Lumaktaw sa pangunahing content

nito lang new year's eve...


(1)          Oo. Dapat lang naman talaga akong magpasalamat sa lahat ng biyayang natanggap ko sa taong ito. Kung maaaring tumbasan ng maraming THANK YOU yung mga panahon na napaka INSENSITIVE ko, gagawin ko… THANK YOU! THANK YOU! THANK YOU! Yan, tatlo hahaha.

(2)          Limang taon na pala akong nagba-blog. Pero feeling ko wala pa ring MAJOR-MAJOR event akong na-feature dito… puro KWENTO, DAMDAMIN, SALOOBIN. Tapus, kwento ulit, maraming damdamin, at nilalabas na saloobin. Ganyan lang ang peg ng blog na ito, walang MAJOR… puro minor.

(3)          New Year’s Eve again. At kaharap ko na naman ang netbuk ko. Hindi ko alam kung manunuod na naman ba ako ng isang documentary mga isa o dalawang oras bago magpalit ng taon. Ganun lang naman talaga ang ginagawa ko. Tapus, aakyat sa may veranda, manunuod ng mga paputok, at syempre magpapausok.

(4)          Bakit nga ba sa isip ko ay 2017 na? Laging advance ng isang taon ang isip ko kapag new year. Shocks 27 na ako sa next birthday ko. Bumibilog na ang mukha ko, nalalagas na ang buhok ako, anu signs of aging na ba ito? NO! NO! NO! Arte hahaha.

(5)          I’m still hoping. Hoping for all things to fall into right places.



           2015.12.31 (6:45 PM)


Mga Komento

  1. ahaha mukang mas dapat ako kabahan kung age ang pinaguusapan lolz

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa pagka-energetic mong yan Rix, bagets na bagets pa rin :)

      Burahin
  2. ayan na naman tayo sa lagas ng buhok eh. charoz.
    happy new year jep! like major major!

    TumugonBurahin
  3. Ang aga namang malagas, guni guni mo lang yun, ha,ha,ha. More power and years in blogging!

    TumugonBurahin
  4. Happy New Year Jep :) I dont wanna grow old though and yes hopefully things will turn out great this year :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. let's be hopeful and full of hope :)
      ayan sobra-sobra na yan hehehe

      Burahin
  5. Okey lang sa'kin yun #2, walang kaso. I always have fun kapag binabasa ko ang blog mo. More powers sa'yo! (May 's' para marami. jk)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Salamat AB! Yeah more powerses sa atin :)
      (Mas marami yung binigay ko, may 's' na may 'es' pa hahaha)

      Burahin
  6. lol at (2).

    ok lang yan :)
    just keep on writing. MAJOR MAJOR will come without you noticing it. hahaha
    buti ka nga ang dami mong entries for the past five years! :)

    happy new year!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ibig sabihin possible na dumating na pala yung major major pero di ko naramdaman kasi wala ring major major effect hahaha.

      Saklap lols.

      Salamat sa pagsibita!

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...