ang mga palabas hahaha. Lalo na yung mga inuulit at paulit ulit na pelikula :) Wagas!


Madalas lang talaga ako noon sa bahay. Kahit pa umuuwi sa probinsya sila mama ay di ako sumasama. Kahit pa saang isla sila magpunta mas pinipili ko talagang maiwan na lang. *loner?* Wala lang. Swak na ako sa mga moments na ganun. Saka ko na lang na-explore ang mundo ng  gala noong patapos na ang kolehiyo at ngayong nagtatrabaho na ako :)


At dahil ako lang talaga ang naiiwan sa bahay noon... syempre di pa ako marunong masyado magluto... kaya naging bestfriend ko talaga ang mga delata at si Lucky Me! hahahaha with egg :) Kaya di na sila magtataka na sa kanilang pagbabalik ay isa na akong malaking preservative!!




Nag-iba na talaga ang ikot ng mundo. Kung dati'y mas maraming oras ang inilalagi ko sa loob ng aming tahanan... ngayon mas maraming oras pa ang ginugugol ko sa labas... minsan nakakamiss din talaga ang mahiga ng matagal sa paborito kong kama na niluma na ng panahon kasabay ng aking pagtanda *pagtanda talaga?* makapag drama lang


Tulad ng hindi mo na ulit mararanasan ang paghawak mo sa kamay ng iyong ama para ikaw ay maalalayan sa paglakad. Sabi nga eh, malaki ka na, kaya mo na ang maglakad mag-isa. Na sa bawat paghakbang mo patungo sa mga ninanais mong makamtan, malalaman mo na lamang na huli na para ibalik ang lahat at tanging paglingon na lamang ang iyong magagawa.




Ilan lamang ito sa mga moments ng buhay na maihahambing sa pagsalo ng tubig... 

(Actually di ko alam kung bakit ko sya na-relate sa tubig... siguro kasi sa summer nagsimula ang kwento tapus nauwi na lang sa ganito LOL).


Basta. I want summer!!!

Mga Komento

  1. ah summer. wala lng haha!trabaho pa din kasi e.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung sabagay, mag teachers lang talga ang may 2months vacation :) pero nganga rin kami sa bakasyon dhil wala namang sahod sa private skul kapag walang pasok LOL :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento