Best in checking papers and recording ang tema ng life ngayon :)
Nang tingnan ko ang class record ko kanina "i wonder" ang dami atang blanko sa isang section ko... Kaya naman todo hukay sa kagubatan ng locker if may mga papers pa bang nandoon... ayun success! nandun silang lahat! malinis at wala pang check LOL :)
So what i did is to check those papers as fast as i can from morning 'till dawn (habang nakapikit). At kada set na matatapos ko ay ibinabalik ko agad sa estudyante ang mga papel para kahit panu ay wala naman silang masabi :) (weh?)
Who cares if lumuwa na ang mga mata ko kanina kakaintindi sa mga sagot ng mga batang napakaganda ng sulat :) Di pa man din nakakapag-kolehiyo ay doktor na silang lahat! Parang mga reseta ng gamot ang sulat. Pero super panalo talaga yung mga gumagamit ng neon sign pens!!! yung orange!!! nakakabulag :) At wala mang photocopy machine sa loob ng classroom, uso pa rin ang "may i photocopy your answer using my own penmanship" LOL. Medyo (medyo lang ba?) tamad na ang mga bata ngayon, basta may maipasa, ok na. So "i wonder ulit" if maisasara ko ba ng maayus ang record ko bukas, oh baka nganga na naman ako kahihintay sa mga dapat magpasa... well, bahala sila :)
nakakarelate ako haha
TumugonBurahinPambihira naman yang mga estudyanteng yan. Wala man lang hiya talaga ha. Mahiya naman sila sa sarili nila.
TumugonBurahinAnyway, isa din ako sa mga "magagandang sumulat". Sobrang ganda ng sulat ko na minsan parang gustong imibitahin ng guro ko noon ang isang archeologist para i-decipher ang mga "symbols" daw na isinulat ko sa test paper ko. hahaha!
haha natuwa naman po ako sa iyong komento, feeling ko nakahanap ako ng kakampi mula sa paghihirap ko sa mga estudyante hehe... enwey that's life! enjoy pa rin naman ang pagtuturo kahit ganun... at saka mahaba naman ang pasensya ko sa mga best in penmanship lol :)
Burahin