Mga Pahina

Lunes, Marso 5, 2012

Isip Ko'y Litong Lito :)

           




I have been preoccupied by so many things these past few days.
Lutang. Super!


Sabi nga, "the more i think, the more confused i get".


Yung tipong kahit yung mga dapat gawin ay di ko talaga nagawa.
In other words, tulala all day long :)


Si Steve Jobs kasi. Sa tuwing pakikinggan ko yung speech nya noon sa Standford University, namamangha talaga ako sa mga nangyari sa buhay niya. Yung tipong kahit yung mga down moments sa buhay nya ay planado pa rin para sya ay magtagumpay. Scripted LOL :) Ang galing lang nung mga nangyari sa kanya. Ganun lang.

Heto ang mga moments ko ngayong araw:

1. Pumasok ako kanina sa school not certain of what I should do. Buti na lang kaunti lang ang klase ko kanina, dahil finals na ng fourth year :) Minsan talaga nagpapang abot ang mga emote ng buhay sa trabaho LOL Gayunpaman, (pambawing alibi), kahit wala masyado sa tamang pag-iisip :) naitawid ko naman ang araw na ito ng maayus. Wala talaga akong makuhang inspirasyon habang papunta ng school kanina... hanggang sa makita ko na lang ang mga makukulit at pasaway kong estudyante... kahit pa'no alam kong may halaga pa rin ang araw na ito dahil sa kanila... tapus bigla na lang bumalik ang sigla ko nung makita ko ang mga bata. *drama*



2. Sometimes, I wish to have new adventures in life :) Yung tipong araw araw ay iba naman *demanding* Parang di lang kasi ako sanay na gumawa ng mga paulit ulit na bagay... feeling ko lang nalilimitahan ang pag-grow ko bilang isang individual *wow* :) Sayang naman ang buhay kung paulit ulit lang... 


3. Tapus sana magkaroon din ng kaunting kalandian ang buhay ko hahaha :) Everybody is talking about their experiences of being in love... and here I am... I have nothing to share LOL :) Hindi naman nagkukulang sa pagmamahal ang aking pamilya... gusto ko lang din maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng soulmate :) *landi* LOL





Yun lang.
Baka maging nobela na tong post na ito.
Masaya lang na nakapag sulat uli.
Lam mo yung feeling na inuuto mo yung sarili mo
na okay ka na... nakapag blog kana eh :)

2 komento:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...