(1) Minsan, iniisip ko “paano kung sa ibang field naman ako magtrabaho?” Pakiramdam ko kasi, para bang masyado na akong pamilyar sa school environment. Maaaring totoo na para sa lahat ng nakaranas maging estudyante (ang mag-aral, ang maggugol ng maraming oras sa eskwelahan, lalo na ang makapagtapos) isa ang eskwelahan sa di malilimutang lugar. Iniisip ko lang, ano kayang “significant difference” ang meron kung sakaling mag-iba ako ng trabaho? Para akong thesis na naghahanap ng significant difference… (2) Bakit ba para matuto ay kino-contain natin ang mga sarili sa loob ng classroom? Parang kakaiba na tuloy ang tingin ko sa eskwelahan. Para na nga siguro itong selda? Ewan. Posible kaya yung matuto ka talaga through experience ? Yung literal na nasa labas naman ng classroom. Sa tingin ko, kung ganuon ang sistema ng edukasyon, hindi na natin kailangan pa ng grades, ng desisyon kung pass o fail; kasi binigyan ka na ng pagkakataon na matuto sa labas, kaya kung ano man ang natut...