Hehe... Wala lang. Heto na naman ang pampalipas oras. Ang panunuod ng youtube videos . 1. Una kong pinanuod yung performance ni Jessica Sanchez sa American Idol . Ang pangako ko talaga ay di na ako manunuod ng AI mula noong na-vote out agad si Thia Megia :) last season. Eh dahil may pinoy na naman na kasali, syempre todo support pa rin kahit sa panunuod lang :) Pero di na tulad nung nakaraan na inaabangan ko pa talaga sa tv ang AI... ngayon hinihintay ko na lang sa youtube ang performance ni Jessica. Galing nya dito: 2. At dahil kanta ni Whitney Houston ang kanyang inawit (tagalog talaga?) nag-try din akong panuorin ang ilang mga videos ni Whitney... Mukhang totoo nga ang sabi nila... naapektuhan ng husto ang singer sa mga nangyari at ginawa nya sa kanyang buhay... iba na kasi yung boses nya compared before. Halos di na nya makanta ng ganuon ding husay ang mga kantang napasikat nya. Siguro, dahil na rin ba ito sa aging? (maiba lang ng rason). 3. Tapus, nakita ko...