Lumaktaw sa pangunahing content

“What makes a good life?”


                “What makes a good life?”

                Ayon kay Robert Waldinger, ang ika-apat na director ng 75-year old study tungkol sa adult development, hindi lamang wealth, fame o achievement ang nagbibigay sa atin ng kaligayahan o satisfaction sa buhay; bukod dito, ang pinakamahalaga nilang natuklasan mula sa kanilang pag-aaral ay ang pagkakaroon ng “good relationships” sa pamilya, mga kaibigan at komunidad. Dagdag pa niya, ang mga taong malapit sa kanilang pamilya o mga kaibigan ay higit na masaya kaysa sa mga taong less socially connected; at hindi rin sa dami kundi sa “quality” ng relationships ang nakatutulong sa atin upang mapanatiling malusog ang ating pangangatawan at kaisipan. Sabi nga niya, sa pagtatapos ng kanyang talk – The good life is built on good relationships.

                Matapos kong mapanuod ang talk ni Robert Waldinger (noon pang buwan ng Enero), naisipan kong magtanong sa mga kaibigan ko sa fb (at random) kung ano ang tatlong bagay na pinakamahalaga  sa kanila sa taong ito 2017 (dahil nga kaka-new year pa lang noon). Na-curious lang ako sa kanilang isasagot, kung mangingibabaw din ba ang “relationships”, kahit pa parang hindi naman parallel yung tanong ko sa napanuod kong talk ni Robert Waldinger; pero di ba kung ano ang mahalaga sayo ay yun din ang kaligayahan mo sa buhay? Hindi ko alam kung konek lol, pero narito ang kanilang sagot:

                *At dahil nga napaka-random ng ginawa ko noon, di ko na naipagpaalam sa kanila na gagamitin ko ang kanilang  sagot sa blogpost na ito, kaya itago na lang natin sila sa mga codenames.

  •          Why so serious – health, money, cellphone.
  •          Naruto librarian – family, work, health.
  •          Travel buddy – people, travel, savings.
  •          Donya – relationship sa kapwa, time management, paglago ng pagkatao.
  •          The artist – career, family, love.
  •          DSWD – panahon, pera, relationships.
  •          Labanos – family, health, safety.
  •          Highschool friend – family, friends, work / career.
  •          Idol many license – health, relationship, wealth.
  •          From the Middle East – Diyos, pamilya, kalusugan.
  •          The very energetic & spontaneous – pamilya, pera, edukasyon.
  •          English man – gym equipment, new mcbook laptop, family.
  •          The German – family, lovelife, studies.
  •          Juris – family, career and investments, pay it forward acts.
  •          Airport – baby xia and husband, mama at papa, work.
  •          Novita & doraemon –health, family, career.
  •          K-pop fanatic – health, family, career.
  •          Metaphor – kalusugan, pamilya, kaibigan.
  •          Third world traveller – family, health, love for country.


Kung susumahin, sa 18 out of 19 makikita ang mga sagot na may kinalaman sa “relationships”. Kaya sa munting pa-survey na ito makikita na marahil ang sagot nga sa “What makes a good life?” ay ang pagkakaroon ng malapit na koneksyon sa ating pamilya, mga kaibigan at komunidad.

Kaya maraming salamat sa 19 na taong sumagot sa napaka-random at unexpected na tanong ko sa kanila noong araw na iyon! Yey!


x-o-x-o-x


P.S.

January, 2017

1. Dapat pala ay inayos ko ang tanong; hindi dapat ganuon ka-impulsive. Kaya siguro hindi sumagot ang iba dahil napaka-spontaneous nito (walang objective o paliwanag kung para saan ang tanong na iyon, kaya salamat talaga sa mga sumagot hahaha, sa tingin ko naman nakakuha ako ng napaka-raw answers dahil sa biglaan na paraan).

2. Nakakatuwa kasi bigla akong nagkaroon ng koneksyon sa mga taong matagal ko na rin hindi nakakasama o nakakausap. Yung kahit paano ay naka-chat ko sila sa fb kahit saglit lang.

3. Naging interesting ito para sa akin. Ang sarap sa feeling na magpa-survey nang walang kinalaman sa research sa school o pag-aaral; yung wala kang inaalalang pagpasa o deadline!



Mga Komento

  1. bonggels! bat di ko to nabasang tanong sa fb?!

    Pero, totoo naman talaga :D
    Masaya ang research diba :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. cher Kat, isa ka sa mga sumagot dyan :)
      hanapin mo na lang kung alin, binago ko kasi yung pangalan eh :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...