1. Nakaka-LSS ang mga kanta ng Kodaline. Kung may
sarili akong kotse at marunong akong mag-drive, ang mga kanta nila ang magiging
background music ko. Kotse? Mag-drive? Wish ko lang. Ayoko nga nun eh.
2. Bakasyon na raw.
3. Napakadaming nangyari (na paper at school
works) nitong nakalipas na buwan ng Marso. Ang saya! Hahaha. Di ko nga alam if
paano ako naka-survive. Ngayon lang ako na stress kung kailan tapus na. Late
reaction.
4. Pa’no ba naman, ang mali ng timing ng ubo,
sipon at lagnat nung mga nakaraang linggo.
5. Di ko rin alam kung paano ko nagawang
mag-camping sa loob ng 3 araw na may ubo, sipon at lagnat. Nagbabad sa ilog,
buong araw na activities. Pero masaya kasi, kaya siguro ako naka-survive.
6. Di ko pa rin nasisimulan yung tinatarget kong
basahin na libro, di ko pa rin naayos yung mga papel at anek anek na basura sa
kwarto ko. Ang sipag ko talaga.
7. Ngayon… nakikinig pa rin ako sa Kodaline.
8. Bukas? Pa’no ba ako magpi-print… sira ang
printer. Mas tinatamad tuloy akong gumawa. Ayoko ma-badtrip sa printer.
Nakaka-stress hahaha.
9. Panay sunog ngayon sa mga eskwelahan. Bakit
kaya?
10. Ubo na lang ang meron sa akin ngayon. Sarap.
Mabuti naman at kahit may sakit ka eh nagawa mo pa ring mamasyal, stress free for a long school year, so welcome summer break! Random na random pero may mga tanong ako. Bakit kailangang mag print eh bakasyon na nga? Anong ibig sabihin ng sunog sa mga eskuwelahan, as in kilay? Bakit ayaw mo ng kotse? At ang huling katanungan, masarap ba ang ubo? Ha,ha,ha!
TumugonBurahinKailangan mag-print para sa mga end of the school year portfolio, forms etc.
BurahinNasunog ang faculty ng UP pati na rin ang UE Manila.
Di naman sa ayaw ko ng kotse, ayoko lang magdrive, gusto ko nakasakay lang ako hahaha.
Yummy ng ubo, panlaman tiyan lols!
Dapat siguro ang background music mo ngayon ay I Will Survive ni Gloria Gaynor. Hahaha! Ako din may LSS ngayon. Yung kay Rod Stewart na First Cut is The Deepest. Minsan pinapatugtog ko yung version niya, minsan naman yung kay Sheryl Crow. Anyways, hindi ka oa ba nagbabakasyon?
TumugonBurahinBakasyon na raw Mr. Tripster... pero di ko pa masyadong feel. Kasi from time to time may mga school-related task pa rin, so wala talagang complete detachment from my beloved work hehehe :) Salamat na lang sa mga pasulpot-sulpot na gala at outing (kung meron lols).
BurahinTama. High hopes. Ngayon ka pa ba magpapa-stress kung kelan bakasyon na? :)
TumugonBurahinSyempre, hindi na lang magpapa-stress para mas humaba ang buhay :)
BurahinNo. 6. Hindi ka nag-iisa. Nataon lang na natapos na akong maglinis dahil di na ako dinadalaw ng antok dahil sa mga alikabok.hehe
TumugonBurahinHmmm, may space pa naman para sa more alikabok sa kwarto ko eh, so hindi pa talaga oras para mag-general cleaning hahaha :)
Burahininfair, favorite ko ang kodaline.
TumugonBurahinat true sa sunugan ng eskwelahan. nalungkot ako para sa mga thesis sa faculty ng UP. wala lang.
try mo mag overdose ng vit C para hindi ka na magkasakit.
sa UP ka nyabachoi? naks :)
BurahinBigo ako na makamit ang bakasyon ngayong taon. Mukang wala talaga akong summer vacation. Buti ka pa.
TumugonBurahinWala rin talagang bakasyon Rix... anyway, let us all be happy na lang :)
Burahin