Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hulyo, 2016

topaz 04: mahiwagang notebook

                Noong martes, nabanggit sa akin ni Storm (presidente ng klase) na may gustong lumipat sa aming section. Ang sabi ko, kung sino man sya wag na hahaha. Pinayuhan ko na, bago mangyari iyon ay kelangan muna kausapin ng student na yun ang kanyang adviser, year-level chairman at ang beis-officer. Ipinaliwanag ko na hindi basta-basta ang paglipat ng section, lalo na kung ang rason lang ay para makasama yung gusto nyang maging kaklase (hindi mapapayagan kung hindi naman mabigat ang dahlian ang ibig kong sabihin). Sa personal kong preference, ayoko na may madagdag pa sa section na hawak ko dahil nag-aayus na ako ng listahan at mga school forms dahil gusto ko sana ma-finalized na ang lahat, pero kung aapruban naman ng nasa ‘higher-itaas’ anu naman ang magagawa ko (at saka kung makabubuti naman sa bata, why not). Ehem.              ...

topaz 03: anecdotal record

                Dapat sana ay homeroom ang schedule ko sa Topaz kanina, pero dahil wala naman akong naitakdang gawain para sa homeroom, nag-proceed na lang muna ako sa quiz namin (tutal sabi ko naman sa kanila ay ngayong lunes iyon; saka yun naman talaga ang inihanda ko para sa unang araw ng week na ito. (At bakit ako nag-eexplain hahaha).                 “Kala ko ba homeroom?” pahagip-hangin ni Robles.                 “Gusto mo ba mag-homeroom?” ang balik ko sa kanyang tanong.                 Pailing-iling si Robles, sabay sabi ng “Hindi po sir.”                 Mabuti na lang at hindi na sumagot pa si ...

dagli 13: pango

                Kahapon ay naliwanagan na ako sa kung sino ang tinutukoy ni Clang na naospital sa NKTI (yan, ayon kay Clang, ang pangalan ng ospital). Nang tanungin ko siya kung sino, ang naging sagot niya ay si “pango”; napaisip ako, isa lang naman ang maaari naming asarin na “pango” sa grupo lol. Ang ipinagtataka ko lang, kung sya nga iyon, bakit hindi nag-organize ng pagkikita at pagdalaw ang grupo? (tulad nang nakagawian)… naisip ko na lang ulit, baka kasi busy. Mabuti na lang at nagkahuntahan kami nila Clang atbp sa faculty bago kami umuwi. Iba pa lang “pango” ang tinutukoy nya. 2016.07.02

topaz 02: concept map

                Mabuti pa ang Topaz ko, matinong gumawa kanina ng kanilang activity. Masasabi kong effective na pang-summary o pang-generalize ang paggawa ng sarili nilang concept map. Malaking bagay na yung makita kong nakagagawa sila ng maayos na concept map; ibig sabihin kaya rin nilang ma-organize ang kanilang mga natutunan. Kaya kanina, sa klasrum, nakapagbasa pa ako ng report ko, habang pamasid-masid sa kanila. Nakukuha naman sila sa tingin, kahit pa si Miguel na hindi mapirmi sa upuan.                 Kabaligtaran naman sa… * (hindi na lang ibabahagi; mapanirang-puri lols) 2016.07.01