Mga Pahina

Linggo, Abril 24, 2016

Clang at Sa :)


Sandaling pagtambay sa registrar - Sa, Clang at Ako.

                May mga kaibigan na nagsasabi – “dahil d’yan nakilala kita.” At kung wala kang nagawa nung mga panahon na tinutukoy n’ya, ang ending ay di na kayo friends hahaha. Yan ang buhay lols.

                Gusto ko naman sanang sabihin – “kahit naman ako may mga hard times din, but I never blame you for not helping me” naks hahaha.

                Paglilinaw –  wala akong hugot sa mga naunang salaysay. Hindi ko lang ma-gets yung ganung drama. At oo, isa itong mahabang debate at diskusyon. (Debate? Hahaha). Kaya move on.

                I have friends.

                And I’m happy for having them. Come again lols.

                Ang ibig ko lang sabihin, kahit may mga kaibigan ako, merong iba sa kanila na close… closer… at closest sa akin hahaha. And I believe, it’s a matter of time and chances (dapat kasi marami) para makilala nyo ang isa’t isa… para yung dating close lang ay closer na, ganun.

                Tulad halimbawa nila Eldie at Neri (na lagi kong kasabay umuwi tuwing sabado). Naging kaklase ko sila for 4 years noong college, pero kakaunti lang yung chances na nakasama ko sila noon, friends naman kami but not-so-close… dahil may sari-sarili rin kaming ka-clique dati. Mas nakilala ko na lang sila nung naging klasmeyt ulit kami tuwing sabado.

                Sa kabilang banda, Sa (for Sarah, pero tawag ko kasi sa kanya ay Sa) at si Clang ay parang kaparehas ng sitwasyon namin nila Eldie at Neri dati. Halos apat na taon ko na rin silang kasama, pero masasabi ko na close ko si Sa at closer sa akin si Clang (kasi magka-buk lovers club kami hahaha).

                Bago matapos ang school year na ito, mas nakakilala ko pa ng lubos sila Sa at Clang. Dahil sa mga paper works sa school (yung mga tulungan portion), at malaking bahagi siguro yung 3-day survival camp na nakasama ko sila, at pati na rin yung mga huling moments na magkakasama kami bago ang kanya-kanyang lakad / gala sa buhay.

                Na-realize ko lang today na ok lang naman talaga kung marami kang kaibigan. At maa-appreciate mo ang bawat isa sa kanila kung magkakaroon ka ng chance na makasama ang bawat 2 o tatlo sa kanila sa isang small group bonding.

                Ang alam ko kahapon (April 23) ay World Book Day, pero bakit ngayon pakiramdam ko ay parang Friendship Day?!... Lol.


***Ang larawan ay mula sa fb ni Sa.




Miyerkules, Abril 20, 2016

Tala-A-Larawan: biglaan with Cherie :)


Cherie, Ako, Neri at Eldie.

Ika-19 ng Marso, 2016 (Sabado)

                Huling pasok para sa araw ng sabado.

                Ang pagkawala ng bag nya sa South Supermarket noong college pa kami. (Dahil, according sa kanya, ay may tinitignan daw silang pogi nung araw na yun hahaha, ayan nawala tuloy ang focus sa bag.)

                Ang pagka-miss sa mga kaklase at kulitan sa klasrum, pati na kanilang foodtrip.

                Ang bago nyang adventures sa pamumundok / pag-akyat ng bundok.

                Ang sinimulan nyang blog para sa hobby nya na yun, na giit ko sana ay ituloy nya.

                Ang bago nyang hinahangaan sa school, new friends at mga nakakatuwang experience nya sa pagtuturo.

                Tawa, kain… more tawa… kain… and many kwento.

                Yan ang lahat ng napag-usapan namin nang makasalubong namin si ‘Cherie’ nang biglaan. Kung gaano kami ka-haggard sa pag-uwi dahil sa LRT, kabaligtaran naman ang energy ni Cherie, ganun pa rin sya – masayahin at very cheerful (parang same lang yun ah lols).

                And that has made the last day of school memorable because of Cherie!
                (It’s so hard to English nowadays hahaha).


 ***Ang larawan ay mula sa FB ni Cherie.


Sabado, Abril 2, 2016

dagli 07: np - high hopes (kodaline)


1. Nakaka-LSS ang mga kanta ng Kodaline. Kung may sarili akong kotse at marunong akong mag-drive, ang mga kanta nila ang magiging background music ko. Kotse? Mag-drive? Wish ko lang. Ayoko nga nun eh.

2. Bakasyon na raw.

3. Napakadaming nangyari (na paper at school works) nitong nakalipas na buwan ng Marso. Ang saya! Hahaha. Di ko nga alam if paano ako naka-survive. Ngayon lang ako na stress kung kailan tapus na. Late reaction.

4. Pa’no ba naman, ang mali ng timing ng ubo, sipon at lagnat nung mga nakaraang linggo.

5. Di ko rin alam kung paano ko nagawang mag-camping sa loob ng 3 araw na may ubo, sipon at lagnat. Nagbabad sa ilog, buong araw na activities. Pero masaya kasi, kaya siguro ako naka-survive.

6. Di ko pa rin nasisimulan yung tinatarget kong basahin na libro, di ko pa rin naayos yung mga papel at anek anek na basura sa kwarto ko. Ang sipag ko talaga.

7. Ngayon… nakikinig pa rin ako sa Kodaline.

8. Bukas? Pa’no ba ako magpi-print… sira ang printer. Mas tinatamad tuloy akong gumawa. Ayoko ma-badtrip sa printer. Nakaka-stress hahaha.

9. Panay sunog ngayon sa mga eskwelahan. Bakit kaya?

10. Ubo na lang ang meron sa akin ngayon. Sarap.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...