I WONDER. Ano kaya ang pag-uusapan nila Pastor Apollo Quiboloy at ni Vissarion kung sakaling mag-meet silang dalawa?... Papatotohanan o papasubalian ba nila ang isa?... Si Pastor Apollo Carreon Quiboloy ay ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ na kinikilala ang sarili bilang ang Appointed Son of God. Taga Davao, Pilipinas. Si Sergey Anatolyevitch Torop o mas kilala bilang si Vissarion ay ang founder at leader naman ng Church of the Last Testament , siya naman umano ang reincarnation ni Hesus. Taga Siberia, Russia. Parehong mabigat na titulo ang kini-claim nila para sa kanilang mga sarili. Magkapareho ba sila ng ‘Diyos’ na pinagsisilbihan? O iisa rin bang ‘Diyos’ ang nag-appoint or nag-reincarnate sa kanila? ...