Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...

Ambakkk

11:51 PM 1/1/2025 Iniisip ko dati na dapat ay perfect kong masimulan ang unang araw ng bagong taon. At ang ginawa ko? Natulog, hahaha. The unbothered older me ay mas priority ang matulog maghapon, but hopefully I can change that. Yung mga tasks na naisip kong gawin nung Christmas break ay hindi ko naman talaga nagawa, pero at least naisip ko sila, hahaha. Dati I get anxious sa mga naisip kong gawin na hindi ko nagawa, pero ngayon, parang wala na akong pake . Kaya nga bakasyon eh. Marami pa akong dapat ayusin sa kwarto ko. Nag-sort pa lang ako ng konti, pero marami na akong naitapon. At feeling ko, marami pa rin akong itatapon pa. The old version of me na mahilig mag-keep ng mga bagay-bagay (na inaakala niyang memorable, mahalaga, at magagamit sa future) ay itinatapon na lang ng current version of me (na piling-pili na lang ang itinatabi). Ngayon, sa unang araw ng bagong taon, ay pinili kitang balikan blogosphere, since wala pa namang pumipili sa akin, hahaha. Pokemon ka bhie? Y...

...stranger na pala ako sa aking sarili.

 March 2, 2024 (4:32 PM) After a number of years mula noong nagsimula ang pandemya, kahapon lang ako nakapaglinis ng kwarto. Yes. Kahapon lang. Most people would not know or understand kung bakit o paano ako napunta sa ganitong sitwasyon dahil kahit ako hindi ko rin mawari. Ngayon ko na lang ulit na-appreciate ang kwarto ko kasi imagine yung higaan ko ay punong-puno ng samu’t saring hindi nailigpit na gamit at mga damit. Halos 35-40% na lang ng higaan ko ang nagagamit para sa pagtulog na hindi ganuon kakomportable dahil sa height ko eh halos nasisipa ko na lang o katabi ko na ngang literal ang mga gamit ko sa kama. Sa natatandaan ko, noong kasagsagan ng pandemya, nakapaglilinis at nakapag-aayos naman ako ng kwarto, hanggang sa inabutan ko na ang sarili sa ganung sitwasyon. Nagkalat ang mga gamit, mga bag at papel sa sahig, yung literal na hindi na ako makapaglakad sa maliit kong kwarto, pahakbang-hakbang na lang sa dami ng nakakalat sa paligid. At sa maraming beses na sinabi at tin...