Sandaling pagtambay sa registrar - Sa, Clang at Ako. |
May mga kaibigan na nagsasabi – “dahil d’yan nakilala
kita.” At kung wala kang nagawa nung mga panahon na tinutukoy n’ya, ang ending
ay di na kayo friends hahaha. Yan ang buhay lols.
Gusto ko naman sanang sabihin – “kahit naman ako may
mga hard times din, but I never blame you for not helping me” naks hahaha.
Paglilinaw – wala
akong hugot sa mga naunang salaysay. Hindi ko lang ma-gets yung ganung drama.
At oo, isa itong mahabang debate at diskusyon. (Debate? Hahaha). Kaya move on.
I have friends.
And I’m happy for having them. Come again lols.
Ang ibig ko lang sabihin, kahit may mga kaibigan ako,
merong iba sa kanila na close… closer… at closest sa akin hahaha. And I
believe, it’s a matter of time and chances (dapat kasi marami) para makilala
nyo ang isa’t isa… para yung dating close lang ay closer na, ganun.
Tulad halimbawa nila Eldie at Neri (na lagi kong
kasabay umuwi tuwing sabado). Naging kaklase ko sila for 4 years noong college,
pero kakaunti lang yung chances na nakasama ko sila noon, friends naman kami
but not-so-close… dahil may sari-sarili rin kaming ka-clique dati. Mas nakilala
ko na lang sila nung naging klasmeyt ulit kami tuwing sabado.
Sa kabilang banda, Sa (for Sarah, pero tawag ko kasi
sa kanya ay Sa) at si Clang ay parang kaparehas ng sitwasyon namin nila Eldie
at Neri dati. Halos apat na taon ko na rin silang kasama, pero masasabi ko na
close ko si Sa at closer sa akin si Clang (kasi magka-buk lovers club kami
hahaha).
Bago matapos ang school year na ito, mas nakakilala
ko pa ng lubos sila Sa at Clang. Dahil sa mga paper works sa school (yung mga
tulungan portion), at malaking bahagi siguro yung 3-day survival camp na
nakasama ko sila, at pati na rin yung mga huling moments na magkakasama kami
bago ang kanya-kanyang lakad / gala sa buhay.
Na-realize ko lang today na ok lang naman talaga kung
marami kang kaibigan. At maa-appreciate mo ang bawat isa sa kanila kung
magkakaroon ka ng chance na makasama ang bawat 2 o tatlo sa kanila sa isang
small group bonding.
Ang alam ko kahapon (April 23) ay World Book Day,
pero bakit ngayon pakiramdam ko ay parang Friendship Day?!... Lol.
***Ang larawan ay mula
sa fb ni Sa.
Dami mong friends, that is good. I miss all the friends I made when I was in the university and even when I studied in other schools. Nasaan na kaya sila? Suwerte ng mga friends mo, may post ka about them, meaning, you value their friendship. Have a great week!
TumugonBurahinKonti lang din. Malay mo busy lang kayo, masipag ka, kaya for sure masisipag din yung mga friends mo, kaya ayan medyo walang time, pero soon, magkikita kita rin kayo :)
BurahinOo, gumawa ako ng post about them na hindi rin nila alam hahaha. Have a great week too! :)
ako weird na ang perception ko about friendship. choosy kasi ako. konti na lang friends ko pero i make sure na true na sila.
TumugonBurahini think it comes with age. pag mas tumatanda, mas nakikilala mo maiiwan sayong trulaloo.
agree ako sayo :) hindi talaga paramihan, patotohanan :)
BurahinWell hindi lang naman ikaw ang tao na nagkaroon ang degree of friends. Ako nga nung college 4 ang barkada na sinasamahan ko. Hindi 4 na tao ha kundi 4 na group. Parang ang gulo ko magexplain
TumugonBurahinIkaw na maraming groupings :) Congrats pala Rix!
BurahinNyahaha Tenchu
BurahinAko naman natutunan ko na pede ko i-categorize ang mga kaibigan na dumadating sa buhay mo. As it is, feeling ko walang universal definition ang friendship. Meron kang friends na nandyan kapag down ka. Meron naman na tuwing happy days lang. D man sila dumating sa panahon na kailangan mo sila, you still consider them as friends. Meron ka ding friends na d talaga match ang interest at trip mo sa buhay, but then again you care for them and friends pa rin sila.
TumugonBurahinPero one thing I learned, may nawawala at dumadating over time. May mga eventually..... you burn bridges with them. Yun ang pinakamasaklap. Pero ganumpaman, what I learned eh cherish the good memories and yung bad ones naman.. kalimutan na lang no bitterness :)
Very well said candidate no. 4! Hehehe.
BurahinMay natutunan ako sa reflection mo na iyan :)
Thanks for sharing :)