The VERSATILE BLOGGER AWARD 2016: At Ang Aking Mga Kwentong FIRSTs


Ang larawan ay galing kay Stevevhan.


                Ang sabe, kapag na-nominate ka, mag-share ng 7 RANDOM FACTS ABOUT YOURSELF… ang naisip kong ibahagi ay ang aking mga ‘kwentong firsts’

1. First time kong makakita ng PERSIMMON sa totoong buhay. LOL.

                Jan. 16 – Sabado, sa may palengke malapit sa simbahan ng Quiapo. Sa sobrang pagka-ignorante ko sa prutas na katabi ng lemon na di ko mawari kung ano, di ko napigilan tanungin si kuyang nagtitinda;

                Kumuha ako ng isa at pinsil-pisil…
                “Kuya, ano po ito?”, tanong ko…
                “Persimmon!”, sagot niya (na may tingin ng pagtataka)…
                “Ah, yung ginagamit ni Jang Geum sa pagluluto!”, dugtong ko.

                At habang naglalakad kami palayo sa kanya, na-feel kong buti pa si kuya alam ang persimmon, ako sa buong buhay ko, ngayong 2016 lang ako nakakita ng persimmon hahaha.

2. Unang beses ko lang din na nagsimba sa Quiapo Church noong sabado… at unang simba rin ngayong taon.

3. Na ako ang dahilan (pero parang hindi rin naman) kung bakit ginagabi kami ng uwi tuwing sabado nila Eldie at Neri (mga klasmeyt ko) matapos ang klase

…dahil ayokong sumakay kapag sobrang sikip ng tren sa LRT… dapat masikip lang, hindi sobrang sikip, kaya lagi kaming nag-i-skip ng train (at nangangarap na may maluwag na treng darating). At unang beses ko lang din nakitang medyo nainis si Eldie dahil kahapon nung papasakay na kami sa isang tren ay pinigilan ko silang dalawa, lahat ng kasabay namin sa pila ay nakasakay naman, kaming 3 lang ang hindi dahil sa akin hahaha.

4. Na noong Dec. 16, 2015 Biyernes – unang beses ko lang din pumunta sa isang resto bar.

                Na kahit pa alas-diyes na ng gabi, at may ipapasang reaction paper bukas, itinigil ko ang paggawa para puntahan ang mga nag-aya kong mga kaibigan sa trabaho. Ok lang din naman, kumain lang kami at kaunting inom. Dun ko lang din na-realize na malalaking tao talaga ang mga bouncer lol.

5. October 31, 2015 Sabado – una akong nagsuot ng contact lens.

                Inabot pa ng 30 minuto yung ophthalmologist para lang ituro sa akin ang tamang paglagay at pag-alis ng contact lens. At habang suot ko yun papauwi dun ko nasabing “What a wonderful world!” Hahaha. Ganun pala ang feeling kapag malinaw ang mata from all angles.

6. January 9 Sabado – una kong kinasuyaan ang paborito kong POTATO chips.

                Yun ay dahil bumili ako ng isang malaking size ng potato chips. Mga 6 na servings ang katumbas, at inubos ko lahat… ang ending umay na umay ako dahil tubig lang ang pinang-tandem ko hahaha, tapus plain pa yung pinili kong flavor. Hanggang ngayon at sa mga darating pang araw, ayoko muna ng potato chips.

7. At ang unang award na aking natanggap para sa taong ito ay galing kay Mr. Tripster… kaya ako gumawa ng ganito. Salamat!

x-o-x-o-x

                Dahil dyan, mag-tag daw ako ng 15 pang mga bloggers. At sila ay ang mga sumusunod: (gusto ko sanang i-tag pabalik si Mr. Tripster hehehe)…

1. Overthinker Palaboy ng Afterthoughts
2. Stevevhan ng Artistic World
3. Limarx214 ng Blog, Poetry and Notion
4. Citybuoy ng City Songs
5. Diane ng Diane Wants to Write
6. Fiel-kun ng Fiel-Kun's Thoughts
7. Simon ng It Started Out with a Text
8. Jonathan ng Metaphorically Speaking
9. AnonymousBeki ng Mga Chika ni AnonymousBeki
10. Nyabachoi ng Mga Kwento ni Nyabachoi
11. Yccos ng Mimingthoughts
12. Rix ng PsychoRix
13. kalansaycollector ng Skeletons in my Closet
14. Christian ng I Remember When I was Young
15. Hi! I am Lili! Ng Thinking Out Loud

                Lakas maka-Miss U ng listahang 15! Sino ang mako-Colombia? Abangan.


Mga Komento

  1. Oy kasama pala ako bwahahahaha

    Yung persimmon, sa Korean drama ko lang din narinig yan. Nung una,sabi sh*t anu un? Shempre IGG lang "igoogle mo G*g* ako" malamanlaman ko, sa asian countries siya tumutubo. Pero best about everything, mukhang nalimutan ni Lord ang Pilipinas. Sa China, Korea, Japan, Nepal, Vietnam... konti na lang Pilipinas na hahaha d pa naidamay ni Lord hahaha

    Natawa ako dun sa masikip na Lrt.. hindi sobrang masikip... ganyan din motto ko. Pero ibang usapan kapag ma-la-late na ako.

    Anu un favorite brand mo ng potato chips? Eh kasi naman Coke ang partner ng potato chips. Alat at tamis.... minus 5 years sa buhay ko haha

    Saludo ako sa mga may contact lens :) ang OC!

    O siya Sunday night na naman at bukas Monday na naman... anu bang buhay 'to haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yep kasama ka!

      Kay Jang Geum ko lang talaga narinig ang persimmon dahil lagi nyang hinahaluan ng katas ng persimmon ang mga luto nya hahaha.

      Kahit anung potato chips ok lang sa akin, basta lasang potato at hindi harina / corn chips lols. Pero syempre iba pa rin ang Lay's at iba pang mahalay na brands (na hindi ko naman always nabibili hahaha).

      At anu pa nga ba, Monday Sickness! I feel so mediocre every Monday hahaha.

      Burahin
  2. Ako nga eh hanggang ngayon ay hindi pa nakakakita ng persimmon sa totoong buhay. lols
    Ang sosyal ng contact lenses!

    P.S.
    Mula sa kaibuturan ng aking puso ay taos-puso akong nagpapasalamat saiyo sa pag-nominate sa akin.
    At this point, nag-iisip pa ako ng 7 things about me na aking isi-share. So abangan niyo na lang.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naku, isasama kita sa Quiapo para makita mo ang mahiwagang persimmon :)

      You're welcome! Nai-nominate ka rin ni Mr. Tripster kaya excited na kami sa 7 random facts mo :)

      Burahin
    2. Nakagawa na po ako ng post tungkol diyan. Check mo na lang po dito. Sana ma-enjoy mo yung mga shinare ko jan. haha

      Burahin
  3. Nako yung first time ko nagsuot ng contacts grabe! Ang hirap! Pero ngayon ok na. But I still prefer glasses. Saya naman basahin ng random facts mo. Hahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Korek! Yung una ko ring paglagay lumuluha ako ng sobra.

      Nakakawili suotin kasi minsan parang ayoko na tanggalin hahaha.
      Ang sarap kapag malinaw ang mata :)

      Burahin
  4. i tried wearing contacts to see if its for me, pero namaga yung mata ko! fake yata yung contacts?! char! Hahaha.. I have dry eyes syndrome kaya hindi talaga advisable sakin ang contacts :(

    magawa na nga itong random facts na ito!

    ano yung persimmon, i-google ko nga later.. hehehe

    TumugonBurahin
  5. Favourite fruit ko yan nung bata pa ako. My grandma used to buy them and then kapag matigas pa, she hides them under rice. You could smell the sweetness once it is ripe. I saw a bunch of them last time when I went out for a trip at binili ko lahat, ha,ha,ha.

    Contact lenses, oks na ako sa eyeglasses ko, baka kasi hindi ko na maalala na may suot pala akong contacts at makatulog na ako sa pagod.

    Ayaw ko rin ng sobrang masikip, hindi ako makahinga. Try mong mag MRT sa China, hindi lang masikip, may anghit pa, he,he,he.

    Thanks sa tag!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Favorite mo pala ang persimmon :)
      Anung lasa? Parang orange lang?

      Makabili nga pag may nakita ulit ako.

      Burahin
  6. Natatandaan ko nga na iyon ang ginagamit ni Jang Geum sa pagluluto, yung persimmon. Hahaha! Natatawa ako sa mga first time na experience mo. Favorite ko 'yung tungkol sa bouncer. Nakakatakot ba talaga sila? 'Di pa ako nakakapunta sa resto bar e. Sa club lang e madilim, 'di ko alam kung sino doon ang bouncer.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Di naman sila nakakatakot... malaki lang talaga sila kumpara sa akin :)

      Napa- "Ha?" ako sa sinabi mong "...e madilim, 'di ko alam kung sino doon ang bouncer."... Naisip ko tuloy na sa club na pinuntahan mo ay puro pang-bouncer ang hulma ng katawan, lols.

      Burahin
  7. una sa lahat, salamat sa nomination. gagawin ko to maya maya at kasalukuyan akong nagpapanic sa dami ng trabaho ko. but promise ko, kumalma ka, magpopost ako.

    at puke tawang tawa ako sa jang geum reference! napagoogle ako kung totoong pinangluluto niya, at true enough, oo nga daw.

    at regarding sa contact lens, wag na. nagcontacts ako before, dumoble ang grado ng mata ko. not worth it. chos.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naku, di pwede ang maya-maya, excited na kaya kami hahaha!

      Si Jang Geum lang talaga ang maikakabit kong alaala / ideya para sa persimmon na yan :)

      Burahin
  8. ahaha nung una beses ko mag suot ng contact lens inabot ako ng 30 minutes bago ko sya tuluyang masuot. Tapos maluha luha pa ako.

    Thanks sa pag- Nominate

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. You're welcome! Aabangan ko ang sagot mo Rix :)

      Ganyan din yung unang experience ko, todo luha at nakaka-frustrate / nakakainis kapag ayaw malagay sa mata yung contact lens :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento