Tala-A-Larawan: biglaan with Cherie :)


Cherie, Ako, Neri at Eldie.

Ika-19 ng Marso, 2016 (Sabado)

                Huling pasok para sa araw ng sabado.

                Ang pagkawala ng bag nya sa South Supermarket noong college pa kami. (Dahil, according sa kanya, ay may tinitignan daw silang pogi nung araw na yun hahaha, ayan nawala tuloy ang focus sa bag.)

                Ang pagka-miss sa mga kaklase at kulitan sa klasrum, pati na kanilang foodtrip.

                Ang bago nyang adventures sa pamumundok / pag-akyat ng bundok.

                Ang sinimulan nyang blog para sa hobby nya na yun, na giit ko sana ay ituloy nya.

                Ang bago nyang hinahangaan sa school, new friends at mga nakakatuwang experience nya sa pagtuturo.

                Tawa, kain… more tawa… kain… and many kwento.

                Yan ang lahat ng napag-usapan namin nang makasalubong namin si ‘Cherie’ nang biglaan. Kung gaano kami ka-haggard sa pag-uwi dahil sa LRT, kabaligtaran naman ang energy ni Cherie, ganun pa rin sya – masayahin at very cheerful (parang same lang yun ah lols).

                And that has made the last day of school memorable because of Cherie!
                (It’s so hard to English nowadays hahaha).


 ***Ang larawan ay mula sa FB ni Cherie.


Mga Komento

  1. Mag kaiba yung masayahin at very cheerful kasi yung masayahin ano.... tapos yung very cheerful kwan.... basta yun na yun ahahaha

    TumugonBurahin
  2. I admire people like Cherie, and to have her around during haggard days, that would be penultimate.

    So it means vacation time from studying? When does the school year starts? Still in June?

    TumugonBurahin
  3. Nakakatuwa yang ganyang moments.. Kung pwede lang na laging ganyan..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. yup, very exciting and surprising (lahat ng may -ing) :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento